Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog)

Nomor Halaman:close

external-link copy
196 : 7

إِنَّ وَلِـِّۧيَ ٱللَّهُ ٱلَّذِي نَزَّلَ ٱلۡكِتَٰبَۖ وَهُوَ يَتَوَلَّى ٱلصَّٰلِحِينَ

Tunay na ang Mapag-adya sa akin at ang Tagatulong sa akin ay si Allāh na nangangalaga sa akin kaya hindi ako umaasa sa iba pa sa Kanya at hindi ako nangangamba sa anuman sa mga anito ninyo sapagkat Siya ay ang nagbaba sa akin ng Qur'ān bilang patnubay para sa mga tao at Siya ay ang tumatangkilik sa mga maayos kabilang sa mga lingkod Niya saka nag-iingat sa kanila at nag-aadya sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
197 : 7

وَٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَسۡتَطِيعُونَ نَصۡرَكُمۡ وَلَآ أَنفُسَهُمۡ يَنصُرُونَ

Ang mga dinadalanginan ninyo, O mga tagapagtambal, kabilang sa mga anitong ito ay hindi nakakakaya sa pag-adya sa inyo at hindi nakakakaya sa pag-adya sa mga sarili nila sapagkat sila ay mga walang-kakayahan. Kaya papaanong dumadalangin kayo sa kanila bukod pa kay Allāh? info
التفاسير:

external-link copy
198 : 7

وَإِن تَدۡعُوهُمۡ إِلَى ٱلۡهُدَىٰ لَا يَسۡمَعُواْۖ وَتَرَىٰهُمۡ يَنظُرُونَ إِلَيۡكَ وَهُمۡ لَا يُبۡصِرُونَ

Kung mag-aanyaya kayo, O mga tagapagtambal, sa mga anito ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, tungo sa pagpapakatuwid ay hindi sila makaririnig sa paanyaya ninyo. Nakakikita ka sa kanila na humaharap sa iyo nang may mga matang iginuhit, na mga walang-buhay na hindi nakakikita, sapagkat sila nga noon ay niyayari bilang mga rebulto ayon sa anyo ng mga anak ni Adan o ng mga hayop. Ang mga ito ay may mga kamay, mga paa, at mga mata, subalit ang mga ito ay walang-kaluluwa, na walang buhay at walang pagkilos. info
التفاسير:

external-link copy
199 : 7

خُذِ ٱلۡعَفۡوَ وَأۡمُرۡ بِٱلۡعُرۡفِ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡجَٰهِلِينَ

Tumanggap ka, O Sugo, mula sa mga tao, ng ipinahintulot ng mga sarili nila at ng naging madali sa kanila na mga gawain at mga kaasalan. Huwag kang mag-atang sa kanila ng hindi ipinahihintulot ng mga kalikasan nila sapagkat tunay na iyon ay maglalayo ng loob nila. Mag-utos ka ng bawat pananalitang maganda at gawaing mahusay. Umayaw ka sa mga mangmang kaya huwag mong harapin sila sa kamangmangan nila. Ang sinumang nanakit sa iyo ay huwag mong saktan. Ang sinumang nagkait sa iyo ay huwag mong pagkaitan. info
التفاسير:

external-link copy
200 : 7

وَإِمَّا يَنزَغَنَّكَ مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ نَزۡغٞ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِۚ إِنَّهُۥ سَمِيعٌ عَلِيمٌ

Kapag nakadama ka, O Sugo, na ang demonyo ay nagpatama sa iyo ng isang panunulsol o isang pagsagabal sa paggawa ng kabutihan, dumulog ka kay Allāh at mangunyapit ka sa Kanya sapagkat tunay na Siya ay Madinigin sa anumang sinasabi mo, Maalam sa pagdulog mo kaya magtatanggol Siya sa iyo laban sa demonyo. info
التفاسير:

external-link copy
201 : 7

إِنَّ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ إِذَا مَسَّهُمۡ طَٰٓئِفٞ مِّنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ تَذَكَّرُواْ فَإِذَا هُم مُّبۡصِرُونَ

Tunay na ang mga nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, kapag may tumama sa kanila na isang panunulsol mula sa demonyo, kaya nagkasala sila, ay nagsasaalaala sila sa kadakilaan ni Allāh, parusa Niya para sa mga tagasuway, at gantimpala Niya para sa mga tagatalima, saka nagbabalik-loob sila mula sa mga pagkakasala nila at nagsisisi sila sa Panginoon nila, kaya biglang sila ay nagpakatatag na sa katotohanan, natauhan mula sa dati nilang lagay, at tumigil. info
التفاسير:

external-link copy
202 : 7

وَإِخۡوَٰنُهُمۡ يَمُدُّونَهُمۡ فِي ٱلۡغَيِّ ثُمَّ لَا يُقۡصِرُونَ

Ang mga kapatid ng mga demonyo kabilang sa mga masamang-loob at mga tagatangging sumampalataya ay hindi nagpapatigil sa mga demonyo sa pagdagdag sa kanila ng pagkaligaw dahil sa isang pagkakasala matapos ng isang pagkakasala. Hindi nagpipigil ang mga demonyo sa paglilisya at pagliligaw, ni ang mga masamang-loob kabilang sa tao sa pagpapaakay at paggawa ng kasamaan.
info
التفاسير:

external-link copy
203 : 7

وَإِذَا لَمۡ تَأۡتِهِم بِـَٔايَةٖ قَالُواْ لَوۡلَا ٱجۡتَبَيۡتَهَاۚ قُلۡ إِنَّمَآ أَتَّبِعُ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّ مِن رَّبِّيۚ هَٰذَا بَصَآئِرُ مِن رَّبِّكُمۡ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

Kapag naghatid ka, O Sugo, ng isang tanda ay nagpapasinungaling sila sa iyo at umaayaw roon. Kung hindi ka naglahad sa kanila ng isang tanda ay magsasabi sila: "Bakit kasi hindi ka umimbento ng isang talata mula sa ganang iyo at lumikha-likha nito." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ukol sa akin na maglahad ng isang talata mula sa pagkukusa ng sarili ko at wala akong sinusunod kundi ang ikinakasi ni Allāh sa akin, itong Qur'ān na binibigkas ko sa inyo bilang mga katwiran at mga patotoo mula kay Allāh, ang Tagalikha ninyo at ang Tagapangasiwa ng mga kapakanan ninyo, at bilang paggagabay at awa para sa mga mananampalataya kabilang sa mga lingkod Niya. Tungkol naman sa mga hindi mananampalataya naman, sila ay mga ligaw at mga miserable." info
التفاسير:

external-link copy
204 : 7

وَإِذَا قُرِئَ ٱلۡقُرۡءَانُ فَٱسۡتَمِعُواْ لَهُۥ وَأَنصِتُواْ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ

Kapag binigkas ang Qur’ān ay makinig kayo sa pagbigkas dito, huwag kayong magsalita, at huwag kayong magpakaabala sa iba pa rito, sa pag-asang maawa sa inyo si Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
205 : 7

وَٱذۡكُر رَّبَّكَ فِي نَفۡسِكَ تَضَرُّعٗا وَخِيفَةٗ وَدُونَ ٱلۡجَهۡرِ مِنَ ٱلۡقَوۡلِ بِٱلۡغُدُوِّ وَٱلۡأٓصَالِ وَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡغَٰفِلِينَ

Alalahanin mo, O Sugo, si Allāh, ang Panginoon mo, habang nagpapakaaba na nagpapakumbaba na nangangamba. Gawin mo ang panalangin mo na katamtaman sa pagitan ng pagtataas ng tinig at pagbaba nito sa simula ng maghapon at katapusan nito dahil sa kainaman ng dalawang oras na ito. Huwag kang maging kabilang sa mga nalilingat sa pag-alaala kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info
التفاسير:

external-link copy
206 : 7

إِنَّ ٱلَّذِينَ عِندَ رَبِّكَ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ عَنۡ عِبَادَتِهِۦ وَيُسَبِّحُونَهُۥ وَلَهُۥ يَسۡجُدُونَۤ۩

Tunay na ang mga nasa piling ng Panginoon mo, O Sugo, na mga anghel ay hindi nagmamataas [sa pagtanggi] sa pagsamba sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – bagkus nagpapaakay doon habang mga nagpapakumbaba nang hindi nananamlay habang sila ay nagpapawalang-kapintasan kay Allāh sa gabi at araw sa anumang hindi naaangkop sa Kanya, at sa Kanya lamang nagpapatirapa. info
التفاسير:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• في الآيات بشارة للمسلمين المستقيمين على صراط نبيهم صلى الله عليه وسلم بأن ينصرهم الله كما نصر نبيه وأولياءه.
Ang kinakailangan sa nakapag-uunawa ay ang pagsamba kay Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil Siya ay ang nagsasakatuparan para rito ng mga pakinabang sa relihiyon sa pamamagitan ng pagpapababa ng kasulatang naglalaman ng mga kaalamang dakila sa relihiyon at ng mga pakinabang sa Mundo sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga maayos kabilang sa mga lingkod Niya, ng pag-iingat Niya sa kanila, at ng pag-aadya Niya sa kanila para walang makapinsala sa kanila na isang pangangaway ng sinumang nakipag-away sa kanila. info

• في الآيات جماع الأخلاق، فعلى العبد أن يعفو عمن ظلمه، ويعطي من حرمه، ويصل من قطعه.
Sa mga talata ay may pagbabalita ng nakagagalak para sa mga Muslim na nagpapakatatag sa landasin ng Propeta nila – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – hinggil sa pag-aadya sa kanila ni Allāh gaya ng pag-adya Niya sa Propeta Niya at mga katangkilik Niya. info

• على العبد إذا مَسَّه سوء من الشيطان - فأذنب بفعل محرم، أو ترك واجب - أن يستغفر الله تعالى، ويستدرك ما فرط منه بالتوبة النصوح والحسنات الماحية.
Sa mga talata ay may pagbubuklod ng mga kaasalan. Kaya kailangan sa tao na magpaumanhin sa sinumang lumabag sa kanya sa katarungan, magbigay sa sinumang nagkait sa kanya, at makipag-ugnayan sa sinumang pumutol ng kaugnayan sa kanya. info

• الواجب على العاقل عبادة الله تعالى؛ لأنه هو الذي يحقق له منافع الدين بإنزال الكتاب المشتمل على العلوم العظيمة في الدّين، ومنافع الدنيا بتولّي الصالحين من عباده وحفظه لهم ونصرته إياهم، فلا تضرهم عداوة من عاداهم.
Kailangan sa tao – kapag may sumaling sa kanya na isang kasagwaan mula sa demonyo kaya nagkasala siya dahil sa paggawa ng isang ipinagbabawal o pag-iwan sa isang isinasatungkulin – na humingi ng tawad kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at magwasto sa anumang napabayaan niya mula roon sa pamamagitan ng tapat na pagbabalik-loob at mga magandang gawang tagabura. info