ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការបកប្រែជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - មជ្ឈមណ្ឌលបកប្រែ​រ៉ូវ៉ាទ

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
24 : 29

فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُواْ ٱقۡتُلُوهُ أَوۡ حَرِّقُوهُ فَأَنجَىٰهُ ٱللَّهُ مِنَ ٱلنَّارِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: “Patayin ninyo siya o sunugin ninyo siya,” ngunit pinaligtas siya ni Allāh mula sa apoy. Tunay na sa gayon ay may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 29

وَقَالَ إِنَّمَا ٱتَّخَذۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡثَٰنٗا مَّوَدَّةَ بَيۡنِكُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ ثُمَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَكۡفُرُ بَعۡضُكُم بِبَعۡضٖ وَيَلۡعَنُ بَعۡضُكُم بَعۡضٗا وَمَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن نَّٰصِرِينَ

Nagsabi siya: “Gumawa lamang kayo sa bukod pa kay Allāh ng mga diyus-diyusan dala ng isang pagmamahal sa gitna ninyo sa buhay na pangmundo. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay tatanggi kayo sa isa’t isa at susumpa kayo sa isa’t isa. Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na mga tagapag-adya.” info
التفاسير:

external-link copy
26 : 29

۞ فَـَٔامَنَ لَهُۥ لُوطٞۘ وَقَالَ إِنِّي مُهَاجِرٌ إِلَىٰ رَبِّيٓۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Ngunit naniwala sa kanya si Lot. Nagsabi siya: “Tunay na ako ay lilikas tungo sa Panginoon ko. Tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.” info
التفاسير:

external-link copy
27 : 29

وَوَهَبۡنَا لَهُۥٓ إِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَجَعَلۡنَا فِي ذُرِّيَّتِهِ ٱلنُّبُوَّةَ وَٱلۡكِتَٰبَ وَءَاتَيۡنَٰهُ أَجۡرَهُۥ فِي ٱلدُّنۡيَاۖ وَإِنَّهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

Ipinagkaloob Namin sa kanya sina Isaac at Jacob at inilagay Namin sa mga supling niya ang pagkapropeta at ang kasulatan. Nagbigay Kami sa kanya ng pabuya niya sa Mundo. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 29

وَلُوطًا إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ إِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلۡفَٰحِشَةَ مَا سَبَقَكُم بِهَا مِنۡ أَحَدٖ مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ

[Banggitin] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: “Tunay na kayo ay talagang gumagawa ng mahalay, habang walang nakauna sa inyo roon na isa man kabilang sa mga nilalang. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 29

أَئِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلرِّجَالَ وَتَقۡطَعُونَ ٱلسَّبِيلَ وَتَأۡتُونَ فِي نَادِيكُمُ ٱلۡمُنكَرَۖ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُواْ ٱئۡتِنَا بِعَذَابِ ٱللَّهِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

Tunay na kayo ba ay talagang gumagawa [ng sodomiya] sa mga lalaki, nandarambong sa landas, at gumagawa sa kapulungan ninyo ng nakasasama?”[7] Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: “Magdala ka sa amin ng pagdurusang dulot ni Allāh, kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat.” info

[7] na gaya ng pagtatambal kay Allāh, kawalang-pananampalataya, kasamaan, at paglabag

التفاسير:

external-link copy
30 : 29

قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡمُفۡسِدِينَ

Nagsabi siya: “Panginoon ko, iadya Mo ako laban sa mga taong tagagulo.” info
التفاسير: