ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការបកប្រែជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - មជ្ឈមណ្ឌលបកប្រែ​រ៉ូវ៉ាទ

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
46 : 29

۞ وَلَا تُجَٰدِلُوٓاْ أَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ إِلَّا بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ إِلَّا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡهُمۡۖ وَقُولُوٓاْ ءَامَنَّا بِٱلَّذِيٓ أُنزِلَ إِلَيۡنَا وَأُنزِلَ إِلَيۡكُمۡ وَإِلَٰهُنَا وَإِلَٰهُكُمۡ وَٰحِدٞ وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ

Huwag kayong makipagtalo sa mga May Kasulatan malibang ayon sa pinakamaganda, maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila. Sabihin ninyo: “Sumampalataya kami sa pinababa sa amin at pinababa sa inyo. Ang Diyos namin at ang Diyos ninyo ay nag-iisa. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.”[18] info

[18] O mga Muslim.

التفاسير:

external-link copy
47 : 29

وَكَذَٰلِكَ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَۚ فَٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۖ وَمِنۡ هَٰٓؤُلَآءِ مَن يُؤۡمِنُ بِهِۦۚ وَمَا يَجۡحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا ٱلۡكَٰفِرُونَ

Gayon Kami nagpababa sa iyo ng Aklat kaya ang [ilan sa] mga binigyan Namin ng kasulatan ay sumasampalataya rito. Mayroon sa mga ito na sumasampalataya rito. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi ang mga tagatangging sumampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 29

وَمَا كُنتَ تَتۡلُواْ مِن قَبۡلِهِۦ مِن كِتَٰبٖ وَلَا تَخُطُّهُۥ بِيَمِينِكَۖ إِذٗا لَّٱرۡتَابَ ٱلۡمُبۡطِلُونَ

Hindi ka dati bumibigkas bago pa nito ng anumang aklat at hindi ka nagsusulat nito sa pamamagitan ng kanan mo [dahil] kung gayon ay talagang nag-alinlangan ang mga tagapagpabula. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 29

بَلۡ هُوَ ءَايَٰتُۢ بَيِّنَٰتٞ فِي صُدُورِ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَۚ وَمَا يَجۡحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا ٱلظَّٰلِمُونَ

Bagkus [ang Qur’ān na] ito ay mga talatang malilinaw na nasa mga dibdib ng mga nabigyan kaalaman. Walang nagkakaila sa mga talata Namin [sa Qur’ān] kundi ang mga tagalabag sa katarungan. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 29

وَقَالُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ ءَايَٰتٞ مِّن رَّبِّهِۦۚ قُلۡ إِنَّمَا ٱلۡأٓيَٰتُ عِندَ ٱللَّهِ وَإِنَّمَآ أَنَا۠ نَذِيرٞ مُّبِينٌ

Nagsabi sila: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na mga tanda mula sa Panginoon niya?” Sabihin mo: “Ang mga tanda ay nasa ganang kay Allāh lamang at ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang.[19] info

[19] ng pagdurusa para sa sinumang nagtatambal ng anuman kay Allāh at gumagawa ng masama.

التفاسير:

external-link copy
51 : 29

أَوَلَمۡ يَكۡفِهِمۡ أَنَّآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ يُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَرَحۡمَةٗ وَذِكۡرَىٰ لِقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

Hindi ba nakasapat sa kanila na Kami ay nagpababa sa iyo[20] ng Aklat na binibigkas sa kanila? Tunay na sa gayon ay talagang may awa at paalaala para sa mga taong sumasampalataya. info

[20] O Propeta Muḥammad

التفاسير:

external-link copy
52 : 29

قُلۡ كَفَىٰ بِٱللَّهِ بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡ شَهِيدٗاۖ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱلۡبَٰطِلِ وَكَفَرُواْ بِٱللَّهِ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

Sabihin mo: “Nakasapat si Allāh sa pagitan ko at ninyo bilang Saksi. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at lupa. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan[21] at tumangging sumampalataya kay Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi.” info

[21] na anumang sinasamba bukod pa kay Allāh

التفاسير: