Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog)

Nomor Halaman:close

external-link copy
138 : 7

وَجَٰوَزۡنَا بِبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱلۡبَحۡرَ فَأَتَوۡاْ عَلَىٰ قَوۡمٖ يَعۡكُفُونَ عَلَىٰٓ أَصۡنَامٖ لَّهُمۡۚ قَالُواْ يَٰمُوسَى ٱجۡعَل لَّنَآ إِلَٰهٗا كَمَا لَهُمۡ ءَالِهَةٞۚ قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمٞ تَجۡهَلُونَ

Nagpatawid Kami sa mga anak ni Israel sa dagat noong hinampas ito ni Moises ng tungkod niya saka nabiyak, saka napadaan sila sa mga taong nananatili sa pagsamba sa mga anito para sa mga ito, na sinasamba ng mga ito bukod pa kay Allāh. Kaya nagsabi ang mga anak ni Israel kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang anitong sasambahin namin kung paanong ang mga ito ay mayroong mga anitong sinasamba bukod pa kay Allāh." Nagsabi si Moises sa kanila: "O mga tao ko, tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang sa anumang kinakailangan kay Allāh na pagdakila at paniniwala sa kaisahan Niya at anumang hindi naaangkop sa Kanya na pagtatambal [sa Kanya] at pagsamba sa iba pa sa Kanya." info
التفاسير:

external-link copy
139 : 7

إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ مُتَبَّرٞ مَّا هُمۡ فِيهِ وَبَٰطِلٞ مَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Tunay na ang mga nananatiling ito sa pagsamba ng mga anito nila ay ipapahamak ang anumang ginagawa nilang pagsamba sa iba pa kay Allāh at walang-kabuluhan ang lahat ng dati nilang ginagawa na pagtalima dahil sa pagtatambal nila sa pagsamba kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
140 : 7

قَالَ أَغَيۡرَ ٱللَّهِ أَبۡغِيكُمۡ إِلَٰهٗا وَهُوَ فَضَّلَكُمۡ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ

Nagsabi si Moises sa mga kalipi Niya: "O mga kalipi ko, papaano akong hihiling para sa inyo ng isang diyos na iba pa kay Allāh na sasambahin ninyo samantalang nakasaksi na kayo mula sa mga dakilang tanda Niya na nasaksihan ninyo. Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagtangi sa inyo higit sa mga nilalang sa panahon ninyo sa pamamagitan ng ibiniyaya Niya sa inyo gaya ng pagpapahamak sa kaaway ninyo, pagpapahalili sa inyo sa lupain, at pagpapatatag para sa inyo roon?" info
التفاسير:

external-link copy
141 : 7

وَإِذۡ أَنجَيۡنَٰكُم مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَسُومُونَكُمۡ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ يُقَتِّلُونَ أَبۡنَآءَكُمۡ وَيَسۡتَحۡيُونَ نِسَآءَكُمۡۚ وَفِي ذَٰلِكُم بَلَآءٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَظِيمٞ

Banggitin, O mga anak ni Israel, nang pinaligtas Namin kayo sa pamamagitan ng pagsagip sa inyo mula sa pang-aaba ni Paraon at ng mga tao niya sa inyo yayamang sila noon ay nagpapalasap sa inyo ng mga uri ng kahamakan gaya ng pagpapatay sa mga lalaking anak ninyo at pagpapamuhay sa mga babae ninyo para maglingkod. Sa pagsagip sa inyo mula kay Paraon at sa mga tao niya ay may isang pagsusulit na sukdulan mula sa Panginoon ninyo, na humihiling mula sa inyo ng pagpapasalamat. info
التفاسير:

external-link copy
142 : 7

۞ وَوَٰعَدۡنَا مُوسَىٰ ثَلَٰثِينَ لَيۡلَةٗ وَأَتۡمَمۡنَٰهَا بِعَشۡرٖ فَتَمَّ مِيقَٰتُ رَبِّهِۦٓ أَرۡبَعِينَ لَيۡلَةٗۚ وَقَالَ مُوسَىٰ لِأَخِيهِ هَٰرُونَ ٱخۡلُفۡنِي فِي قَوۡمِي وَأَصۡلِحۡ وَلَا تَتَّبِعۡ سَبِيلَ ٱلۡمُفۡسِدِينَ

Nakipagtipan si Allāh sa sugo Niyang si Moises para sa pakikipagniigan sa Kanya nang tatlumpong gabi. Pagkatapos binuo ito ni Allāh sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sampu kaya ito ay naging apatnapung gabi. Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron noong nagnais siyang umalis para sa pakikipagniigan sa Panginoon niya: "O Aaron, maging kahalili ka sa akin sa mga tao at magsaayos ka sa nauukol sa kanila sa pamamagitan ng kagandahan ng pamamahala at kalumayan sa kanila. Huwag kang tumahak sa daan ng mga tagatiwali sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at huwag kang maging tagatulong para sa mga tagasuway." info
التفاسير:

external-link copy
143 : 7

وَلَمَّا جَآءَ مُوسَىٰ لِمِيقَٰتِنَا وَكَلَّمَهُۥ رَبُّهُۥ قَالَ رَبِّ أَرِنِيٓ أَنظُرۡ إِلَيۡكَۚ قَالَ لَن تَرَىٰنِي وَلَٰكِنِ ٱنظُرۡ إِلَى ٱلۡجَبَلِ فَإِنِ ٱسۡتَقَرَّ مَكَانَهُۥ فَسَوۡفَ تَرَىٰنِيۚ فَلَمَّا تَجَلَّىٰ رَبُّهُۥ لِلۡجَبَلِ جَعَلَهُۥ دَكّٗا وَخَرَّ مُوسَىٰ صَعِقٗاۚ فَلَمَّآ أَفَاقَ قَالَ سُبۡحَٰنَكَ تُبۡتُ إِلَيۡكَ وَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Noong dumating si Moises para sa pakikipagniigan sa Panginoon nito sa tipanang pinagpasyahan, na ganap na apatnapung gabi, kinausap ito ng Panginoon nito hinggil sa mga pag-uutos, mga pagsaway, at iba pa. Nanabik ang sarili nito na makakita sa Panginoon nito kaya humiling ito sa Kanya na tumingin sa mukha Niya. Sumagot dito si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at kapita-pitagan Siya: "Hindi ka makakikita sa Akin sa buhay na pangmundo dahil sa kawalan ng kakayahan mo roon, subalit tumingin ka sa bundok kapag lumantad Ako roon. Kung namalagi iyon sa lugar niyon nang hindi naaapektuhan, makakikita ka sa Akin. Kung iyon ay naging kapantay ng lupa, hindi ka makakikita sa Akin sa Mundo." Kaya noong lumantad si Allāh sa bundok, ginawa Niya iyon na kapantay ng lupa at bumagsak si Moises nang walang-malay. Noong nagkamalay ito mula sa kawalang-malay na tumama rito ay nagsabi ito: "Nagpapawalang-kapintasan ako sa Iyo, O Panginoon ko, sa isang pagpapawalang-kapintasan sa bawat anumang hindi naaangkop sa Iyo. Heto ako, nagbabalik-loob sa Iyo dahil sa paghiling ko sa Iyo na makita Ka sa Mundo. Ako ay una sa mga mananampalataya mula sa mga kalipi ko." info
التفاسير:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• تؤكد الأحداث أن بني إسرائيل كانوا ينتقلون من ضلالة إلى أخرى على الرغم من وجود نبي الله موسى بينهم.
Nagbibigay-diin ang mga pangyayari na ang mga anak ni Israel noon ay nagpapalipat-lipat mula sa isang kaligawan tungo sa isa pa sa kabila ng kairalan ng propeta ni Allāh na si Moises sa gitna nila. info

• من مظاهر خذلان الأمة أن تُحَسِّن القبيح، وتُقَبِّح الحسن بمجرد الرأي والأهواء.
Kabilang sa mga paghahayag ng pagkakanulo ng kalipunan ay na magpaganda ito ng pangit at magpapangit ito ng maganda sa pamamagitan lamang ng pananaw at mga pithaya. info

• إصلاح الأمة وإغلاق أبواب الفساد هدف سام للأنبياء والدعاة.
Ang pagsasaayos sa kalipunan at ang pagsasara sa mga pinto ng mga katiwalian ay isang matayog na layunin para sa mga propeta at mga mangangaral ng Islām. info

• قضى الله تعالى ألا يراه أحد من خلقه في الدنيا، وسوف يكرم من يحب من عباده برؤيته في الآخرة.
Nagtadhana si Allāh – pagkataas-taas Siya – na hindi makakita sa Kanya ang isa sa mga nilikha Niya sa Mundo. Magpaparangal Siya sa sinumang iniibig Niya sa mga lingkod Niya sa pamamagitan ng pagkakita sa Kanya sa Kabilang-buhay. info