ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការបកប្រែជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - មជ្ឈមណ្ឌលបកប្រែ​រ៉ូវ៉ាទ

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
66 : 4

وَلَوۡ أَنَّا كَتَبۡنَا عَلَيۡهِمۡ أَنِ ٱقۡتُلُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ أَوِ ٱخۡرُجُواْ مِن دِيَٰرِكُم مَّا فَعَلُوهُ إِلَّا قَلِيلٞ مِّنۡهُمۡۖ وَلَوۡ أَنَّهُمۡ فَعَلُواْ مَا يُوعَظُونَ بِهِۦ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡ وَأَشَدَّ تَثۡبِيتٗا

Kung sakaling Kami ay nagtakda sa kanila na: “Patayin ninyo ang mga sarili ninyo o lumisan kayo sa mga tahanan ninyo” ay hindi sana sila gumawa nito maliban sa kaunti sa kanila. Kung sakaling sila ay nagsagawa ng ipinangangaral sa kanila, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti para sa kanila at higit na matindi sa pagpapatatag [sa pananampalataya] info
التفاسير:

external-link copy
67 : 4

وَإِذٗا لَّأٓتَيۡنَٰهُم مِّن لَّدُنَّآ أَجۡرًا عَظِيمٗا

at samakatuwid talaga sanang nagbigay Kami sa kanila mula sa nasa Amin na isang pabuyang dakila, info
التفاسير:

external-link copy
68 : 4

وَلَهَدَيۡنَٰهُمۡ صِرَٰطٗا مُّسۡتَقِيمٗا

at talaga sanang nagpatnubay Kami sa kanila sa isang landasing tuwid. info
التفاسير:

external-link copy
69 : 4

وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَ فَأُوْلَٰٓئِكَ مَعَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ وَٱلصِّدِّيقِينَ وَٱلشُّهَدَآءِ وَٱلصَّٰلِحِينَۚ وَحَسُنَ أُوْلَٰٓئِكَ رَفِيقٗا

Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo, ang mga iyon ay kasama ng mga biniyayaan ni Allāh kabilang sa mga propeta, mga matapat, mga martir, at mga maayos. Kay ganda ang mga iyon bilang kasama! info
التفاسير:

external-link copy
70 : 4

ذَٰلِكَ ٱلۡفَضۡلُ مِنَ ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ عَلِيمٗا

Ang kabutihang-loob na iyon ay mula kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Maalam. info
التفاسير:

external-link copy
71 : 4

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ خُذُواْ حِذۡرَكُمۡ فَٱنفِرُواْ ثُبَاتٍ أَوِ ٱنفِرُواْ جَمِيعٗا

O mga sumampalataya, humawak kayo sa pag-iingat ninyo saka humayo kayo nang pulu-pulutong o humayo kayo nang lahatan. info
التفاسير:

external-link copy
72 : 4

وَإِنَّ مِنكُمۡ لَمَن لَّيُبَطِّئَنَّ فَإِنۡ أَصَٰبَتۡكُم مُّصِيبَةٞ قَالَ قَدۡ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيَّ إِذۡ لَمۡ أَكُن مَّعَهُمۡ شَهِيدٗا

Tunay na mayroon sa inyo na talagang ang magpapabagal nga [sa pakikipaglaban]. Kaya kung may tumama sa inyo na isang kapahamakan ay magsasabi siya: “Nagbiyaya nga si Allāh sa akin yayamang hindi ako naging kasama sa kanila bilang saksi.” info
التفاسير:

external-link copy
73 : 4

وَلَئِنۡ أَصَٰبَكُمۡ فَضۡلٞ مِّنَ ٱللَّهِ لَيَقُولَنَّ كَأَن لَّمۡ تَكُنۢ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُۥ مَوَدَّةٞ يَٰلَيۡتَنِي كُنتُ مَعَهُمۡ فَأَفُوزَ فَوۡزًا عَظِيمٗا

Talagang kung may tumama sa inyo na kabutihang-loob mula kay Allāh ay talagang magsasabi nga siya, na para bang walang nangyari sa pagitan ninyo at niya na isang pagmamahal: “O kung sana ako ay naging kasama sa kanila para magtamo ako ng isang pagkatamong sukdulan.” info
التفاسير:

external-link copy
74 : 4

۞ فَلۡيُقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ٱلَّذِينَ يَشۡرُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا بِٱلۡأٓخِرَةِۚ وَمَن يُقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَيُقۡتَلۡ أَوۡ يَغۡلِبۡ فَسَوۡفَ نُؤۡتِيهِ أَجۡرًا عَظِيمٗا

Kaya makipaglaban ayon sa landas ni Allāh ang mga nagbili ng buhay na pangmundo kapalit ng Kabilang-buhay. Ang sinumang makikipaglaban ayon sa landas ni Allāh at mapapatay ito o mananaig ito ay magbibigay rito ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso]. info
التفاسير: