ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
111 : 16

۞ يَوۡمَ تَأۡتِي كُلُّ نَفۡسٖ تُجَٰدِلُ عَن نَّفۡسِهَا وَتُوَفَّىٰ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا عَمِلَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

Banggitin mo, O Sugo, ang araw na pupunta ang bawat tao na mangangatwiran para sa sarili nito nang hindi nangangatwiran para sa iba rito dahil sa bigat ng katayuan, at lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa ganti sa anumang ginawa nito na kabutihan at kasamaan. Sila ay hindi lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni sa pamamagitan ng pagdagdag sa masagwang gawa nila. info
التفاسير:

external-link copy
112 : 16

وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا قَرۡيَةٗ كَانَتۡ ءَامِنَةٗ مُّطۡمَئِنَّةٗ يَأۡتِيهَا رِزۡقُهَا رَغَدٗا مِّن كُلِّ مَكَانٖ فَكَفَرَتۡ بِأَنۡعُمِ ٱللَّهِ فَأَذَٰقَهَا ٱللَّهُ لِبَاسَ ٱلۡجُوعِ وَٱلۡخَوۡفِ بِمَا كَانُواْ يَصۡنَعُونَ

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad sa isang pamayanan, ang Makkah, na iyon dati ay matiwasay na hindi nangangamba ang mga naninirahan doon, na matatag samantalang ang mga tao sa paligid niyon ay dinudukot. Dumarating doon ang panustos niyon nang kaiga-igaya at madali mula sa bawat pook. Ngunit nagkaila ang mga naninirahan doon sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila na mga biyaya at hindi nagpasalamat kaya gumanti sa kanila si Allāh ng pagkagutom at pangambang matinding nakalitaw sa mga katawan nila bilang hilakbot at pangangayayat hanggang sa ang dalawang ito ay naging gaya ng damit [sa pagkapit] sa kanila dahilan sa dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling. info
التفاسير:

external-link copy
113 : 16

وَلَقَدۡ جَآءَهُمۡ رَسُولٞ مِّنۡهُمۡ فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَهُمۡ ظَٰلِمُونَ

Talaga ngang may dumating sa mga naninirahan sa Makkah na isang sugong kabilang sa kanila, na nakikilala nila siya sa pagkamapagkakatiwalaan at katapatan. Siya ay si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaugnay sa ibinaba sa kanya ng Panginoon niya kaya bumababa sa kanila ang pagdurusang dulot ni Allāh sa pamamagitan ng pagkagutom at pangamba habang sila ay mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila, sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan, nang nagtambal sila kay Allāh at nagpasinungaling sila sa Sugo Niya. info
التفاسير:

external-link copy
114 : 16

فَكُلُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ حَلَٰلٗا طَيِّبٗا وَٱشۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ إِيَّاهُ تَعۡبُدُونَ

Kaya kumain kayo, O mga lingkod, mula sa itinustos sa inyo ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na anumang naging ipinahihintulot kabilang sa uri ng itinuturing na kaaya-ayang kainin. Magpasalamat kayo sa biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa inyo sa pamamagitan ng pagkilala sa mga biyayang ito kay Allāh at pagbaling sa mga ito sa kaluguran Niya, kung nangyaring kayo ay sumasamba sa Kanya lamang at hindi nagtatambal sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
115 : 16

إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَيۡتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحۡمَ ٱلۡخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ لِغَيۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦۖ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Nagbawal si Allāh sa inyo mula sa mga nakakain ng anumang namatay nang walang pagkatay kabilang sa [mga hayop na] kinakatay, ng ibinubong dugo, ng baboy sa lahat ng mga bahagi nito, at ng anumang kinatay ng tagapagkatay nito bilang alay sa iba pa kay Allāh. Ang pagbabawal na ito ay tanging sa kalagayang makapipili. Ngunit ang sinumang pinilit ng kagipitan sa pagkain ng mga nabanggit kaya nakakain siya mula sa mga ito nang hindi nakaiibig sa ipinagbabawal mismo at hindi naman lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, walang kasalanan sa kanya sapagkat si Allāh ay Mapagpatawad na nagpapatawad sa kanya sa kinain niya, Maawain sa kanya nang pumayag para sa kanya niyon sa sandali ng kagipitan. info
التفاسير:

external-link copy
116 : 16

وَلَا تَقُولُواْ لِمَا تَصِفُ أَلۡسِنَتُكُمُ ٱلۡكَذِبَ هَٰذَا حَلَٰلٞ وَهَٰذَا حَرَامٞ لِّتَفۡتَرُواْ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ لَا يُفۡلِحُونَ

Huwag kayong magsabi, O mga tagapagtambal, ukol sa anumang naglalarawan ang mga dila ninyo ng kasinungalingan laban kay Allāh: "Ang bagay na ito ay ipinahihintulot at ang bagay na iyan ay ipinagbabawal," sa layunin na lumikha-likha kayo laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pagbabawal sa hindi Niya ipinagbawal at pagpapahintulot sa hindi Niya ipinahintulot. Tunay na ang mga lumilikha-likha laban kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatamo ng hinihiling at hindi maliligtas mula sa pinangingilabutan. info
التفاسير:

external-link copy
117 : 16

مَتَٰعٞ قَلِيلٞ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

Ukol sa kanila ay isang natatamasang kaunting kalait-lait dahil sa pagsunod nila sa mga pithaya nila sa Mundo, at ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang pagdurusang nakasasakit. info
التفاسير:

external-link copy
118 : 16

وَعَلَى ٱلَّذِينَ هَادُواْ حَرَّمۡنَا مَا قَصَصۡنَا عَلَيۡكَ مِن قَبۡلُۖ وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ

Sa mga Hudyo, lalo na, ay nagbawal Kami ng isinalaysay Namin sa iyo (gaya ng nasa Qur'ān 6:146). Hindi Kami lumabag sa kanila sa katarungan dahil sa pagbabawal niyon, subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan nang nakagawa sila ng mga kadahilanan ng parusa, kaya gumanti Kami sa kanila dahil sa pagsalansang nila at nagbawal Kami sa kanila niyon bilang kaparusahan para sa kanila. info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• الجزاء من جنس العمل؛ فإن أهل القرية لما بطروا النعمة بُدِّلوا بنقيضها، وهو مَحْقُها وسَلْبُها ووقعوا في شدة الجوع بعد الشبع، وفي الخوف والهلع بعد الأمن والاطمئنان، وفي قلة موارد العيش بعد الكفاية.
Ang ganti ay kauri ng gawain sapagkat tunay na ang mga naninirahan sa pamayanan, noong nagpawalang-pakundangan sila sa biyaya, ay pinalitan sila ng kabaliktaran niyon, na pagpawi niyon at pag-agaw roon. Nasadlak sila sa katindihan ng gutom matapos ng kabusugan, sa pangamba at bagabag matapos ng katiwasayan at kapanatagan, at sa kasalatan ng mga mapagkukunan ng kabuhayan matapos ng kasapatan. info

• وجوب الإيمان بالله وبالرسل، وعبادة الله وحده، وشكره على نعمه وآلائه الكثيرة، وأن العذاب الإلهي لاحقٌ بكل من كفر بالله وعصاه، وجحد نعمة الله عليه.
Ang pagkatungkulin ng pananampalataya kay Allāh at sa mga sugo, ng pagsamba kay Allāh lamang, at ng pagpapasalamat sa Kanya sa mga biyaya Niya at mga pagpapala Niyang marami. Ang pandiyos na pagdurusa ay bubuntot sa bawat sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh, sumuway sa Kanya, at nagkaila sa biyaya ni Allāh sa kanya. info

• الله تعالى لم يحرم علينا إلا الخبائث تفضلًا منه، وصيانة عن كل مُسْتَقْذَر.
Si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay hindi nagbawal sa atin maliban ng mga karima-rimarim bilang pagmamagandang-loob mula sa Kanya at bilang pangangalaga laban sa bawat minamarumi. info