Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano

Numero di pagina:close

external-link copy
114 : 5

قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ ٱللَّهُمَّ رَبَّنَآ أَنزِلۡ عَلَيۡنَا مَآئِدَةٗ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ تَكُونُ لَنَا عِيدٗا لِّأَوَّلِنَا وَءَاخِرِنَا وَءَايَةٗ مِّنكَۖ وَٱرۡزُقۡنَا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ

Kaya sumagot si Hesus sa hiling nila at dumalangin Siya kay Allāh, na nagsasabi: "Panginoon namin, magpababa Ka sa amin ng isang hapag ng pagkain, na gagawin namin mula sa araw ng pagbaba nito bilang pagdiriwang na dadakilain namin bilang pasasalamat sa Iyo ng mga buhay kabilang sa amin ngayong araw at ng sinumang darating matapos namin kabilang sa amin, at upang maging isang palatandaan at isang patotoo sa kaisahan Mo at sa katapatan ng ipinadala Mo. Magtustos Ka sa amin ng isang panustos na tutulong sa amin sa pagsamba sa Iyo, at Ikaw, O Panginoon namin, ay pinakamainam sa mga tagatustos."
info
التفاسير:

external-link copy
115 : 5

قَالَ ٱللَّهُ إِنِّي مُنَزِّلُهَا عَلَيۡكُمۡۖ فَمَن يَكۡفُرۡ بَعۡدُ مِنكُمۡ فَإِنِّيٓ أُعَذِّبُهُۥ عَذَابٗا لَّآ أُعَذِّبُهُۥٓ أَحَدٗا مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Kaya tumugon si Allāh sa panalangin ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at nagsabi: "Tunay na Ako ay magbababa ng hapag na ito na hiniling ninyo ang pagpapababa nito sa inyo. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ng pagpapababa nito ay huwag nga siyang maninisi maliban sa sarili niya sapagkat magpaparusa Ako sa kanya ng isang pagdurusang matinding hindi Ako nagpaparusa nito sa isa man dahil siya ay nakasasaksi sa himalang kahanga-hanga kaya ang kawalang-pananampalataya niya ay naging kawalang-pananampalataya ng pagmamatigas." Nagsasakatuparan si Allāh para sa kanila ng pangako Niya kaya nagpababa Siya nito sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
116 : 5

وَإِذۡ قَالَ ٱللَّهُ يَٰعِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ءَأَنتَ قُلۡتَ لِلنَّاسِ ٱتَّخِذُونِي وَأُمِّيَ إِلَٰهَيۡنِ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ قَالَ سُبۡحَٰنَكَ مَا يَكُونُ لِيٓ أَنۡ أَقُولَ مَا لَيۡسَ لِي بِحَقٍّۚ إِن كُنتُ قُلۡتُهُۥ فَقَدۡ عَلِمۡتَهُۥۚ تَعۡلَمُ مَا فِي نَفۡسِي وَلَآ أَعۡلَمُ مَا فِي نَفۡسِكَۚ إِنَّكَ أَنتَ عَلَّٰمُ ٱلۡغُيُوبِ

Banggitin mo kapag magsasabi si Allāh sa Araw ng Pagbangon habang nakikipag-usap kay Jesus na anak ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Jesus na anak ni Maria, nagsabi ka ba sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang sinasamba bukod pa kay Allāh?" Kaya sasagot si Jesus habang nagpapawalang-kapintasan sa Panginoon niya: "Hindi nararapat para sa akin na magsabi ako sa kanila maliban ng katotohanan. Kung itinakda na ako ay nagsabi niyon, nakaalam Ka nga niyon dahil walang nakakukubli sa Iyo na anuman. Nakaaalam Ka ng inililingid ko sa sarili ko at hindi ako nakaaalam ng nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw – tanging Ikaw – ay ang nakaaalam sa bawat nakaliban, bawat nakakubli, at bawat nakalitaw. info
التفاسير:

external-link copy
117 : 5

مَا قُلۡتُ لَهُمۡ إِلَّا مَآ أَمَرۡتَنِي بِهِۦٓ أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمۡۚ وَكُنتُ عَلَيۡهِمۡ شَهِيدٗا مَّا دُمۡتُ فِيهِمۡۖ فَلَمَّا تَوَفَّيۡتَنِي كُنتَ أَنتَ ٱلرَّقِيبَ عَلَيۡهِمۡۚ وَأَنتَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ

Nagsabi si Jesus sa Panginoon niya: "Wala akong sinabi sa mga tao maliban sa ipinag-utos Mo sa akin na magsabi ng ipinag-uutos sa kanila na pagbubukod-tangi sa Iyo sa pagsamba. Ako noon ay mapagmasid sa sinasabi nila sa yugto ng kairalan ko sa gitna nila ngunit noong nagpawakas Ka sa panahon ng pananatili ko sa gitna nila sa pamamagitan ng pag-angat sa akin sa langit nang buhay, Ikaw, O Panginoon ko, ay ang mapag-ingat sa mga gawain nila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi: walang naililingid sa Iyo na anuman kaya hindi nakakukubli sa Iyo ang sinabi ko sa kanila at ang sinabi nila matapos ko. info
التفاسير:

external-link copy
118 : 5

إِن تُعَذِّبۡهُمۡ فَإِنَّهُمۡ عِبَادُكَۖ وَإِن تَغۡفِرۡ لَهُمۡ فَإِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Kung magpaparusa Ka sa kanila, O Panginoon, tunay na sila ay mga lingkod Mo, na nagagawa Mo sa kanila ang niloloob Mo; at kung magmamagandang-loob Ka ng kapatawaran sa sinumang sumampalataya kabilang sa kanila, walang tagapigil sa Iyo roon sapagkat tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan na hindi napapanaigan, ang Marunong sa pangangasiwa Mo." info
التفاسير:

external-link copy
119 : 5

قَالَ ٱللَّهُ هَٰذَا يَوۡمُ يَنفَعُ ٱلصَّٰدِقِينَ صِدۡقُهُمۡۚ لَهُمۡ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ رَّضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ

Magsasabi si Allāh kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Ito ay Araw na magpapakinabang sa mga tapat sa mga layunin, mga gawain, at mga sinasabi ang katapatan nila. Ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman; hindi sila dadapuan ng kamatayan." Nalugod si Allāh sa kanila sapagkat hindi Siya naiinis sa kanila magpakailanman at nalugod sila sa Kanya dahil nagkamit sila ng kaginhawahang namamalagi. Ang ganti at ang pagkalugod sa kanila na iyon ay ang pagkatamong sukdulan sapagkat walang pagkatamong papantay rito. info
التفاسير:

external-link copy
120 : 5

لِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا فِيهِنَّۚ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرُۢ

Sa kay Allāh lamang ang paghahari sa mga langit at lupa sapagkat Siya ay ang Tagapaglikha ng mga ito at ang Tagapangasiwa sa nauukol sa mga ito, at sa Kanya ang paghahari sa anumang nasa mga ito na lahat ng mga nilikha. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan kaya walang nakapagpapahina sa Kanya na anuman. info
التفاسير:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• توعد الله تعالى كل من أصرَّ على كفره وعناده بعد قيام الحجة الواضحة عليه.
Nagbanta si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa bawat nagpumilit sa kawalang-pananampalataya nito at pagmamatigas nito matapos ng paglalahad ng katwirang maliwanag dito. info

• تَبْرئة المسيح عليه السلام من ادعاء النصارى بأنه أبلغهم أنه الله أو أنه ابن الله أو أنه ادعى الربوبية أو الألوهية.
Ang pagpapawalang-kaugnayan kay Kristo – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pag-aangkin ng mga Kristiyano na siya raw ay nagpaabot sa kanila na siya ay si Allāh o na siya ay anak ni Allāh o na siya ay nag-angkin ng pagkapanginoon o pagkadiyos. info

• أن الله تعالى يسأل يوم القيامة عظماء الناس وأشرافهم من الرسل، فكيف بمن دونهم درجة؟!
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay magtatanong sa Araw ng Pagbangon sa mga dakila at mga maharlika ng mga tao na mga sugo, kaya papaano na ang sinumang mababa sa kanila sa antas? info

• علو منزلة الصدق، وثناء الله تعالى على أهله، وبيان نفع الصدق لأهله يوم القيامة.
Ang kataasan ng kalagayan ng katapatan, ang pagpapapuri ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga alagad nito, at ang paglilinaw sa pakinabang sa katapatan para sa mga alagad nito sa Araw ng Pagbangon. info