Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran

Numéro de la page:close

external-link copy
84 : 5

وَمَا لَنَا لَا نُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَمَا جَآءَنَا مِنَ ٱلۡحَقِّ وَنَطۡمَعُ أَن يُدۡخِلَنَا رَبُّنَا مَعَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلصَّٰلِحِينَ

May aling dahilan na humaharang sa pagitan natin at ng pananampalataya kay Allāh at sa pinababa Niya na katotohanang inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – samantalang tayo ay umaasa sa pagpasok sa Paraiso kasama sa mga propeta at mga tagasunod nilang mga tumatalima kay Allāh, na mga nangangamba sa parusa Niya? info
التفاسير:

external-link copy
85 : 5

فَأَثَٰبَهُمُ ٱللَّهُ بِمَا قَالُواْ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Kaya gumanti sa kanila si Allāh sa pagsampalataya nila at pag-amin nila sa katotohanan ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito bilang mga namamalagi sa mga ito magpakailanman. Iyon ay ang ganti sa mga tagagawa ng maganda sa pagsunod nila sa katotohanan at pagpapaakay nila rito nang walang pasubali o kundisyon. info
التفاسير:

external-link copy
86 : 5

وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, at nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh na pinababa Niya sa Sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga mananatili sa Apoy na naglalagablab; hindi sila makalalabas mula roon magpakailanman. info
التفاسير:

external-link copy
87 : 5

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُحَرِّمُواْ طَيِّبَٰتِ مَآ أَحَلَّ ٱللَّهُ لَكُمۡ وَلَا تَعۡتَدُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُعۡتَدِينَ

O mga sumampalataya, huwag kayong magbawal ng mga minamasarap na pinapayagan gaya ng mga pagkain, mga inumin, at mga pag-aasawa. Huwag kayong magbawal ng mga ito dala ng pagkakasya sa kaunti o pagkamananamba. Huwag kayong lumampas sa mga hangganan ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya, bagkus napupuot Siya sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
88 : 5

وَكُلُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ حَلَٰلٗا طَيِّبٗاۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ أَنتُم بِهِۦ مُؤۡمِنُونَ

Kumain kayo mula sa inakay ni Allāh sa inyo mula sa panustos Niya sa kalagayan ng pagiging ipinahintulot na kaaya-aya nito, hindi kung ito ay ipinagbabawal gaya ng nakuha dahil sa pangangamkam o sa minamasamang paraan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya ang sinasampalatayanan ninyo at ang pananampalataya ninyo sa Kanya ay nag-oobliga sa inyo na mangilag kayong magkasala sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
89 : 5

لَا يُؤَاخِذُكُمُ ٱللَّهُ بِٱللَّغۡوِ فِيٓ أَيۡمَٰنِكُمۡ وَلَٰكِن يُؤَاخِذُكُم بِمَا عَقَّدتُّمُ ٱلۡأَيۡمَٰنَۖ فَكَفَّٰرَتُهُۥٓ إِطۡعَامُ عَشَرَةِ مَسَٰكِينَ مِنۡ أَوۡسَطِ مَا تُطۡعِمُونَ أَهۡلِيكُمۡ أَوۡ كِسۡوَتُهُمۡ أَوۡ تَحۡرِيرُ رَقَبَةٖۖ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ ثَلَٰثَةِ أَيَّامٖۚ ذَٰلِكَ كَفَّٰرَةُ أَيۡمَٰنِكُمۡ إِذَا حَلَفۡتُمۡۚ وَٱحۡفَظُوٓاْ أَيۡمَٰنَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Hindi magtutuos sa inyo si Allāh, O mga mananampalataya, sa nangyayari sa mga dila ninyo na panunumpa nang hindi sadyaan. Magtutuos lamang Siya sa inyo dahil sa [panunumpang] nagpasya kayo niyon, nagbigkis kayo sa mga puso [ninyo] roon, at nagsinungaling kayo [matapos ng panunumpa]. Kaya papawi Siya sa inyo ng kasalanan ng pinagpasyahan ninyo na mga panunumpa at binigkas ninyo nang nagsinungaling kayo. [Ang panakip-sala ay] isa sa tatlong bagay ayon sa pipiliin: ang pagpapakain sa sampung dukha ng katamtaman sa pagkain ng mga naninirahan sa bayan ninyo: para sa bawat dukha ay kalahating Sā`, o ang pagpapadamit sa kanila ng itinuturing sa kaugalian bilang damit, o ang pagpapalaya sa isang aliping mananampalataya. Ngunit kapag hindi nakatagpo ang nagtatakip-sala sa panunumpa niya ng isa sa tatlong bagay na ito, magtatakip-sala siya rito sa pamamagitan ng pag-aayuno nang tatlong araw. Ang nabanggit na iyon ay panakip-sala sa mga panunumpa ninyo, O mga mananampalataya, kapag nanumpa kayo kay Allāh at nagsinungaling kayo [matapos ng panunumpa]. Mangalaga kayo sa mga panunumpa ninyo laban sa pagsumpa kay Allāh nang pasinungaling, laban sa kadalasan ng panunumpa kay Allāh, at laban sa kawalan ng pagtupad sa panunumpa hanggat ang kawalan ng pagtupad ay hindi mabuti. Kaya gumawa kayo ng kabutihan at magtakip-sala kayo sa mga panunumpa ninyo gaya ng nilinaw ni Allāh sa inyo na panakip-sala sa mga [sinirang] panunumpa. Naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga kahatulan Niyang tagapaglinaw sa ipinahihintulot at ipinagbabawal, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh dahil nagturo Siya sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman. info
التفاسير:

external-link copy
90 : 5

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّمَا ٱلۡخَمۡرُ وَٱلۡمَيۡسِرُ وَٱلۡأَنصَابُ وَٱلۡأَزۡلَٰمُ رِجۡسٞ مِّنۡ عَمَلِ ٱلشَّيۡطَٰنِ فَٱجۡتَنِبُوهُ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ

O mga sumampalataya, ang nakalalasing na nag-aalis ng isip, ang sugal na naglalaman ng taya ng dalawang panig, ang mga bato na nagkakatay sa tabi ng mga ito ang mga tagapagtambal bilang pagdakila sa mga ito o nagtatayo sila ng mga ito para sa pagsamba sa mga ito, at ang mga patpat ng palaso na sila noon ay humihiling sa pamamagitan ng mga ito kung ano ang ibinahagi sa kanila mula sa Lingid [sa kanila], ang lahat ng iyon ay kasalanan mula sa panghahalina ng demonyo, kaya lumayo kayo sa kanya, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng isang buhay na marangal sa Mundo at ng kaginhawahan sa Paraiso sa Kabilang-buhay. info
التفاسير:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• الأمر بتوخي الطيب من الأرزاق وترك الخبيث.
Ang pag-uutos sa paglalayon ng kaaya-aya sa mga panustos at pag-iwan sa karima-rimarin. info

• عدم المؤاخذة على الحلف عن غير عزم للقلب، والمؤاخذة على ما كان عن عزم القلب ليفعلنّ أو لا يفعلنّ.
Ang kawalan ng paninisi sa panunumpang dala ng hindi pagpapasya ng puso at ang paninisi sa anumang buhat sa pagpapasya ng puso na talagang gagawin nga o hindi nga gagawin. info

• بيان أن كفارة اليمين: إطعام عشرة مساكين، أو كسوتهم، أو عتق رقبة مؤمنة، فإذا لم يستطع المكفِّر عن يمينه الإتيان بواحد من الأمور السابقة، فليكفِّر عن يمينه بصيام ثلاثة أيام.
Ang paglilinaw na ang panakip-sala sa panunumpa ay ang pagpapakain ng sampung dukha o ang pagpapadamit sa kanila o ang pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya, ngunit kapag hindi nakakaya ang nagtatakip-sala sa panunumpa niya sa pagsasagawa sa iisa man sa mga naunang gawain ay magtakip-sala siya sa panunumpa niya sa pamamagitan ng pag-ayuno nang tatlong araw. info

• قوله تعالى: ﴿... إنَّمَا الْخَمْرُ ...﴾ هي آخر آية نزلت في الخمر، وهي نص في تحريمه.
Ang sabi Niya – pagkataas-taas Siya: "...ang alak..." ay ang kahuli-hulihang talatang bumaba kaugnay sa alak. Ito ay isang teksto sa pagbabawal nito. info