クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳)

ページ番号:close

external-link copy
28 : 17

وَإِمَّا تُعۡرِضَنَّ عَنۡهُمُ ٱبۡتِغَآءَ رَحۡمَةٖ مِّن رَّبِّكَ تَرۡجُوهَا فَقُل لَّهُمۡ قَوۡلٗا مَّيۡسُورٗا

Kung tumanggi ka sa pagbibigay sa mga ito dahil sa kawalan ng pagkakaroon ng maibibigay sa kanila habang naghihintay ng anumang bubuksan ni Allāh sa iyo na panustos ay magsabi ka sa kanila ng isang pananalitang malumanay at magaan, tulad ng manalangin ka para sa kanila ng kasaganahan sa panustos o mangako ka sa kanila na magbigay kung tutustusan ka ni Allāh ng isang yaman. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 17

وَلَا تَجۡعَلۡ يَدَكَ مَغۡلُولَةً إِلَىٰ عُنُقِكَ وَلَا تَبۡسُطۡهَا كُلَّ ٱلۡبَسۡطِ فَتَقۡعُدَ مَلُومٗا مَّحۡسُورًا

Huwag kang magpigil sa kamay mo sa paggugol at huwag kang mag-aksaya sa paggugol para ikaw ay maging isang sinisising sinisisi ng mga tao dahil sa karamutan mo kung nagpigil ka ng kamay mo sa paggugol, at isang naputol sa paggugol dahil sa pag-aaksaya mo sapagkat hindi ka nakatagpo ng gugugulin mo. info
التفاسير:

external-link copy
30 : 17

إِنَّ رَبَّكَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ إِنَّهُۥ كَانَ بِعِبَادِهِۦ خَبِيرَۢا بَصِيرٗا

Tunay na ang Panginoon mo ay nagpapaluwang ng panustos sa sinumang niloloob Niya at nagpapasikip nito sa sinumang niloloob niya dahil sa isang kasanhiang malalim. Tunay na Siya sa mga lingkod Niya ay laging Mapagbatid, Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman, saka nagtutuon ng utos Niya sa kanila ayon sa niloloob Niya. info
التفاسير:

external-link copy
31 : 17

وَلَا تَقۡتُلُوٓاْ أَوۡلَٰدَكُمۡ خَشۡيَةَ إِمۡلَٰقٖۖ نَّحۡنُ نَرۡزُقُهُمۡ وَإِيَّاكُمۡۚ إِنَّ قَتۡلَهُمۡ كَانَ خِطۡـٔٗا كَبِيرٗا

Huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dala ng isang pangamba sa karalitaan sa hinaharap kapag gumugol kayo sa kanila. Kami ay naggagarantiya sa pagtutustos sa kanila at naggagarantiya sa pagtutustos sa inyo mismo. Tunay na ang pagpatay sa kanila ay laging isang kasalanang malaki yayamang walang pagkakasala para sa kanila at walang dahilang humihiling ng pag-oobliga sa pagpatay sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 17

وَلَا تَقۡرَبُواْ ٱلزِّنَىٰٓۖ إِنَّهُۥ كَانَ فَٰحِشَةٗ وَسَآءَ سَبِيلٗا

Mangilag kayo sa pangangalunya at umiwas kayo sa anumang humihimok dito. Tunay na ito ay laging isang lumalabis-labis sa kapangitan at sumagwa bilang daan dahil sa ipinahahantong nito na pagkalito sa mga kaangkanan at pagdurusang dulot ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
33 : 17

وَلَا تَقۡتُلُواْ ٱلنَّفۡسَ ٱلَّتِي حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۗ وَمَن قُتِلَ مَظۡلُومٗا فَقَدۡ جَعَلۡنَا لِوَلِيِّهِۦ سُلۡطَٰنٗا فَلَا يُسۡرِف فِّي ٱلۡقَتۡلِۖ إِنَّهُۥ كَانَ مَنصُورٗا

Huwag kayong pumatay ng taong nagsanggalang si Allāh sa buhay nito dahil sa isang pananampalataya o isang katiwasayan maliban kung naging karapat-dapat ito sa pagpatay dahil sa isang panunumbalik sa kawalang-pananampalataya o dahil sa isang pangangalunya matapos ng isang pag-asawa o dahil sa isang ganting-pinsala. Ang sinumang pinatay na nilabag sa katarungan nang walang isang kadahilanang pumapayag sa pagpatay rito ay nagtalaga nga Kami para sa sinumang tumatangkilik sa nauukol dito kabilang sa mga tagapagmana nito ng isang pangingibabaw laban sa pumatay rito. Kaya karapatan niya na humiling ng isang pagpatay sa pumatay bilang ganting-pinsala, karapatan niya ang magpaumanhin nang walang isang kapalit, at karapatan niya ang magpaumanhin at kumuha ng bayad-pinsala, ngunit huwag siyang lumampas sa hangganan na pinayagan ni Allāh para sa kanya sa pamamagitang ng pagluray-luray sa pumatay o sa pamamagitan ng pagpatay sa pumatay dahil sa hindi nito pinatay o sa pamamagitan ng pagpatay ng iba pa sa pumatay. Tunay na siya ay laging aalalayan at tutulungan. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 17

وَلَا تَقۡرَبُواْ مَالَ ٱلۡيَتِيمِ إِلَّا بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ أَشُدَّهُۥۚ وَأَوۡفُواْ بِٱلۡعَهۡدِۖ إِنَّ ٱلۡعَهۡدَ كَانَ مَسۡـُٔولٗا

Huwag kayong mangasiwa sa yaman ng sinumang namatayan ng ama kabilang sa mga bata malibang ayon sa pinakamaayos para sa kanya gaya ng pagpapalago rito at pangangalaga rito hanggang sa umabot siya sa kalubusan ng isip niya at katinuan niya. Magpatupad kayo sa isang kasunduan sa pagitan ninyo at ni Allāh at sa pagitan ninyo at ng mga lingkod Niya nang walang pagkalas o pagkukulang. Tunay na si Allāh ay magtatanong sa binigyan ng tipan sa Araw ng Pagbangon kung tumupad kaya iyon dito para gumantimpala Siya roon o kung hindi iyon tumupad dito para magparusa Siya roon. info
التفاسير:

external-link copy
35 : 17

وَأَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ إِذَا كِلۡتُمۡ وَزِنُواْ بِٱلۡقِسۡطَاسِ ٱلۡمُسۡتَقِيمِۚ ذَٰلِكَ خَيۡرٞ وَأَحۡسَنُ تَأۡوِيلٗا

Lumubos kayo sa pagtatakal kapag magtatakal kayo para sa iba sa inyo at huwag kayong lumugi sa kanya. Tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang makatarungan, na hindi nagkukulang ng anuman at hindi bumabawas. Ang pagpapalubus-lubos na iyon para sa pagtatakal at pagtitimbang ay higit na mabuti para sa inyo sa Mundo at Kabilang-buhay at higit na maganda sa kahihinatnan kaysa sa pag-uumit sa pamamagitan ng pagkukulang sa mga takalan at mga timbangan. info
التفاسير:

external-link copy
36 : 17

وَلَا تَقۡفُ مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٌۚ إِنَّ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡبَصَرَ وَٱلۡفُؤَادَ كُلُّ أُوْلَٰٓئِكَ كَانَ عَنۡهُ مَسۡـُٔولٗا

Huwag kang sumunod, O anak ni Adan, sa anumang walang kaalaman ukol sa iyo hinggil doon para sumunod ka sa mga palagay at haka-haka. Tunay na ang tao ay pananagutin tungkol sa kung sa ano niya ginamit ang pandinig niya, ang paningin niya, at ang puso niya, na kabutihan o kasamaan para gantimpalaan siya dahil sa kabutihan at parusahan siya dahil sa kasamaan. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 17

وَلَا تَمۡشِ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَرَحًاۖ إِنَّكَ لَن تَخۡرِقَ ٱلۡأَرۡضَ وَلَن تَبۡلُغَ ٱلۡجِبَالَ طُولٗا

Huwag kang lumakad sa lupa sa pagpapakamalaki at sa pagmamayabang. Tunay na ikaw, kung lalakad ka rito habang nagmamataas, ay hindi makapuputol sa lupa dahil sa paglalakad mo at hindi makaaabot ang tindig mo sa naabot ng mga bundok sa kataasan at sa kaangatan, kaya sa ano ang pagpapakamalaki mo samakatuwid? info
التفاسير:

external-link copy
38 : 17

كُلُّ ذَٰلِكَ كَانَ سَيِّئُهُۥ عِندَ رَبِّكَ مَكۡرُوهٗا

Lahat ng nauna ang pagkabanggit, ang masagwa mula roon sa ganang Panginoon mo, O tao, ay laging ibinabawal. Hindi nalulugod si Allāh sa tagagawa niyon, bagkus namumuhi Siya roon. info
التفاسير:
本諸節の功徳:
• الأدب الرفيع هو رد ذوي القربى بلطف، ووعدهم وعدًا جميلًا بالصلة عند اليسر، والاعتذار إليهم بما هو مقبول.
Ang mataas na kaasalan ay ang pagtugon sa mga may pagkakamag-anak nang may kabaitan, ang mangako sa kanila ng isang magandang pangako ng pakikipag-ugnayan sa sandali ng ginhawa, at ang paghingi ng paumanhin sa kanila ayon sa kung ano ang tinatanggap. info

• الله أرحم بالأولاد من والديهم؛ فنهى الوالدين أن يقتلوا أولادهم خوفًا من الفقر والإملاق وتكفل برزق الجميع.
Si Allāh ay higit na maawain sa mga anak kaysa sa mga magulang nila kaya sumaway Siya sa mga magulang na patayin sila dala ng isang pangamba sa karalitaan at paghihikahos at naggarantiya ng panustos sa lahat. info

• في الآيات دليل على أن الحق في القتل للولي، فلا يُقْتَص إلا بإذنه، وإن عفا سقط القصاص.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may patunay na ang karapatan kaugnay sa pagkapatay ay ukol sa katangkilik (pinakamalapit na kamag-anak) kaya hindi gaganti sa pinsala malibang ayon sa pahintulot niya. Kung nagpaumanhin siya ay maaalis ang ganting-pinsala. info

• من لطف الله ورحمته باليتيم أن أمر أولياءه بحفظه وحفظ ماله وإصلاحه وتنميته حتى يبلغ أشده.
Bahagi ng kabaitan ni Allāh at awa Niya sa ulila ay nag-utos Siya sa mga katangkilik nito ng pangangalaga rito, pangangalaga sa ari-arian nito, pagpapabuti niyon, at pagpapalago niyon hanggang sa umabot ito sa ganap na gulang nito. info