ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ: 152:151 close

external-link copy
23 : 7

قَالَا رَبَّنَا ظَلَمۡنَآ أَنفُسَنَا وَإِن لَّمۡ تَغۡفِرۡ لَنَا وَتَرۡحَمۡنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ

Nagsabi sina Adan at Eva: "O Panginoon namin, lumabag kami sa katarungan sa mga sarili namin dahil sa paggawa ng sinaway mo sa amin laban sa pagkain mula sa punong-kahoy. Kung hindi Ka magpapatawad sa amin sa mga pagkakasala namin at maaawa sa amin, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga lugi dahil sa pagsasayang namin sa bahagi namin sa Mundo at Kabilang-buhay." info
التفاسير:

external-link copy
24 : 7

قَالَ ٱهۡبِطُواْ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوّٞۖ وَلَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُسۡتَقَرّٞ وَمَتَٰعٌ إِلَىٰ حِينٖ

Nagsabi si Allāh kina Adan, Eva, at Satanas: "Lumapag kayo mula sa Paraiso patungo sa lupa. Ang iba sa inyo ay magiging kaaway para sa iba. Ukol sa inyo sa lupa ay isang lugar ng pagtigil hanggang sa isang panahong nalalaman at isang pagtatamasa sa nariyan hanggang sa isang takdang taning." info
التفاسير:

external-link copy
25 : 7

قَالَ فِيهَا تَحۡيَوۡنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنۡهَا تُخۡرَجُونَ

Nagsabi si Allāh habang kumakausap kina Adan, Eva, at sa mga supling nilang dalawa: "Sa lupang ito mabubuhay kayo sa yugtong itinakda ni Allāh para sa inyo mula sa mga taning, sa loob niyon mamamatay kayo at ililibing kayo, at mula sa mga puntod ninyo ilalabas kayo para sa muling pagbubuhay. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 7

يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ قَدۡ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكُمۡ لِبَاسٗا يُوَٰرِي سَوۡءَٰتِكُمۡ وَرِيشٗاۖ وَلِبَاسُ ٱلتَّقۡوَىٰ ذَٰلِكَ خَيۡرٞۚ ذَٰلِكَ مِنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ لَعَلَّهُمۡ يَذَّكَّرُونَ

O mga anak ni Adan, gumawa nga Kami para sa inyo ng kasuutang kinakailangan para sa pagtatakip sa mga kahubaran ninyo. Gumawa Kami para sa inyo ng kasuutang panggayak na ipinapampaganda ninyo sa mga tao, ngunit ang kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, na siyang pagsunod sa ipinag-utos ni Allāh at pag-iwas sa sinaway Niya, ay higit na mabuti kaysa sa kasuutang pisikal na ito. Ang nabanggit na iyon kabilang sa kasuutan ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa kakayahan Niya, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala sa mga biyaya Niya sa inyo saka magpapasalamat sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 7

يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ لَا يَفۡتِنَنَّكُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ كَمَآ أَخۡرَجَ أَبَوَيۡكُم مِّنَ ٱلۡجَنَّةِ يَنزِعُ عَنۡهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوۡءَٰتِهِمَآۚ إِنَّهُۥ يَرَىٰكُمۡ هُوَ وَقَبِيلُهُۥ مِنۡ حَيۡثُ لَا تَرَوۡنَهُمۡۗ إِنَّا جَعَلۡنَا ٱلشَّيَٰطِينَ أَوۡلِيَآءَ لِلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ

O mga anak ni Adan, huwag ngang manlinlang sa inyo ang demonyo sa pamamagitan ng pang-aakit sa pagsuway sa pamamagitan ng pag-iwan sa kasuutang pisikal para sa pagtatakip sa kahubaran o pag-iwan sa kasuutan ng pangingilag sa pagkakasala, sapagkat nakadaya nga siya sa mga [unang] magulang ninyo sa pamamagitan ng pang-aakit sa pagkain mula sa [bawal na] punong-kahoy hanggang sa ang kinauwian niyon ay na nagpalabas siya sa kanilang dalawa mula sa Paraiso at tumambad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Tunay na ang demonyo at ang mga inapo niya ay nakakikita sa inyo at nakasasaksi sa inyo samantalang kayo ay hindi nakakikita sa kanila at hindi nakasasaksi sa kanila kaya kinakailangan sa inyo ang pag-iingat laban sa kanya at laban sa mga inapo niya. Tunay na Siya ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya kay Allāh. Tungkol naman sa mga mananampalataya na gumagawa ng mga gawang maayos, walang daan sa mga iyon laban sa mga ito." info
التفاسير:

external-link copy
28 : 7

وَإِذَا فَعَلُواْ فَٰحِشَةٗ قَالُواْ وَجَدۡنَا عَلَيۡهَآ ءَابَآءَنَا وَٱللَّهُ أَمَرَنَا بِهَاۗ قُلۡ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَأۡمُرُ بِٱلۡفَحۡشَآءِۖ أَتَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

Kapag nakagawa ang mga tagapagtambal ng isang bagay na malubha ang kasamaan gaya ng shirk, pagsasagawa ng ṭawāf sa paligid ng Ka`bah habang mga nakahubad, at iba pa sa mga ito, nagdadahi-dahilan sila na sila ay nakatagpo sa mga magulang nila na gumagawa niyon at na si Allāh ay nag-utos sa kanila niyon." Sabihin mo, O Muḥammad, bilang tugon sa kanila: "Tunay na si Allāh ay hindi nag-uutos ng mga pagsuway, bagkus sumasaway Siya ng mga ito. Kaya papaano kayong nag-aangkin niyon laban sa Kanya? Nagsasabi ba kayo, O mga tagapagtambal, hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman bilang kasinungalingan at paggawa-gawa?" info
التفاسير:

external-link copy
29 : 7

قُلۡ أَمَرَ رَبِّي بِٱلۡقِسۡطِۖ وَأَقِيمُواْ وُجُوهَكُمۡ عِندَ كُلِّ مَسۡجِدٖ وَٱدۡعُوهُ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَۚ كَمَا بَدَأَكُمۡ تَعُودُونَ

Sabihin mo, O Muḥammad, sa mga tagapagtambal na ito: "Tunay na si Allāh ay nag-utos ng katarungan at hindi nag-utos ng kalaswaan at nakasasama, at nag-utos na magpakawagas kayo para sa Kanya sa pagsamba sa pangkalahatan, higit sa lahat sa mga masjid at na dumalangin kayo sa Kanya lamang habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagtalima. Kung paanong lumikha Siya sa inyo mula sa kawalan sa kauna-unahang pagkakataon, magpapanumbalik Siya sa inyo bilang mga buhay sa ikalawang pagkakataon sapagkat ang Nakakakaya sa pagpapasimula sa paglikha sa inyo ay nakakakaya sa pagpapanumbalik sa inyo at pagbuhay sa inyo." info
التفاسير:

external-link copy
30 : 7

فَرِيقًا هَدَىٰ وَفَرِيقًا حَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلضَّلَٰلَةُۚ إِنَّهُمُ ٱتَّخَذُواْ ٱلشَّيَٰطِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُم مُّهۡتَدُونَ

Gumawa nga si Allāh sa mga tao bilang dalawang pangkat: isang pangkat kabilang sa inyo na pinatnubayan Niya, na nagpadali Siya para rito ng mga kadahilanan ng kapatnubayan at nagbaling Siya palayo rito ng mga hadlang dito; at iba pang pangkat na kinailangan sa kanila ang pagkaligaw palayo sa daan ng katotohanan. Iyon ay dahil sila ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik bukod pa kay Allāh, kaya naakay sila para sa mga ito sa kamangmangan habang sila ay nag-aakala na sila ay mga napapatnubayan tungo sa landasing tuwid. info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• من أَشْبَهَ آدم بالاعتراف وسؤال المغفرة والندم والإقلاع - إذا صدرت منه الذنوب - اجتباه ربه وهداه. ومن أَشْبَهَ إبليس - إذا صدر منه الذنب بالإصرار والعناد - فإنه لا يزداد من الله إلا بُعْدًا.
Ang sinumang nakawangis ni Adan sa pag-amin, paghingi ng kapatawaran, pagsisisi, at pagwawaksi [sa kasalanan] kapag namutawi mula sa kanya ang mga pagkakasala, pipiliin siya ng Panginoon niya at papatnubayan. Ang sinumang nakawangis ni Satanas kapag namutawi sa kanya ang pagkakasala sa pamamagitan ng pagpupumilit at pagmamatigas, tunay na siya ay hindi nadaragdagan mula kay Allāh maliban ng pagkalayo. info

• اللباس نوعان: ظاهري يستر العورةَ، وباطني وهو التقوى الذي يستمر مع العبد، وهو جمال القلب والروح.
Ang kasuutan ay dalawang uri: panlabas na nagtatakip sa kahubaran at panloob – ang pangingilag sa pagkakasala na nagpapatuloy kasama ng tao – ang kagandahan ng puso at kaluluwa. info

• كثير من أعوان الشيطان يدعون إلى نزع اللباس الظاهري؛ لتنكشف العورات، فيهون على الناس فعل المنكرات وارتكاب الفواحش.
Marami sa mga tagatulong ng demonyo ay nag-aanyaya sa pag-aalis ng kasuutang panlabas upang malantad ang mga kahubaran kaya mapadadali sa mga tao ang paggawa ng mga nakasasama at ang paggawa ng mga malaswa. info

• أن الهداية بفضل الله ومَنِّه، وأن الضلالة بخذلانه للعبد إذا تولَّى -بجهله وظلمه- الشيطانَ، وتسبَّب لنفسه بالضلال.
Na ang kapatnubayan ay sa pamamagitan ng kabutihang-loob ni Allāh at kagandahang-loob Niya, at na ang kaligawan ay sa pamamagitan ng pagtatwa Niya sa tao kapag tumangkilik ito, dahil sa kamangmangan nito at kawalang-katarungan nito, sa demonyo at nagdahilan para sa sarili niya ng pagkaligaw. info