Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano

Numero di pagina:close

external-link copy
61 : 26

فَلَمَّا تَرَٰٓءَا ٱلۡجَمۡعَانِ قَالَ أَصۡحَٰبُ مُوسَىٰٓ إِنَّا لَمُدۡرَكُونَ

Kaya noong nagkaharapan si Paraon kasama ng mga tao niyon at si Moises kasama ng mga kalipi niya sa paraang naging nakikita ng bawat pangkat ang ibang pangkat, nagsabi ang mga kasamahan ni Moises: "Tunay na si Paraon at ang mga tao niya ay aabot sa atin at walang kapangyarihan sa atin laban sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
62 : 26

قَالَ كَلَّآۖ إِنَّ مَعِيَ رَبِّي سَيَهۡدِينِ

Nagsabi si Moises sa mga tao niya: "Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ninyo sapagkat tunay na kasama sa akin ang Panginoon ko sa pag-aalalay at pag-aadya. Gagabay Siya sa akin at magtuturo Siya sa akin tungo sa daan ng kaligtasan." info
التفاسير:

external-link copy
63 : 26

فَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنِ ٱضۡرِب بِّعَصَاكَ ٱلۡبَحۡرَۖ فَٱنفَلَقَ فَكَانَ كُلُّ فِرۡقٖ كَٱلطَّوۡدِ ٱلۡعَظِيمِ

Kaya nagkasi Kami kay Moises ng dalawang utos sa kanya: na hampasin niya ang dagat ng tungkod niya. Kaya hinampas naman niya nito ang dagat, kaya nabiyak iyon at naging labindalawang daanan ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Israel. Ang bawat bahaging nabiyak mula sa dagat ay tulad ng bundok na malaki sa laki at tatag yayamang walang tubig na dumadaloy mula sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
64 : 26

وَأَزۡلَفۡنَا ثَمَّ ٱلۡأٓخَرِينَ

Inilapit Namin si Paraon at ang mga tao niya hanggang sa pumasok sila sa dagat habang mga nag-aakalang ang daan ay natatahak. info
التفاسير:

external-link copy
65 : 26

وَأَنجَيۡنَا مُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ

Sumagip Kami kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga anak ni Israel, kaya walang napahamak kabilang sa kanila na isa man. info
التفاسير:

external-link copy
66 : 26

ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ

Pagkatapos nagpahamak Kami kay Paraon at sa mga tao niya sa pamamagitan ng pagkalunod sa dagat. info
التفاسير:

external-link copy
67 : 26

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ

Tunay na sa pagkabiyak ng dagat para kay Moises, pagkaligtas niya, at pagkapahamak ni Paraon at ng mga tao niyon ay talagang may tanda na nagpapatunay sa katapatan ni Moises. Ang higit na marami sa mga kasama kay Paraon ay hindi naging mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
68 : 26

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Tunay na ang Panginoon mo, o Sugo, ay talagang Siya ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya, ang Maawain sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
69 : 26

وَٱتۡلُ عَلَيۡهِمۡ نَبَأَ إِبۡرَٰهِيمَ

Bumigkas ka sa kanila, O Sugo, ng kasaysayan ni Abraham, info
التفاسير:

external-link copy
70 : 26

إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦ مَا تَعۡبُدُونَ

nang nagsabi siya sa ama niyang si Āzar at mga kababayan niya: "Ano ang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh?" info
التفاسير:

external-link copy
71 : 26

قَالُواْ نَعۡبُدُ أَصۡنَامٗا فَنَظَلُّ لَهَا عَٰكِفِينَ

Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Sumasamba kami sa mga anito saka nananatili kami bilang mga namamalagi sa pagsamba sa mga ito, na mga dumidikit sa mga ito." info
التفاسير:

external-link copy
72 : 26

قَالَ هَلۡ يَسۡمَعُونَكُمۡ إِذۡ تَدۡعُونَ

Nagsabi si Abraham sa kanila: "Nakaririnig kaya ang mga anito sa panalangin ninyo kapag dumadalangin kayo sa kanila? info
التفاسير:

external-link copy
73 : 26

أَوۡ يَنفَعُونَكُمۡ أَوۡ يَضُرُّونَ

O nakapagpapakinabang sila sa inyo kung tumalima kayo sa kanila o nakapipinsala sila sa inyo kung sumuway kayo sa kanila?" info
التفاسير:

external-link copy
74 : 26

قَالُواْ بَلۡ وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا كَذَٰلِكَ يَفۡعَلُونَ

Nagsabi sila: "Hindi sila nakaririnig sa amin kapag dumalangin kami sa kanila, hindi sila nakapagpapakinabang sa amin kung tumalima kami sa kanila, at hindi sila nakapipinsala sa amin kung sumuway kami sa kanila; bagkus ang nangyari ay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin na gumagawa niyon kaya kami ay gumagaya sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
75 : 26

قَالَ أَفَرَءَيۡتُم مَّا كُنتُمۡ تَعۡبُدُونَ

Nagsabi si Abraham: "Nagmuni-muni ba kayo kaya nakakita kayo sa anumang dati na ninyong sinasamba na mga anito bukod pa kay Allāh: info
التفاسير:

external-link copy
76 : 26

أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُمُ ٱلۡأَقۡدَمُونَ

at anumang sinasamba noon ng mga ninuno ninyong sinauna? info
التفاسير:

external-link copy
77 : 26

فَإِنَّهُمۡ عَدُوّٞ لِّيٓ إِلَّا رَبَّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Tunay na sila sa kabuuan nila ay mga kaaway para sa akin dahil sila ay kabulaanan, maliban kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito, info
التفاسير:

external-link copy
78 : 26

ٱلَّذِي خَلَقَنِي فَهُوَ يَهۡدِينِ

na lumikha sa akin, saka Siya ay gumagabay sa akin tungo sa kabutihan sa Mundo at kabutihan sa Kabilang-buhay; info
التفاسير:

external-link copy
79 : 26

وَٱلَّذِي هُوَ يُطۡعِمُنِي وَيَسۡقِينِ

na Siya lamang ay nagpapakain sa akin kapag nagutom ako at nagpapainom sa akin kapag nauhaw ako; info
التفاسير:

external-link copy
80 : 26

وَإِذَا مَرِضۡتُ فَهُوَ يَشۡفِينِ

at kapag nagkasakit ako, Siya lamang ay ang nagpapagaling sa akin mula sa sakit: walang tagalunas para sa akin bukod pa sa Kanya; info
التفاسير:

external-link copy
81 : 26

وَٱلَّذِي يُمِيتُنِي ثُمَّ يُحۡيِينِ

na Siya lamang ay magpapapanaw sa akin kapag natapos ang taning ko, at magbibigay-buhay sa akin matapos ng kamatayan ko; info
التفاسير:

external-link copy
82 : 26

وَٱلَّذِيٓ أَطۡمَعُ أَن يَغۡفِرَ لِي خَطِيٓـَٔتِي يَوۡمَ ٱلدِّينِ

na naghahangad ako sa Kanya lamang na magpatawad Siya sa akin sa mga pagkakamali ko sa Araw ng Pagganti. info
التفاسير:

external-link copy
83 : 26

رَبِّ هَبۡ لِي حُكۡمٗا وَأَلۡحِقۡنِي بِٱلصَّٰلِحِينَ

Nagsabi si Abraham habang dumadalangin sa Panginoon niya: "Panginoon ko, magbigay Ka sa akin ng pang-unawa sa relihiyon at magsama Ka sa akin sa mga maayos kabilang sa mga propeta bago ko sa pamamagitan ng pagpapasok Mo sa akin sa Paraiso kasama sa kanila. info
التفاسير:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• الله مع عباده المؤمنين بالنصر والتأييد والإنجاء من الشدائد.
Si Allāh ay kasama ng mga lingkod Niyang mga mananampalataya sa pamamagitan ng pag-aadya, pag-aalalay, at pagliligtas sa mga kasawiang-palad. info

• ثبوت صفتي العزة والرحمة لله تعالى.
Ang katibayan ng dalawang katangian ng kapangyarihan at pagkaawa para kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info

• خطر التقليد الأعمى.
Ang panganib ng bulag na paggaya-gaya. info

• أمل المؤمن في ربه عظيم.
Ang pag-asa ng mananampalataya sa Panginoon niya ay dakila. info