ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
164 : 7

وَإِذۡ قَالَتۡ أُمَّةٞ مِّنۡهُمۡ لِمَ تَعِظُونَ قَوۡمًا ٱللَّهُ مُهۡلِكُهُمۡ أَوۡ مُعَذِّبُهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدٗاۖ قَالُواْ مَعۡذِرَةً إِلَىٰ رَبِّكُمۡ وَلَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ

Banggitin mo, O Sugo, nang may isang pangkat kabilang sa kanila na sumasaway sa kanila laban sa nakasasamang ito at nagbibigay-babala sa kanila laban dito, may nagsabi naman dito na iba pang pangkat: "Bakit kayo nagpapayo sa isang pangkat na si Allāh ay magpapahamak rito sa Mundo dahil sa ginawa nito na mga pagsuway o magpaparusa rito sa Araw ng Pagbangon ng isang matinding pagdurusa?" Nagsabi ang mga tagapayo: "Ang payo namin sa kanila ay upang mapawalang-sala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya sa amin na pag-uutos sa nakabubuti at pagsaway sa nakasasama upang hindi Siya manisi sa amin sa pag-iwan niyon, at nang sa gayon sila ay makikinabang sa pangaral saka magtatanggal sa taglay nila na pagsuway." info
التفاسير:

external-link copy
165 : 7

فَلَمَّا نَسُواْ مَا ذُكِّرُواْ بِهِۦٓ أَنجَيۡنَا ٱلَّذِينَ يَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلسُّوٓءِ وَأَخَذۡنَا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ بِعَذَابِۭ بَـِٔيسِۭ بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ

Kaya noong umayaw ang mga tagasuway sa ipinaalaala sa kanila ng mga tagapangaral at hindi sila tumigil, sinagip Namin ang mga sumaway sa nakasasama mula sa pagdurusa at dumaklot Kami sa mga lumabag sa katarungan dahil sa paglabag sa [pagbabawal sa] pangingisda sa araw ng Sabado ng isang matinding pagdurusa dahilan sa paglabas nila sa pagtalima sa Amin at pagpupumilit nila sa pagsuway. info
التفاسير:

external-link copy
166 : 7

فَلَمَّا عَتَوۡاْ عَن مَّا نُهُواْ عَنۡهُ قُلۡنَا لَهُمۡ كُونُواْ قِرَدَةً خَٰسِـِٔينَ

Kaya noong lumampas sila sa hangganan sa pagsuway kay Allāh dala ng pagkamapagmalaki at pagmamatigas at hindi sila napangaralan, nagsabi Kami sa kanila: "O mga tagasuway, kayo ay maging mga unggoy na kaaba-aba." Kaya sila ay naging gaya ng ninais Namin. Ang utos Namin lamang sa isang bagay kapag nagnais Kami ay na magsabi Kami rito ng mangyari kaya mangyayari ito. info
التفاسير:

external-link copy
167 : 7

وَإِذۡ تَأَذَّنَ رَبُّكَ لَيَبۡعَثَنَّ عَلَيۡهِمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَن يَسُومُهُمۡ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِۗ إِنَّ رَبَّكَ لَسَرِيعُ ٱلۡعِقَابِ وَإِنَّهُۥ لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ

Banggitin mo, O Sugo, nang ipinaalam ni Allāh sa isang pagpapaalam na tahasan, na walang kalituhan doon, upang paghariin sa mga Hudyo ang aaba sa kanila at hahamak sa kanila sa buhay nila sa Mundo hanggang sa Araw ng Pagbangon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang mabilis ang parusa sa sinumang sumuway sa Kanya, hanggang sa tunay na Siya ay maaaring magpaaga para rito ng kaparusahan sa Mundo. Tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
168 : 7

وَقَطَّعۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ أُمَمٗاۖ مِّنۡهُمُ ٱلصَّٰلِحُونَ وَمِنۡهُمۡ دُونَ ذَٰلِكَۖ وَبَلَوۡنَٰهُم بِٱلۡحَسَنَٰتِ وَٱلسَّيِّـَٔاتِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ

Nagbaha-bahagi Kami sa kanila sa lupa at naggutay-gutay Kami sa kanila rito para maging mga pangkatin matapos na sila dati ay mga nagkakasama-sama. Kabilang sa kanila ang mga maayos na nagsasagawa sa mga karapatan ni Allāh at mga karapatan ng mga lingkod Niya. Kabilang sa kanila ang mga nagpapakakatamtaman. Kabilang sa kanila ang mga nagmamalabis sa mga sarili nila sa pamamagitan ng mga pagsuway. Sinulit Namin sila sa pamamagitan ng kaginhawahan at kagipitan, sa pag-asang bumalik sila palayo sa dating lagay nila. info
التفاسير:

external-link copy
169 : 7

فَخَلَفَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ خَلۡفٞ وَرِثُواْ ٱلۡكِتَٰبَ يَأۡخُذُونَ عَرَضَ هَٰذَا ٱلۡأَدۡنَىٰ وَيَقُولُونَ سَيُغۡفَرُ لَنَا وَإِن يَأۡتِهِمۡ عَرَضٞ مِّثۡلُهُۥ يَأۡخُذُوهُۚ أَلَمۡ يُؤۡخَذۡ عَلَيۡهِم مِّيثَٰقُ ٱلۡكِتَٰبِ أَن لَّا يَقُولُواْ عَلَى ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡحَقَّ وَدَرَسُواْ مَا فِيهِۗ وَٱلدَّارُ ٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ لِّلَّذِينَ يَتَّقُونَۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ

Saka may dumating, nang matapos ng mga ito, na mga alagad ng kasagwaan na humahalili sa mga ito. Kinuha nila ang Torah mula sa mga ninuno nila, na bumibigkas nito at hindi nagsasagawa sa nasaad dito. Kumukuha sila ng masamang tinatamasa sa Mundo bilang panunuhol sa paglilihis nila sa Kasulatan ni Allāh at paghatol ng hindi ayon sa pinababa Niya rito. Nagpapamithi sila sa mga sarili nila na si Allāh ay magpapatawad sa kanila sa mga pagkakasala nila. Kung may pumupunta sa kanila na isang katiting na makamundong tinatamasang ay kinukuha nila ito nang paulit-ulit. Hindi ba gumawa si Allāh ng mga tipan at mga kasunduan sa mga ito, na huwag silang magsabi tungkol kay Allāh maliban ng katotohanan nang walang paglilihis o pagpapalit? Hindi ba nangyaring ang pag-iwan nila sa paggawa ayon sa Kasulatan ay dala ng kamangmangan? Bagkus ito noon ay nasa kaalaman sapagkat nakabasa nga sila ng nasaad dito at nakaalam sila nito, kaya ang pagkakasala nila ay higit na matindi. Ang tahanan sa Kabilang-buhay at ang anumang nasa tahanan sa Kabilang-buhay na kaginhawahang mamalagi ay higit na mabuti kaysa sa naglalahong tinatamasang iyon para sa mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Hindi ba nakauunawa itong mga kumukuha ng katiting na pakinabang na ito na ang inihanda ni Allāh sa Kabilang-buhay para sa mga nangingilag magkasala ay pinakamabuti at pinakamagtatagal? info
التفاسير:

external-link copy
170 : 7

وَٱلَّذِينَ يُمَسِّكُونَ بِٱلۡكِتَٰبِ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُصۡلِحِينَ

Ang mga kumakapit sa Kasulatan, gumagawa ayon sa nasaad dito, at nagpapanatili ng pagdarasal sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga oras nito, mga kundisyon nito, mga kinakailangan dito, at mga sunnah nito ay gaganti si Allāh sa kanila sa mga gawa nila sapagkat si Allāh ay hindi nagwawala ng pabuya ng sinumang ang gawa nito ay maayos. info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• إذا نزل عذاب الله على قوم بسبب ذنوبهم ينجو منه من كانوا يأمرون بالمعروف وينهون عن المنكر فيهم.
Kapag bumaba ang parusa ni Allāh sa mga tao dahilan sa mga pagkakasala nila, maliligtas mula roon ang mga nag-uutos sa nakabubuti at sumasaway sa nakasasama sa kanila. info

• يجب الحذر من عذاب الله؛ فإنه قد يكون رهيبًا في الدنيا، كما فعل سبحانه بطائفة من بني إسرائيل حين مَسَخَهم قردة بسبب تمردهم.
Kinakailangan ang pag-iingat laban sa parusa ni Allāh sapagkat tunay na ito ay maaaring maging kakila-kilabot sa Mundo gaya ng ginawa Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa isang pangkatin kabilang sa mga anak ni Israel nang ginawa Niya silang unggoy dahilan sa paghihimagsik nila. info

• نعيم الدنيا مهما بدا أنه عظيم فإنه قليل تافه بجانب نعيم الآخرة الدائم.
Nagtakda si Allāh sa mga anak ni Israel ng pagkahamak at karalitaan at nagpahayag Siya na magpadala sa kanila sa bawat yugto ng magpapalasap sa kanila ng pagdurusa dahilan sa kawalang-katarungan nila at pagkalihis nila. info

• أفضل أعمال العبد بعد الإيمان إقامة الصلاة؛ لأنها عمود الأمر.
Ang kaginhawahan sa Mundo gaano man lumitaw na ito ay sukdulan, tunay na ito ay kakaunting babahagya kung ihahambing sa mamamalaging kaginhawahan sa Kabilang-buhay. info

• كتب الله على بني إسرائيل الذلة والمسكنة، وتأذن بأن يبعث عليهم كل مدة من يذيقهم العذاب بسبب ظلمهم وانحرافهم.
Ang pinakamainam sa mga gawain ng tao matapos ng pananampalataya ay ang pagpapanatili sa pagdarasal dahil ito ay haligi ng utos. info