ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
44 : 24

يُقَلِّبُ ٱللَّهُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبۡرَةٗ لِّأُوْلِي ٱلۡأَبۡصَٰرِ

Nagpapasunuran si Allāh sa pagitan ng gabi at maghapon sa haba at ikli, at sa pagdating at pag-alis. Tunay na sa nabanggit na iyon na mga tanda na mga katunayan sa pagkapanginoon ay may pangaral sa mga nagtataglay ng mga pagkatalos sa kakayahan ni Allāh at kaisahan Niya. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 24

وَٱللَّهُ خَلَقَ كُلَّ دَآبَّةٖ مِّن مَّآءٖۖ فَمِنۡهُم مَّن يَمۡشِي عَلَىٰ بَطۡنِهِۦ وَمِنۡهُم مَّن يَمۡشِي عَلَىٰ رِجۡلَيۡنِ وَمِنۡهُم مَّن يَمۡشِي عَلَىٰٓ أَرۡبَعٖۚ يَخۡلُقُ ٱللَّهُ مَا يَشَآءُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Si Allāh ay lumikha sa bawat umuusad sa balat ng lupa na hayop mula sa isang punlay. Mayroon sa kanila na naglalakad sa tiyan nito nang pagapang gaya ng mga ahas, mayroon sa kanila na naglalakad sa dalawang paa gaya ng tao at ibon, at mayroon sa kanila na naglalakad sa apat gaya ng mga hayupan. Lumilikha si Allāh ng anumang niloloob Niya kabilang sa nabanggit Niya at kabilang sa hindi Niya binanggit. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
46 : 24

لَّقَدۡ أَنزَلۡنَآ ءَايَٰتٖ مُّبَيِّنَٰتٖۚ وَٱللَّهُ يَهۡدِي مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

Talaga ngang nagpababa Kami kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ng mga tandang maliwanag na tagapaggabay sa daan ng katotohanan. Si Allāh ay nagtutuon sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang daang tuwid na walang kabaluktutan doon, kaya nagpaparating sa kanya ang daang iyon tungo sa Paraiso.
info
التفاسير:

external-link copy
47 : 24

وَيَقُولُونَ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَبِٱلرَّسُولِ وَأَطَعۡنَا ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٞ مِّنۡهُم مِّنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَۚ وَمَآ أُوْلَٰٓئِكَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw: "Sumampalataya kami kay Allāh at sumampalataya Kami sa Sugo, at tumalima Kami kay Allāh at tumalima Kami sa Sugo Niya." Pagkatapos ay may tumatalikod na isang pangkatin kabilang sa kanila kaya hindi tumatalima ang mga iyon kay Allāh at sa Sugo Niya sa pag-uutos ng pakikibaka sa landas ni Allāh at ng iba pa matapos na pag-aangkin ng mga iyon na pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at pagtalima sa kanilang dalawa. Ang mga tumatalikod na iyon sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay hindi ang mga mananampalataya, kahit pa nagpahayag sila na sila raw ay mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 24

وَإِذَا دُعُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ لِيَحۡكُمَ بَيۡنَهُمۡ إِذَا فَرِيقٞ مِّنۡهُم مُّعۡرِضُونَ

Kapag inanyayahan ang mga mapagpaimbabaw na ito tungo kay Allāh at sa Sugo upang humatol ang Sugo sa pagitan nila kaugnay sa naghihidwaan sila hinggil doon, biglang sila ay mga tagaayaw sa kahatulan nito dahil sa pagpapaimbabaw nila. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 24

وَإِن يَكُن لَّهُمُ ٱلۡحَقُّ يَأۡتُوٓاْ إِلَيۡهِ مُذۡعِنِينَ

Kung nalaman nila na ang katotohanan ay ukol sa kanila at na siya ay hahatol para sa kapakanan nila, pupunta sila sa kanya habang mga nagpapaakay na mga nagpapasailalim. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 24

أَفِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ أَمِ ٱرۡتَابُوٓاْ أَمۡ يَخَافُونَ أَن يَحِيفَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡ وَرَسُولُهُۥۚ بَلۡ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

Sa mga puso ng mga ito ba ay may karamdamang nananatili sa mga ito, o nagduda sila na siya ay Sugo ni Allāh, o nangangamba sila na mang-api si Allāh laban sa kanila at ang Sugo Niya sa kahatulan? Iyon ay hindi ukol sa anuman kabilang sa nabanggit. Bagkus dahil sa isang sakit sa mga sarili nila dahilan sa pag-ayaw nila sa kahatulan niya at pagmamatigas nila sa kanya. info
التفاسير:

external-link copy
51 : 24

إِنَّمَا كَانَ قَوۡلَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ إِذَا دُعُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ لِيَحۡكُمَ بَيۡنَهُمۡ أَن يَقُولُواْ سَمِعۡنَا وَأَطَعۡنَاۚ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

Tanging ang sasabihin ng mga mananampalataya kapag inanyayahan sila tungo kay Allāh at tungo sa Sugo upang humatol ito sa pagitan nila ay na magsabi sila: "Nakarinig kami sa sabi niya at tumalima kami sa utos niya." Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga magtatamo sa Mundo at Kabilang-buhay. info
التفاسير:

external-link copy
52 : 24

وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَيَخۡشَ ٱللَّهَ وَيَتَّقۡهِ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَآئِزُونَ

Ang sinumang tumatalima kay Allāh, tumatalima sa Sugo Niya, sumusuko sa kahatulan nilang dalawa, nangangamba sa anumang idudulot sa kanya ng mga pagsuway, at nangingilag sa pagdurusang dulot ni Allāh, sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya, ang mga iyon lamang ay ang mga magtatamo ng kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay. info
التفاسير:

external-link copy
53 : 24

۞ وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ لَئِنۡ أَمَرۡتَهُمۡ لَيَخۡرُجُنَّۖ قُل لَّا تُقۡسِمُواْۖ طَاعَةٞ مَّعۡرُوفَةٌۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ

Nanumpa ang mga mapagpaimbabaw kay Allāh nang pinakasukdulan sa mga panunumpa nilang mariin na nakakakaya nilang panumpaan na talagang kung nag-utos ka sa kanila ng paglisan tungo sa pakikibaka ay talagang lilisan nga sila. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Huwag kayong manumpa sapagkat ang kasinungalingan ninyo ay kilala at ang pagtalima ninyong inaangkin ay kilala." Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo gaano man kayo magkubli ng mga ito. info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• تنوّع المخلوقات دليل على قدرة الله.
Ang pagkasarisari ng mga nilikha ay isang patunay sa kakayahan ni Allāh. info

• من صفات المنافقين الإعراض عن حكم الله إلا إن كان الحكم في صالحهم، ومن صفاتهم مرض القلب والشك، وسوء الظن بالله.
Kabilang sa mga katangian ng mga mapagpaimbabaw ay ang pag-ayaw sa kahatulan ni Allāh, maliban kung ang kahatulan ay sa kapakanan nila. Kabilang sa katangian nila ang karamdaman sa puso, ang pagdududa, at ang kasagwaan ng pagpapalagay kay Allāh. info

• طاعة الله ورسوله والخوف من الله من أسباب الفوز في الدارين.
Ang pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya at ang pangamba kay Allāh ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagtamo sa Mundo at Kabilang-buhay. info

• الحلف على الكذب سلوك معروف عند المنافقين.
Ang panunumpa ng kasinungalingan ay ugaling kilala sa ganang mga mapagpaimbabaw. info