Traduzione dei Significati del Sacro Corano - Traduzione filippina (tagalog) dell'Abbreviata Esegesi del Nobile Corano

Numero di pagina:close

external-link copy
63 : 11

قَالَ يَٰقَوۡمِ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كُنتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّي وَءَاتَىٰنِي مِنۡهُ رَحۡمَةٗ فَمَن يَنصُرُنِي مِنَ ٱللَّهِ إِنۡ عَصَيۡتُهُۥۖ فَمَا تَزِيدُونَنِي غَيۡرَ تَخۡسِيرٖ

Nagsabi si Ṣāliḥ bilang pagtugon sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, magpabatid kayo sa akin. Kung ako ay nasa isang katwirang maliwanag mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin mula sa Kanya ng isang awa, ang pagkapropeta, sino ang magsasanggalang sa akin laban sa parusa Niya kung ako ay sumuway sa Kanya sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagpapaabot ng ipinag-utos Niya sa akin na ipaabot sa inyo? Kaya hindi kayo nakadaragdag sa akin ng iba pa sa isang pagliligaw at isang pagkalayo sa pagkalugod Niya." info
التفاسير:

external-link copy
64 : 11

وَيَٰقَوۡمِ هَٰذِهِۦ نَاقَةُ ٱللَّهِ لَكُمۡ ءَايَةٗۖ فَذَرُوهَا تَأۡكُلۡ فِيٓ أَرۡضِ ٱللَّهِۖ وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوٓءٖ فَيَأۡخُذَكُمۡ عَذَابٞ قَرِيبٞ

O mga kalipi ko, ito ay dumalagang kamelyo ni Allāh; para sa inyo ay isang palatandaan sa katapatan ko. Kaya iwanan ninyo ito na nanginginain sa lupain ni Allāh at huwag kayong magsailalim dito sa anumang pananakit sapagkat may aabot sa inyo na isang pagdurusang malapit sa oras ng pagkatay ninyo rito. info
التفاسير:

external-link copy
65 : 11

فَعَقَرُوهَا فَقَالَ تَمَتَّعُواْ فِي دَارِكُمۡ ثَلَٰثَةَ أَيَّامٖۖ ذَٰلِكَ وَعۡدٌ غَيۡرُ مَكۡذُوبٖ

Ngunit kinatay nila ito bilang pagpapakasidhi sa pagpapasinungaling kaya nagsabi sa kanila si Ṣāliḥ: "Magtamasa kayo sa buhay sa lupain ninyo sa loob ng tatlong araw mula sa pagkatay ninyo rito. Pagkatapos pupunta sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh sapagkat ang pagpunta ng pagdurusa mula sa Kanya matapos niyon ay isang pangakong magaganap nang walang pasubali, na hindi mapasisinungalingan, bagkus iyan ay pangako ng katapatan." info
التفاسير:

external-link copy
66 : 11

فَلَمَّا جَآءَ أَمۡرُنَا نَجَّيۡنَا صَٰلِحٗا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ بِرَحۡمَةٖ مِّنَّا وَمِنۡ خِزۡيِ يَوۡمِئِذٍۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلۡقَوِيُّ ٱلۡعَزِيزُ

Kaya noong dumating ang utos Namin ng pagpapahamak sa kanila, pinaligtas Namin si Ṣāliḥ at ang mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin at pinaligtas Namin sila mula sa pagkahamak sa araw na iyon at sa kaabahan niyon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang Malakas, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man. Dahil doon, nagpahamak Siya sa mga kalipunang nagpapasinungaling. info
التفاسير:

external-link copy
67 : 11

وَأَخَذَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ ٱلصَّيۡحَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دِيَٰرِهِمۡ جَٰثِمِينَ

Dumaklot ng isang matinding nagpapahamak na tunog ang [liping] Thamūd saka namatay sila dahil sa tindi nito at sila ay naging mga nakahandusay sa mga mukha nila. Kumapit nga ang mga mukha nila sa alabok. info
التفاسير:

external-link copy
68 : 11

كَأَن لَّمۡ يَغۡنَوۡاْ فِيهَآۗ أَلَآ إِنَّ ثَمُودَاْ كَفَرُواْ رَبَّهُمۡۗ أَلَا بُعۡدٗا لِّثَمُودَ

Para bang hindi sila namalagi sa bayan nila sa isang biyaya at isang kaalwanan ng pamumuhay. Pansinin, tunay na ang [liping] Thamūd ay tumangging sumampalataya kay Allāh, ang Panginoon nila. Hindi sila natigil sa pagiging mga inilayo mula sa awa ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
69 : 11

وَلَقَدۡ جَآءَتۡ رُسُلُنَآ إِبۡرَٰهِيمَ بِٱلۡبُشۡرَىٰ قَالُواْ سَلَٰمٗاۖ قَالَ سَلَٰمٞۖ فَمَا لَبِثَ أَن جَآءَ بِعِجۡلٍ حَنِيذٖ

Talaga ngang dumating ang mga anghel sa anyo ng mga lalaking tao kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak sa kanya at sa maybahay niya hinggil kay Isaac, pagkatapos kay Jacob. Kaya nagsabi ang mga anghel: "Kapayapaan!" Kaya tumugon sa kanila si Abraham sa pagsabi niya: "Kapayapaan." Umalis siya na nagmamadali saka naghatid sa kanila ng isang guyang inihaw upang kumain sila mula rito dala ng isang pag-aakala mula sa kanya na sila ay mga lalaking tao. info
التفاسير:

external-link copy
70 : 11

فَلَمَّا رَءَآ أَيۡدِيَهُمۡ لَا تَصِلُ إِلَيۡهِ نَكِرَهُمۡ وَأَوۡجَسَ مِنۡهُمۡ خِيفَةٗۚ قَالُواْ لَا تَخَفۡ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمِ لُوطٖ

Ngunit noong nakita ni Abraham na ang mga kamay nila ay hindi umaabot doon sa [inihaw na] guya at na sila ay hindi kumakain mula roon, minasama niya iyon sa kanila. Nagkubli siya sa sarili niya ng pangamba sa kanila, ngunit noong nakita ng mga anghel ang pangamba niya sa kanila ay nagsabi sila: "Huwag kang mangamba sa amin. Kami ay ipinadala ni Allāh sa mga tao ni Lot upang pagdusahin namin sila." info
التفاسير:

external-link copy
71 : 11

وَٱمۡرَأَتُهُۥ قَآئِمَةٞ فَضَحِكَتۡ فَبَشَّرۡنَٰهَا بِإِسۡحَٰقَ وَمِن وَرَآءِ إِسۡحَٰقَ يَعۡقُوبَ

Ang maybahay ni Abraham na si Sarah ay nakatayo, saka nagpabatid Kami ng ikatutuwa nito, at na ito ay manganganak siya kay Isaac. Magkakaroon naman si Isaac ng Anak, si Jacob. Kaya natawa siya at nagalak sa narinig niya. info
التفاسير:
Alcuni insegnamenti da trarre da questi versi sono:
• عناد واستكبار المشركين حيث لم يؤمنوا بآية صالح عليه السلام وهي من أعظم الآيات.
Ang pagmamatigas at ang pagmamalaki ng mga tagapagtambal yayamang hindi sila sumampalataya sa tanda ni Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – gayong ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga tanda. info

• استحباب تبشير المؤمن بما هو خير له.
Ang pagtuturing na kaibig-ibig ang pagbabalita ng nakagagalak sa mananampalataya hinggil sa mabuti para sa kanya. info

• مشروعية السلام لمن دخل على غيره، ووجوب الرد.
Ang pagkaisinasabatas ng pagbati ng kapayapaan para sa sinumang pumunta sa ibang tao at ang pagkatungkulin ng pagtugon. info

• وجوب إكرام الضيف.
Ang pagkatungkulin ng pagpaparangal sa panauhin. info