クルアーンの対訳 - クルアーン簡潔注釈(フィリピン - タガログ語対訳)

ページ番号:close

external-link copy
44 : 12

قَالُوٓاْ أَضۡغَٰثُ أَحۡلَٰمٖۖ وَمَا نَحۡنُ بِتَأۡوِيلِ ٱلۡأَحۡلَٰمِ بِعَٰلِمِينَ

Nagsabi sila: "Ang panaginip mo ay mga paghahalo ng mga napanaginipan. Ito ay hindi gayon kaya walang pagpapakahulugan dito. Hindi kami mga nakaaalam sa pagpapaliwanag ng mga napanaginipang nagkahalu-halo." info
التفاسير:

external-link copy
45 : 12

وَقَالَ ٱلَّذِي نَجَا مِنۡهُمَا وَٱدَّكَرَ بَعۡدَ أُمَّةٍ أَنَا۠ أُنَبِّئُكُم بِتَأۡوِيلِهِۦ فَأَرۡسِلُونِ

Nagsabi ang tagapagpainom na naligtas mula sa dalawang binatang bilanggo, at nakaalaala kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa taglay niya na kaalaman sa pagpapakahulugan sa panaginip, matapos ng isang yugto: "Ako ay magpapabatid sa inyo hinggil sa pagpapakahulugan sa napanaginipan ng hari matapos ng pagtatanong sa may kaalaman sa pagpapakahulugan nito. Kaya magpadala ka sa akin, O hari, kay Jose upang magpakahulugan siya sa panaginip mo." info
التفاسير:

external-link copy
46 : 12

يُوسُفُ أَيُّهَا ٱلصِّدِّيقُ أَفۡتِنَا فِي سَبۡعِ بَقَرَٰتٖ سِمَانٖ يَأۡكُلُهُنَّ سَبۡعٌ عِجَافٞ وَسَبۡعِ سُنۢبُلَٰتٍ خُضۡرٖ وَأُخَرَ يَابِسَٰتٖ لَّعَلِّيٓ أَرۡجِعُ إِلَى ٱلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَعۡلَمُونَ

Kaya noong nakarating kay Jose ang nakaligtas ay nagsabi ito sa kanya: "O Jose, O pagkatapat-tapat, magpabatid ka sa amin tungkol sa pagpapakahulugan sa nanaginip ng pitong bakang matataba na kinain ng pitong bakang payat, at nanaginip ng pitong uhay na luntian at nanaginip ng pitong uhay na tuyot, nang sa gayon ako ay babalik tungo sa hari at mga nasa piling niya, nang sa gayon sila ay makaaalam ng paghahayag sa panaginip ng hari at makaaalam sa kalamangan mo at kalagayan mo." info
التفاسير:

external-link copy
47 : 12

قَالَ تَزۡرَعُونَ سَبۡعَ سِنِينَ دَأَبٗا فَمَا حَصَدتُّمۡ فَذَرُوهُ فِي سُنۢبُلِهِۦٓ إِلَّا قَلِيلٗا مِّمَّا تَأۡكُلُونَ

Nagsabi si Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang naghahayag sa panaginip na ito: "Magtatanim kayo nang pitong taong nagkakasunuran nang dibdiban, saka ang anumang aanihin ninyo sa bawat taon mula sa pitong taong iyon ay iwan ninyo sa mga uhay nito bilang paghahadlang dito laban sa pagkabulok, maliban sa kaunti mula sa kakailanganin ninyong mga butil para kainin. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 12

ثُمَّ يَأۡتِي مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ سَبۡعٞ شِدَادٞ يَأۡكُلۡنَ مَا قَدَّمۡتُمۡ لَهُنَّ إِلَّا قَلِيلٗا مِّمَّا تُحۡصِنُونَ

Pagkatapos may darating – matapos na ng pitong taon na mataba na iyon na nagtanim kayo sa mga iyon – na pitong taong tagtuyot, na kakain ang mga tao sa mga iyon ng bawat inani sa mga taon na mataba, maliban sa kaunti mula sa iniingatan ninyo na bahagi ng magiging punla. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 12

ثُمَّ يَأۡتِي مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ عَامٞ فِيهِ يُغَاثُ ٱلنَّاسُ وَفِيهِ يَعۡصِرُونَ

Pagkatapos may darating – matapos ng mga taon na tagtuyot na iyon – na isang taon na bababa doon ang mga ulan, tutubo ang mga pananim, at pipiga doon ang mga tao ng kakailanganin para pigain gaya ng ubas, oliba, at tubo. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 12

وَقَالَ ٱلۡمَلِكُ ٱئۡتُونِي بِهِۦۖ فَلَمَّا جَآءَهُ ٱلرَّسُولُ قَالَ ٱرۡجِعۡ إِلَىٰ رَبِّكَ فَسۡـَٔلۡهُ مَا بَالُ ٱلنِّسۡوَةِ ٱلَّٰتِي قَطَّعۡنَ أَيۡدِيَهُنَّۚ إِنَّ رَبِّي بِكَيۡدِهِنَّ عَلِيمٞ

Nagsabi ang Hari sa mga tagatulong nito noong umabot dito ang paghahayag ni Jose sa panaginip nito: "Palabasin ninyo siya mula sa bilangguan at dalhin ninyo siya sa akin." Ngunit noong dumating kay Jose ang sugo ng hari ay nagsabi siya rito: "Bumalik ka tungo sa amo mong hari saka tanungin mo siya tungkol sa kasaysayan ng mga babaing sumugat sa mga kamay nila upang lumitaw ang kawalang-sala ko bago ng paglabas mula sa bilangguan. Tunay na ang Panginoon ko, sa ginawa nila sa akin na pagtatangkang mang-akit, ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman doon." info
التفاسير:

external-link copy
51 : 12

قَالَ مَا خَطۡبُكُنَّ إِذۡ رَٰوَدتُّنَّ يُوسُفَ عَن نَّفۡسِهِۦۚ قُلۡنَ حَٰشَ لِلَّهِ مَا عَلِمۡنَا عَلَيۡهِ مِن سُوٓءٖۚ قَالَتِ ٱمۡرَأَتُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡـَٰٔنَ حَصۡحَصَ ٱلۡحَقُّ أَنَا۠ رَٰوَدتُّهُۥ عَن نَّفۡسِهِۦ وَإِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

Nagsabi ang hari habang nakikipag-usap sa mga babae: "Ano ang pumapatungkol sa inyo nang humiling kayo kay Yusuf sa pamamagitan ng isang panlalalang upang gumawa siya ng mahalay sa inyo?" Nagsabi ang mga babae bilang sagot sa hari: "Malayo kay Allāh na si Yusuf ay maging pinaghihinalaan. Sumpa man kay Allāh, hindi kami nakaalam sa kanya ng anumang kasagwaan." Kaya sa sandaling iyon ay nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan habang umaamin sa ginawa nito: "Ngayon ay lumitaw ang katotohanan. Ako ay nagtangka na mang-akit sa kanya at hindi siya nagtangka na mang-akit sa akin. Tunay na siya ay kabilang sa mga tapat sa anumang inangkin niya na kawalang-sala niya sa ipinaratang ko sa kanya."
info
التفاسير:

external-link copy
52 : 12

ذَٰلِكَ لِيَعۡلَمَ أَنِّي لَمۡ أَخُنۡهُ بِٱلۡغَيۡبِ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي كَيۡدَ ٱلۡخَآئِنِينَ

Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan: "Upang malaman ni Jose nang umamin ako na ako ay ang nagtangkang umakit sa kanya at na siya ay tapat, na ako ay hindi gumawa-gawa laban sa kanya sa pagkaliban niya sapagkat luminaw para sa akin mula sa nangyari na si Allāh ay hindi nagtutuon sa sinumang nagsisinungaling at nanlalansi." info
التفاسير:
本諸節の功徳:
• من كمال أدب يوسف أنه أشار لحَدَث النسوة ولم يشر إلى حَدَث امرأة العزيز.
Bahagi ng kalubusan ng magandang asal ni Jose ay na siya ay tumukoy sa pangyayari sa mga babae ngunit hindi siya tumukoy sa pangyayari sa maybahay ng Makapangyarihan. info

• كمال علم يوسف عليه السلام في حسن تعبير الرؤى.
Ang kalubusan ng kaalaman ni Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa kagandahan ng paghahayag ng mga panaginip. info

• مشروعية تبرئة النفس مما نُسب إليها ظلمًا، وطلب تقصّي الحقائق لإثبات الحق.
Ang pagkaisinasabatas ng pagpapawalang-sala sa tao mula sa anumang iniugnay sa kanya dala ng kawalang-katarungan at ang paghiling ng pagsisiyasat sa mga katotohanan para sa pagpapatibay sa katotohanan. info

• فضيلة الصدق وقول الحق ولو كان على النفس.
Ang kainaman ng katapatan at ang pagsasabi ng katotohanan kahit pa ito ay naging laban sa sarili. info