ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
15 : 52

أَفَسِحۡرٌ هَٰذَآ أَمۡ أَنتُمۡ لَا تُبۡصِرُونَ

Kaya panggagaway ba itong nakita ninyo na pagdurusa o kayo ay hindi nakakikita nito? info
التفاسير:

external-link copy
16 : 52

ٱصۡلَوۡهَا فَٱصۡبِرُوٓاْ أَوۡ لَا تَصۡبِرُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡكُمۡۖ إِنَّمَا تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Lumasap kayo ng init ng apoy na ito at batahin ninyo ito, saka magtiis kayo sa pagbata ng init nito o huwag kayong magtiis rito: magkapantay ang pagtitiis ninyo at ang kawalan ng pagtitiis ninyo. HIndi kayo gagantihan sa Araw na ito kundi ng dati ninyong ginagawa sa Mundo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 52

إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَنَعِيمٖ

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay nasa mga hardin at kaginhawahang sukdulan na hindi napuputol, info
التفاسير:

external-link copy
18 : 52

فَٰكِهِينَ بِمَآ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ وَوَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ

na nagpapakasarap sa ibinigay sa kanila ni Allāh na masasarap na pagkain at inumin, at pag-aasawa, at nagsanggalang sa kanila sila ang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya – sa pagdurusa sa Impiyerno. Kaya nagtagumpay sila dahil sa pagtamo ng hinihiling nila na mga minamasarap at dahil sa pagsasanggalang sa kanila sa mga nakayayamot. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 52

كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Sasabihin sa kanila: "Kumain kayo at uminom kayo mula sa ninanasa ng mga sarili ninyo nang kaiga-igaya, na hindi kayo nangangamba ng isang kapinsalaan ni isang kasiraan mula sa kinakain ninyo at iniinom ninyo bilang ganti para sa inyo sa mga gawain ninyong kaaya-aya sa Mundo." info
التفاسير:

external-link copy
20 : 52

مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ سُرُرٖ مَّصۡفُوفَةٖۖ وَزَوَّجۡنَٰهُم بِحُورٍ عِينٖ

Mga nakasandal [sila] sa mga sopang ginayakan, inilagay ngang magkaharapan ang mga ito sa tabi ng isa't isa. Magkakasal Kami sa kanila sa mga babaing maputi na malalapad ang mga mata. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 52

وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱتَّبَعَتۡهُمۡ ذُرِّيَّتُهُم بِإِيمَٰنٍ أَلۡحَقۡنَا بِهِمۡ ذُرِّيَّتَهُمۡ وَمَآ أَلَتۡنَٰهُم مِّنۡ عَمَلِهِم مِّن شَيۡءٖۚ كُلُّ ٱمۡرِيِٕۭ بِمَا كَسَبَ رَهِينٞ

Ang mga sumampalataya at sumunod sa kanila sa pananampalataya ang mga anak nila ay mag-uugnay Kami sa kanila sa mga anak nila upang magalak ang mga mata nila sa mga ito. Kung sakaling hindi umabot ang mga gawa nila ay hindi Kami magbabawas sa kanila ng anuman sa gantimpala ng mga gawa nila. Ang bawat tao ay mapipiit dahil sa nakamit niya na gawang masagwa; hindi mananagot para sa kanya ang iba pa sa kanya sa anuman mula sa gawa niya. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 52

وَأَمۡدَدۡنَٰهُم بِفَٰكِهَةٖ وَلَحۡمٖ مِّمَّا يَشۡتَهُونَ

Magkakaloob Kami sa mga maninirahang ito sa Paraiso ng mga uri ng prutas at magkakaloob Kami sa kanila ng bawat ninasa nila na karne. info
التفاسير:

external-link copy
23 : 52

يَتَنَٰزَعُونَ فِيهَا كَأۡسٗا لَّا لَغۡوٞ فِيهَا وَلَا تَأۡثِيمٞ

Magbibigayan sila sa Paraiso ng tasa na hindi nagreresulta sa pag-inom nito ang inireresulta sa Mundo na pananalitang bulaan at kasalanan dahilan sa pagkalasing. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 52

۞ وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ غِلۡمَانٞ لَّهُمۡ كَأَنَّهُمۡ لُؤۡلُؤٞ مَّكۡنُونٞ

May lilibot sa kanila na mga batang lalaking pinagsilbi para sa pagsisilbi sa kanila, na para bang ang mga ito iyon sa kadalisayan ng kutis ng mga iyon at kaputian nito ay mga mutyang iniingatan sa mga kabibe ng mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 52

وَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ

Lalapit ang iba sa mga maninirahan sa Paraiso sa iba pa, habang nagtatanong sila sa isa't isa tungkol sa kalagayan nila sa Mundo. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 52

قَالُوٓاْ إِنَّا كُنَّا قَبۡلُ فِيٓ أَهۡلِنَا مُشۡفِقِينَ

Kaya sasagot sila sa mga iyon: "Tunay na kami dati sa Mundo sa gitna ng mga mag-anak namin ay mga nangangamba sa pagdurusang dulot ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 52

فَمَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا وَوَقَىٰنَا عَذَابَ ٱلسَّمُومِ

Ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa amin ng kapatnubayan tungo sa Islām at nagsanggalang Siya sa amin laban sa pagdurusang lumalabis sa init. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 52

إِنَّا كُنَّا مِن قَبۡلُ نَدۡعُوهُۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡبَرُّ ٱلرَّحِيمُ

Tunay na kami dati sa buhay namin sa Mundo ay sumasamba sa Kanya at dumadalangin sa Kanya na magsanggalang Siya sa amin sa pagdurusa sa Apoy. Tunay na Siya ay ang Tagagawa ng mabuti, ang Tapat sa pangako Niya sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila. Bahagi ng kabaitan Niya at awa Niya sa amin na nagpatnubay Siya sa amin sa pananampalataya, nagpapasok Siya sa amin sa Paraiso, at nagpalayo Siya sa amin sa Apoy. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 52

فَذَكِّرۡ فَمَآ أَنتَ بِنِعۡمَتِ رَبِّكَ بِكَاهِنٖ وَلَا مَجۡنُونٍ

Kaya magpaalaala ka, O Sugo, sa pamamagitan ng Qur'ān sapagkat hindi ka, dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa inyo na pananampalataya at pang-unawa, isang manghuhula na mayroon kang isang mapagtingin kabilang sa mga jinn; at hindi ka isang baliw. info
التفاسير:

external-link copy
30 : 52

أَمۡ يَقُولُونَ شَاعِرٞ نَّتَرَبَّصُ بِهِۦ رَيۡبَ ٱلۡمَنُونِ

O nagsasabi ang mga tagapagpasinungaling na ito: "Tunay na si Muḥammad ay hindi isang sugo, bagkus isang makata, na naghihintay kami sa kanya na hablutin siya ng kamatayan para makapagpahinga Kami sa kanya." info
التفاسير:

external-link copy
31 : 52

قُلۡ تَرَبَّصُواْ فَإِنِّي مَعَكُم مِّنَ ٱلۡمُتَرَبِّصِينَ

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Maghintay kayo ng kamatayan ko habang ako ay naghihintay ng dadapo sa inyo na isang pagdurusa dahilan sa pagpapasinungaling ninyo sa akin." info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• الجمع بين الآباء والأبناء في الجنة في منزلة واحدة وإن قصر عمل بعضهم إكرامًا لهم جميعًا حتى تتم الفرحة.
Ang pagsasama sa mga magulang at mga anak sa Paraiso sa nag-iisang kalagayan kahit pa man nagkulang ang gawa ng iba sa kanila bilang pagpaparangal para sa kanila sa kalahatan upang malubos ang tuwa. info

• خمر الآخرة لا يترتب على شربها مكروه.
Ang alak ng Kabilang-buhay ay hindi nagreresulta sa pag-inom nito ng isang kinasusuklaman. info

• من خاف من ربه في دنياه أمّنه في آخرته.
Ang sinumang nangamba sa Panginoon niya sa Mundo niya ay patitiwasayin siya sa Kabilang-buhay niya. info