クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳)

ページ番号:close

external-link copy
182 : 2

فَمَنۡ خَافَ مِن مُّوصٖ جَنَفًا أَوۡ إِثۡمٗا فَأَصۡلَحَ بَيۡنَهُمۡ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Ngunit ang sinumang nakaalam mula sa may-ari ng tagubilin ng isang pagkiling palayo sa katotohanan o isang pang-aapi sa tagubilin saka nagsaayos siya sa itiniwali ng tagapagsatagubilin sa pamamagitan ng pagpapayo rito at nagsaayos sa pagitan ng mga nagkakaiba-iba sa tagubilin, walang kasalanan sa kanya roon, bagkus siya ay pabubuyaan sa pagsasaayos niya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbabalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
183 : 2

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُتِبَ عَلَيۡكُمُ ٱلصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, inobliga sa inyo ang pag-aayuno mula sa Panginoon ninyo kung paanong inobliga ito sa mga kalipunan bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paglagay ninyo sa pagitan ninyo at ng pagdurusang dulot Niya ng isang pananggalang sa pamamagitan ng mga gawang maayos, na kabilang sa pinakamabigat sa mga ito ay ang pag-aayuno. info
التفاسير:

external-link copy
184 : 2

أَيَّامٗا مَّعۡدُودَٰتٖۚ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٖ فَعِدَّةٞ مِّنۡ أَيَّامٍ أُخَرَۚ وَعَلَى ٱلَّذِينَ يُطِيقُونَهُۥ فِدۡيَةٞ طَعَامُ مِسۡكِينٖۖ فَمَن تَطَوَّعَ خَيۡرٗا فَهُوَ خَيۡرٞ لَّهُۥۚ وَأَن تَصُومُواْ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

Ang pag-aayunong isinatungkulin sa inyo ay na mag-ayuno kayo sa mga araw na kakaunti ng isang taon; ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay may-sakit na isang sakit na humihirap sa kanya ang pag-aayuno o naglalakbay, maaari sa kanya na tumigil-ayuno, pagkatapos kailangan sa kanya na magbayad-ayuno ng kasing dami ng itinigil-ayuno na mga araw. Kailangan sa mga nakakakaya sa pag-aayuno ay isang pantubos, kapag tumigil-ayuno sila. Ito ay pagpapakain ng isang dukha kapalit sa bawat araw na tumigil-ayuno sila. Ang sinumang nagdagdag sa pagpapakain ng iisang dukha o nagpakain nito kasama ng pag-aayuno, iyon ay higit na mabuti para sa kanya. Ang pag-aayuno ninyo ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pagtigil-ayuno at pagbibigay ng pantubos, kung kayo ay nakaaalam sa taglay ng pag-aayuno na kalamangan. Ang patakarang ito noon ay sa unang [pagkakataong] isinabatas ni Allāh ang pag-aayuno sapagkat noon ang sinumang nagnais ay nag-aayuno at ang sinumang nagnais ay tumitigil-ayuno at nagpapakain. Pagkatapos nagsatungkulin si Allāh ng pag-aayuno matapos niyon at nag-obliga nito sa bawat nasa hustong gulang na nakakakaya.
info
التفاسير:

external-link copy
185 : 2

شَهۡرُ رَمَضَانَ ٱلَّذِيٓ أُنزِلَ فِيهِ ٱلۡقُرۡءَانُ هُدٗى لِّلنَّاسِ وَبَيِّنَٰتٖ مِّنَ ٱلۡهُدَىٰ وَٱلۡفُرۡقَانِۚ فَمَن شَهِدَ مِنكُمُ ٱلشَّهۡرَ فَلۡيَصُمۡهُۖ وَمَن كَانَ مَرِيضًا أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٖ فَعِدَّةٞ مِّنۡ أَيَّامٍ أُخَرَۗ يُرِيدُ ٱللَّهُ بِكُمُ ٱلۡيُسۡرَ وَلَا يُرِيدُ بِكُمُ ٱلۡعُسۡرَ وَلِتُكۡمِلُواْ ٱلۡعِدَّةَ وَلِتُكَبِّرُواْ ٱللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَىٰكُمۡ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Ang buwan ng Ramaḍān ay ang sinimulan ng pagbaba ng Qur’an sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa Gabi ng Pagtatakda. Nagpababa nito si Allāh bilang kapatnubayan para sa mga tao. Mayroon itong mga patunay na maliwanag mula sa patnubay at saligan sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan. Kaya ang sinumang nakadalo sa buwan ng Ramaḍān habang siya ay nananatili sa isang lugar at malusog ay mag-ayuno siya nito bilang tungkulin. Ang sinumang maysakit na nagpapahirap sa kanya ang pag-aayuno o nasa isang paglalakbay ay maaari sa kanya na tumigil sa pag-aayuno. Kapag tumigil siya sa pag-aayuno, ang isinasatungkulin sa kanya ay na magbayad-ayuno sa mga araw na iyon na tumigil siya sa pag-aayuno. Nagnanais si Allāh sa isinabatas Niya para sa inyo na magpatahak sa inyo sa landas ng ginhawa hindi hirap, upang lumubos kayo sa bilang ng pag-aayuno ng buwang ito sa kabuuan nito, upang dumakila kayo kay Allāh matapos ng wakas ng buwan ng Ramaḍān at sa Araw ng `Īd dahil sa nagtuon Siya sa inyo para sa pag-aayuno rito at tumulong Siya sa inyo sa paglubos nito, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa Kanya sa kapatnubayan ninyo sa Relihiyong ito na kinalugdan Niya para sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
186 : 2

وَإِذَا سَأَلَكَ عِبَادِي عَنِّي فَإِنِّي قَرِيبٌۖ أُجِيبُ دَعۡوَةَ ٱلدَّاعِ إِذَا دَعَانِۖ فَلۡيَسۡتَجِيبُواْ لِي وَلۡيُؤۡمِنُواْ بِي لَعَلَّهُمۡ يَرۡشُدُونَ

Kapag nagtanong sa iyo, O Propeta, ang mga lingkod Ko tungkol sa lapit Ko at pagsagot Ko sa panalangin nila, tunay na Ako ay malapit sa kanila, na nakaaalam sa mga kalagayan nila, na nakaririnig sa panalangin nila, kaya hindi sila mangangailangan ng mga tagapagpagitna ni ng pagtataas ng mga tinig nila. Tumutugon Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin na nagpapakawagas sa panalangin niya. Kaya magpaakay sila sa Akin at sa mga utos Ko at magpakatatag sila sa pananampalataya nila sapagkat tunay na iyon ay ang pinakakapaki-pakinabang na paraan para sa pagsagot Ko, nang sa gayon sila ay tatahak sa pamamagitan niyon sa landas ng katinuan sa mga kapakanan nilang panrelihiyon at pangmundo. info
التفاسير:
本諸節の功徳:
• فَضَّلَ الله شهر رمضان بجعله شهر الصوم وبإنزال القرآن فيه، فهو شهر القرآن؛ ولهذا كان النبي صلى الله عليه وسلم يتدارس القرآن مع جبريل في رمضان، ويجتهد فيه ما لا يجتهد في غيره.
Nagtangi si Allāh sa buwan ng Ramaḍān sa pamamagitan ng paggawa rito bilang buwan ng pag-aayuno at sa pamamagitan ng pagpapababa ng Qur'ān dito kaya ito ay buwan ng Qur'ān. Dahil dito, ang Propeta noon – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay nakikipag-aralan ng Qur'ān kay Anghel Gabriel sa Ramaḍān at nagsisipag dito ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito. info

• شريعة الإسلام قامت في أصولها وفروعها على التيسير ورفع الحرج، فما جعل الله علينا في الدين من حرج.
Ang Batas ng Islām ay nakatayo sa mga ugat nito at mga sangay nito batay sa pagpapaginhawa at pag-aalis ng pahirap sapagkat hindi gumawa si Allāh sa atin sa Relihiyon ng anumang pahirap. info

• قُرْب الله تعالى من عباده، وإحاطته بهم، وعلمه التام بأحوالهم؛ ولهذا فهو يسمع دعاءهم ويجيب سؤالهم.
Ang lapit ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga lingkod Niya, ang pagkakasaklaw Niya sa kanila, at ang kaalaman Niyang lubos sa mga kalagayan nila, at dahil dito Siya ay dumidinig sa panalangin nila at sumasagot sa hiling nila. info