Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog)

Nomor Halaman: 183:177 close

external-link copy
53 : 8

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ لَمۡ يَكُ مُغَيِّرٗا نِّعۡمَةً أَنۡعَمَهَا عَلَىٰ قَوۡمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُواْ مَا بِأَنفُسِهِمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

Ang parusang matinding iyon ay dahilan na si Allāh, kapag nagbiyaya Siya sa mga tao ng isang biyayang mula sa ganang Kanya, ay hindi nag-aalis nito sa kanila hanggang sa mag-iba sila ng mga sarili nila mula sa kalagayang kaaya-aya, gaya ng pananampalataya, pagpapakatuwid, at pagpapasalamat, patungo sa kalagayang masagwa, gaya ng kawalang-pananampalataya kay Allāh, pagsuway sa Kanya, at pagtangging magpasalamat sa mga biyaya Niya. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Maaalam sa mga ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
54 : 8

كَدَأۡبِ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ فَأَهۡلَكۡنَٰهُم بِذُنُوبِهِمۡ وَأَغۡرَقۡنَآ ءَالَ فِرۡعَوۡنَۚ وَكُلّٞ كَانُواْ ظَٰلِمِينَ

Ang lagay ng mga tagatangging sumampalatayang ito ay gaya ng lagay ng iba pa sa kanila kabilang sa tumangging sumampalataya kay Allāh tulad ng mga kampon ni Paraon at mga kalipunang tagapasinungaling bago pa nila. Nagpasinungaling sila sa mga tanda ng Panginoon nila kaya nagpahamak Siya sa kanila dahilan sa nagawa nila na mga pagsuway. Nagpahamak si Allāh sa mga kampon ni Paraon sa pamamagitan ng pagkalunod sa dagat. Bawat isa sa mga kampon ni Paraon at mga kalipunan bago pa nila ay dating mga tagalabag sa katarungan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagtatambal nila sa Kanya kaya naging kinakailangan sa kanila dahil doon ang parusa Niya – kaluwalhatian sa Kanya – kaya naman pinangyari Niya iyon sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
55 : 8

إِنَّ شَرَّ ٱلدَّوَآبِّ عِندَ ٱللَّهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ

Tunay na pinakamasama sa sinumang umuusad sa lupa ay ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya sapagkat sila ay hindi sasampalataya kahit pa man dumating sa kanila ang bawat tanda, dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya sapagkat nasira na sa kanila ang mga kaparaanan ng kapatnubayan gaya ng isip, pagdinig, at pagtingin. info
التفاسير:

external-link copy
56 : 8

ٱلَّذِينَ عَٰهَدتَّ مِنۡهُمۡ ثُمَّ يَنقُضُونَ عَهۡدَهُمۡ فِي كُلِّ مَرَّةٖ وَهُمۡ لَا يَتَّقُونَ

[Sila] ang mga nagsagawa ka sa kanila ng mga kasunduan at mga tipan, gaya ng angkan ng Quraydhah, pagkatapos kumalas sila sa pakikipagkasunduan mo sa kanila sa bawat pagkakataon habang sila ay hindi nangangamba kay Allāh kaya hindi sila tumutupad sa mga kasunduan sa kanila at hindi sumusunod sa mga pangakong tinanggap sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
57 : 8

فَإِمَّا تَثۡقَفَنَّهُمۡ فِي ٱلۡحَرۡبِ فَشَرِّدۡ بِهِم مَّنۡ خَلۡفَهُمۡ لَعَلَّهُمۡ يَذَّكَّرُونَ

Kaya kung nakipagharap ka, O Sugo, sa mga tagasirang ito sa mga tipan nila sa digmaan, magparusa ka ng magsisilbing aral sa kanila ayon sa pinakamatindi sa pagpaparusang nagsisilbing aral hanggang sa makarinig ng hinggil doon ang iba pa sa kanila, nang sa gayon sila ay magsasaalang-alang sa kalagayan nila kaya maririndi sila sa pakikipaglaban sa iyo at pag-alalay sa mga kaaway mo laban sa iyo. info
التفاسير:

external-link copy
58 : 8

وَإِمَّا تَخَافَنَّ مِن قَوۡمٍ خِيَانَةٗ فَٱنۢبِذۡ إِلَيۡهِمۡ عَلَىٰ سَوَآءٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡخَآئِنِينَ

Kung sa mga taong nakipagkasunduan ka ay nangamba ka, O Sugo, ng isang pandaraya at pagsira sa kasunduan dahil sa isang palatandaang lumilitaw sa iyo, magpaalam ka sa kanila ng pagtapon sa kasunduan sa kanila upang pumantay sila sa iyo sa kaalaman hinggil doon. Huwag kang mambigla sa kanila bago ng pagpapaalam sa kanila sapagkat ang pambibigla sa kanila bago ng pagpapaalam sa kanila ay kabilang sa kataksilan. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga taksil, bagkus namumuhi Siya sa kanila, kaya mangilag ka sa kataksilan. info
التفاسير:

external-link copy
59 : 8

وَلَا يَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ سَبَقُوٓاْۚ إِنَّهُمۡ لَا يُعۡجِزُونَ

Huwag magpapalagay ang mga tumangging sumampalataya na sila ay nakaalpas sa parusa ni Allāh at nakatalilis mula roon. Tunay na sila ay hindi nakaaalpas sa Kanya at hindi nakatatalilis mula sa parusa Niya, bagkus ito ay makahahabol sa kanila at makaaabot sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
60 : 8

وَأَعِدُّواْ لَهُم مَّا ٱسۡتَطَعۡتُم مِّن قُوَّةٖ وَمِن رِّبَاطِ ٱلۡخَيۡلِ تُرۡهِبُونَ بِهِۦ عَدُوَّ ٱللَّهِ وَعَدُوَّكُمۡ وَءَاخَرِينَ مِن دُونِهِمۡ لَا تَعۡلَمُونَهُمُ ٱللَّهُ يَعۡلَمُهُمۡۚ وَمَا تُنفِقُواْ مِن شَيۡءٖ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ يُوَفَّ إِلَيۡكُمۡ وَأَنتُمۡ لَا تُظۡلَمُونَ

Maghanda kayo, O mga mananampalataya, ng anumang nakaya ninyo sa paghahanda ng tauhan at kasangkapan gaya ng panudla. Maghanda kayo para sa kanila ng ikinural ninyo na mga kabayo ayon sa landas ni Allāh, na ipakakaba ninyo sa mga kaaway ni Allāh at mga kaaway ninyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na nag-aabang sa inyo ng mga kasawian, at ipakakaba ninyo sa ibang mga tao. Hindi kayo nakaaalam sa kanila at hindi kayo nakaaalam sa ikinukubli nila para sa inyo na pagkamuhi. Bagkus si Allāh lamang ay ang nakaaalam sa kanila at nakaaalam sa ikinukubli nila sa mga sarili nila. Ang ginugugol ninyo na yaman, kaunti man o marami, ay magpapalit nito si Allāh sa inyo sa Mundo at magbibigay Siya sa inyo ng gantimpala Niya nang kumpleto nang walang ibinawas sa Kabilang-buhay, kaya magdali-dali kayo sa paggugol sa landas Niya. info
التفاسير:

external-link copy
61 : 8

۞ وَإِن جَنَحُواْ لِلسَّلۡمِ فَٱجۡنَحۡ لَهَا وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

Kung kumiling sila sa pagkakasundo at pag-iwan sa pakikipaglaban sa iyo ay kumiling ka, O Sugo, roon, makipagkasunduan ka sa kanila, umasa ka kay Allāh, at magtiwala ka sa Kanya sapagkat hindi Siya magtatatwa sa iyo. Tunay na Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi nila, ang Maalam sa mga layunin nila at mga ginagawa nila. info
التفاسير:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• من فوائد العقوبات والحدود المرتبة على المعاصي أنها سبب لازدجار من لم يعمل المعاصي، كما أنها زجر لمن عملها ألا يعاودها.
Kabilang sa mga silbi ng mga pangkalahatang parusa at mga takdang parusang inireresulta ng mga pagsuway ay na ang mga ito ay isang dahilan sa pagkapigil sa sinumang hindi gumawa ng mga pagsuway, kung paanong ito ay pumigil sa sinumang gumawa nito, na huwag siyang umulit nito. info

• من أخلاق المؤمنين الوفاء بالعهد مع المعاهدين، إلا إن وُجِدت منهم الخيانة المحققة.
Kabilang sa mga kaasalan ng mga mananampalataya ang pagtupad sa kasunduan sa mga pinagsagawaan ng kasunduan, maliban kung natagpuan sa kanila ang kataksilang napatunayan. info

• يجب على المسلمين الاستعداد بكل ما يحقق الإرهاب للعدو من أصناف الأسلحة والرأي والسياسة.
Kinakailangan sa mga Muslim ang paghahanda ng bawat anumang nagsasakatuparan ng pagpapahilakbot sa kaaway gaya ng mga uri ng mga sandata, ideya, at pulitika. info

• جواز السلم مع العدو إذا كان فيه مصلحة للمسلمين.
Ang pagpayag sa kapayapaan sa kaaway kapag naroon ang kapakanan ng mga Muslim. info