Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog)

Nomor Halaman: 179:177 close

external-link copy
26 : 8

وَٱذۡكُرُوٓاْ إِذۡ أَنتُمۡ قَلِيلٞ مُّسۡتَضۡعَفُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ تَخَافُونَ أَن يَتَخَطَّفَكُمُ ٱلنَّاسُ فَـَٔاوَىٰكُمۡ وَأَيَّدَكُم بِنَصۡرِهِۦ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Alalahanin ninyo, O mga mananampalataya, nang kayo dati sa Makkah ay kaunti ang bilang, habang sinisiil kayo ng mga naninirahan doon at nilulupig kayo. Nangangamba kayo na kunin kayo ng mga kaaway nang mabilis, ngunit pinagsama kayo ni Allāh tungo sa isang kanlungang pagkakanlungan ninyo: ang Madīnah. Pinalakas Niya kayo sa pamamagitan ng pag-aadya laban sa mga kaaway ninyo sa mga pook ng digmaan, na kabilang sa mga ito ang Badr. Tinustusan Niya kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay, na kabilang sa kabuuan ng mga ito ay ang mga samsam sa digmaan na nakuha ninyo mula sa mga kaaway ninyo. [Ito ay] nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya para magdagdag Siya sa inyo sa mga ito at hindi tatangging magpasalamat sa mga ito para hindi Niya kunin ang mga ito sa inyo at pagdusahin Niya kayo. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 8

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَخُونُواْ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَ وَتَخُونُوٓاْ أَمَٰنَٰتِكُمۡ وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

O mga sumampalataya kay Allāh at sa sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong magtaksil kay Allāh at sa Sugo sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagsunod sa mga ipinag-uutos at hindi pag-iwas sa mga sinasaway, at huwag kayong magtaksil sa anumang ipinagkatiwala sa inyo na pagkakautang at iba pa rito habang kayo ay nakaaalam na ang isinagawa ninyo ay isang pagtataksil para kayo ay maging kabilang sa mga taksil. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 8

وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَآ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَأَوۡلَٰدُكُمۡ فِتۡنَةٞ وَأَنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥٓ أَجۡرٌ عَظِيمٞ

Alamin ninyo, O mga mananampalataya, na ang mga ari-arian ninyo at ang mga anak ninyo ay isang pagsubok lamang mula kay Allāh para sa inyo at isang pagsusulit lamang sapagkat maaaring bumalakid ang mga ito sa inyo sa paggawa para sa Kabilang-buhay at mag-udyok sa inyo ang mga ito sa pagtataksil. Alamin ninyo na si Allāh, sa ganang Kanya, ay may isang gantimpalang sukdulan, kaya huwag kayong magpaalpas sa inyo ng gantimpalang ito dahil sa pagsasaalang-alang sa mga yaman ninyo at mga anak ninyo at pagtataksil alang-alang sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 8

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تَتَّقُواْ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّكُمۡ فُرۡقَانٗا وَيُكَفِّرۡ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۗ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, alamin ninyo na kung mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay gagawa Siya para sa inyo ng ipantatalos ninyo ng kaibahan sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan, kaya hindi makalilito ang dalawang ito sa inyo, magpapawi Siya sa inyo ng nagawa ninyo na mga masagwang gawa, at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay ang may kabutihang-loob na sukdulan. Bahagi ng kabutihang-loob Niyang sukdulan ay ang Paraiso Niya na inihanda Niya para sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niya. info
التفاسير:

external-link copy
30 : 8

وَإِذۡ يَمۡكُرُ بِكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيُثۡبِتُوكَ أَوۡ يَقۡتُلُوكَ أَوۡ يُخۡرِجُوكَۚ وَيَمۡكُرُونَ وَيَمۡكُرُ ٱللَّهُۖ وَٱللَّهُ خَيۡرُ ٱلۡمَٰكِرِينَ

Banggitin mo, O Sugo, nang nagtulungan laban sa iyo ang mga tagapagtambal upang magpakana sila laban sa iyo sa pagkulong sa iyo o sa pagpatay sa iyo o sa pagpapatapon sa iyo mula sa bayan mo patungo sa ibang bayan. Nagpapakana sila sa iyo at nagsasauli naman si Allāh ng pakana nila laban sa kanila. Nanlalansi si Allāh at si Allāh ay ang pinakamabuti sa mga nanlalansi. info
التفاسير:

external-link copy
31 : 8

وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا قَالُواْ قَدۡ سَمِعۡنَا لَوۡ نَشَآءُ لَقُلۡنَا مِثۡلَ هَٰذَآ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ

Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda ni Allāh ay nagsasabi sila bilang pagmamatigas sa katotohanan at pagmamataas dito: "Nakarinig na kami ng tulad nito noon pa. Kung sakaling loloobin namin ang pagsabi ng tulad ng Qur'ān na ito ay talaga sanang nagsabi kami nito. Walang iba ang Qur'ān na ito na narinig Namin kundi mga kasinungalingan ng mga sinauna kaya, hindi kami sasampalataya rito." info
التفاسير:

external-link copy
32 : 8

وَإِذۡ قَالُواْ ٱللَّهُمَّ إِن كَانَ هَٰذَا هُوَ ٱلۡحَقَّ مِنۡ عِندِكَ فَأَمۡطِرۡ عَلَيۡنَا حِجَارَةٗ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ أَوِ ٱئۡتِنَا بِعَذَابٍ أَلِيمٖ

Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi ang mga tagapagtambal: "O Allāh, kung ang inihatid ni Muḥammad ay katotohanan, magpabagsak Ka sa amin ng mga bato mula sa langit na magpapahamak sa amin o magdala Ka sa amin ng isang pagdurusang matindi." Nagsabi sila niyon bilang pagpapalabis sa pagtanggi at pagkakaila. info
التفاسير:

external-link copy
33 : 8

وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُعَذِّبَهُمۡ وَأَنتَ فِيهِمۡۚ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ مُعَذِّبَهُمۡ وَهُمۡ يَسۡتَغۡفِرُونَ

Hindi nangyaring si Allāh ay ukol magparusa sa kalipunan mo – maging sila man ay kabilang sa kalipunan ng pagtugon o kabilang sa kalipunan ng pag-aanyaya – sa pamamagitan ng isang pagdurusang pupuksa sa kanila habang ikaw, O Muḥammad, ay buhay na naririyan sa gitna nila sapagkat ang kairalan mo sa gitna nila ay isang kaligtasan para sa kanila mula sa pagdurusa. Hindi nangyaring si Allāh ay magpaparusa sa kanila habang sila ay humihingi ng kapatawaran kay Allāh mula sa mga pagkakasala nila. info
التفاسير:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• الشكر نعمة عظيمة يزيد بها فضل الله تعالى، وينقص عند إغفالها.
Ang pagpapasalamat ay biyayang sukdulang nadaragdagan sa pamamagitan nito ang kabutihang-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at nababawasan ito sa sandali ng pagpapabaya rito. info

• للأمانة شأن عظيم في استقامة أحوال المسلمين، ما ثبتوا عليها وتخلقوا بها، وهي دليل نزاهة النفس واعتدال أعمالها.
Ang tiwala ay may kahalagahang mabigat sa pagpapakatuwid ng mga kalagayan ng mga Muslim hanggat nagpapakatatag sila rito at nagsasaasal sila nito. Ito ay isang patunay sa kalinisan ng kaluluwa at pagkamatuwid ng mga gawain nito. info

• ما عند الله من الأجر على كَفِّ النفس عن المنهيات، خير من المنافع الحاصلة عن اقتحام المناهي لأجل الأموال والأولاد.
Ang nasa ganang kay Allāh na pabuya sa pagpipigil sa sarili laban sa mga sinasaway ay higit na mabuti kaysa sa mga pakinabang na nakakamit sa pagsuong sa mga sinasaway alang-alang sa mga yaman at mga anak. info

• في الآيات بيان سفه عقول المعرضين؛ لأنهم لم يقولوا: اللَّهُمَّ إن كان هذا هو الحق من عندك فاهدنا إليه.
Nasaad sa mga talata ng Qur'ān ang paglilinaw sa kahunghangan ng mga isip ng mga umaayaw dahil sila ay hindi nagsabi: "O Allāh, kung ito ay ang katotohanan mula sa ganang Iyo, magpatnubay Ka sa amin tungo rito." info

• في الآيات فضيلة الاستغفار وبركته، وأنه من موانع وقوع العذاب.
Nasaad sa mga talata ng Qur'ān ang kalamangan ng paghingi ng tawad at ang pagpapala nito, at na ito ay kabilang sa mga pampigil sa pagbagsak ng pagdurusa. info