クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳)

ページ番号: 108:106 close

external-link copy
10 : 5

وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga tanda Niya, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy na papasukin nila bilang kaparusahan sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapasinungaling nila, bilang mga mamamalagi roon gaya ng pamamalagi ng kasamahan sa kasamahan niya. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 5

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ هَمَّ قَوۡمٌ أَن يَبۡسُطُوٓاْ إِلَيۡكُمۡ أَيۡدِيَهُمۡ فَكَفَّ أَيۡدِيَهُمۡ عَنكُمۡۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ

O mga sumampalataya, alalahanin ninyo sa pamamagitan ng mga puso ninyo at mga dila ninyo ang ibiniyaya ni Allāh sa inyo na katiwasayan at pagpukol ng pangamba sa mga puso ng mga kaaway ninyo nang naglayon sila na magbuhat ng mga kamay nila sa inyo upang humagupit sila sa inyo at kumitil sila, ngunit nagpabaling sa kanila si Allāh palayo sa inyo at nangalaga sa inyo laban sa kanila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Sa kay Allāh lamang umasa ang mga mananampalataya sa pagtamo ng mga kapakanan nilang pangmundo at pangkabilang-buhay. info
التفاسير:

external-link copy
12 : 5

۞ وَلَقَدۡ أَخَذَ ٱللَّهُ مِيثَٰقَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَبَعَثۡنَا مِنۡهُمُ ٱثۡنَيۡ عَشَرَ نَقِيبٗاۖ وَقَالَ ٱللَّهُ إِنِّي مَعَكُمۡۖ لَئِنۡ أَقَمۡتُمُ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَيۡتُمُ ٱلزَّكَوٰةَ وَءَامَنتُم بِرُسُلِي وَعَزَّرۡتُمُوهُمۡ وَأَقۡرَضۡتُمُ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا لَّأُكَفِّرَنَّ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَلَأُدۡخِلَنَّكُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۚ فَمَن كَفَرَ بَعۡدَ ذَٰلِكَ مِنكُمۡ فَقَدۡ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ

Talaga ngang tumanggap si Allāh ng kasunduang binigyang-diin sa mga anak ni Israel sa darating na pagbanggit nito mamaya. Nagtalaga Siya sa kanila ng labindalawang pangulo, na ang bawat pangulo ay magiging isang tagapagmasid sa sinumang nasa ilalim niya. Nagsabi si Allāh sa mga anak ni Israel: "Tunay na Ako ay kasama sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya at pag-aayuda kapag nagsagawa kayo ng pagdarasal sa paraang pinakalubos, nagbigay kayo ng zakāh ng mga ari-arian ninyo, naniwala kayo sa mga sugo Ko sa kalahatan nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila, gumalang kayo sa kanila, nag-adya kayo sa kanila, at gumugol kayo sa mga uri ng kabutihan. Kaya kapag nagsagawa kayo niyon sa kabuuan niyon, talagang magtatakip-sala nga Ako sa inyo sa mga masagwang gawa na nagawa ninyo at talagang magpapapasok nga Ako sa inyo sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ng pagtanggap sa tipang pinagtibay na ito ay lumigoy nga siya sa daan ng katotohanan nang nakaaalam at nananadya." info
التفاسير:

external-link copy
13 : 5

فَبِمَا نَقۡضِهِم مِّيثَٰقَهُمۡ لَعَنَّٰهُمۡ وَجَعَلۡنَا قُلُوبَهُمۡ قَٰسِيَةٗۖ يُحَرِّفُونَ ٱلۡكَلِمَ عَن مَّوَاضِعِهِۦ وَنَسُواْ حَظّٗا مِّمَّا ذُكِّرُواْ بِهِۦۚ وَلَا تَزَالُ تَطَّلِعُ عَلَىٰ خَآئِنَةٖ مِّنۡهُمۡ إِلَّا قَلِيلٗا مِّنۡهُمۡۖ فَٱعۡفُ عَنۡهُمۡ وَٱصۡفَحۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Kaya dahilan sa pagkalas nila sa kasunduang tinanggap sa kanila, nagtaboy Kami sa kanila mula sa awa Namin at gumawa Kami sa mga puso nila na maging magaspang at matigas, na walang umaabot sa mga ito na isang kabutihan at walang nagpapakinabang sa mga ito na isang pangaral. Naglilihis sila sa mga salita palayo sa mga katuturan ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga bigkas sa mga ito at ng pagpapakahulugan sa mga kahulugan ng mga ito ayon sa umaalinsunod sa mga pithaya nila. Iniwan nila ang paggawa sa ilan sa ipinaalaala sa kanila. Hindi ka natitigil, O Sugo, sa pagtuklas mo mula sa kanila ng isang kataksilan kay Allāh at sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, maliban sa kaunti sa kanila na tumupad sa tipang tinanggap sa kanila. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, huwag kang manisi sa kanila, at magpawalang-sala ka sa kanila sapagkat tunay na iyon ay bahagi ng paggawa ng maganda. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda. info
التفاسير:
本諸節の功徳:
• من عظيم إنعام الله عز وجل على النبي عليه الصلاة والسلام وأصحابه أن حماهم وكف عنهم أيدي أهل الكفر وضررهم.
Bahagi ng sukdulang pagbibiyaya ni Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – sa Propeta – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – at sa mga kasamahan niya ay na nangalaga Siya sa kanila at pumigil Siya para sa kanila sa mga kamay ng kawalang-pananampalataya at pinsala ng mga ito. info

• أن الإيمان بالرسل ونصرتهم وإقامة الصلاة وإيتاء الزكاة على الوجه المطلوب، سببٌ عظيم لحصول معية الله تعالى وحدوث أسباب النصرة والتمكين والمغفرة ودخول الجنة.
Na ang pananampalataya sa mga sugo, ang pag-aadya sa kanila, ang pagpapanatili sa pagdarasal, at ang pagbibigay ng zakāh sa paraang hinihiling ay isang mabigat na dahilan sa pagtamo ng "pagkakasama" kay Allāh at pagkaganap ng mga kadahilanan ng pag-aadya, pagpapatatag, kapatawaran, at pagpasok sa Paraiso. info

• نقض المواثيق الملزمة بطاعة الرسل سبب لغلظة القلوب وقساوتها.
Ang pagsira sa mga kasunduang nag-oobliga sa pagtalima sa mga sugo ay isang dahilan ng kagaspangan ng mga puso at katigasan ng mga ito. info

• ذم مسالك اليهود في تحريف ما أنزل الله إليهم من كتب سماوية.
Ang pagpula sa mga tinatahak ng mga Hudyo sa paglilihis sa pinababa ni Allāh sa kanila na mga makalangit na kasulatan. info