Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran

Numéro de la page:close

external-link copy
50 : 40

قَالُوٓاْ أَوَلَمۡ تَكُ تَأۡتِيكُمۡ رُسُلُكُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِۖ قَالُواْ بَلَىٰۚ قَالُواْ فَٱدۡعُواْۗ وَمَا دُعَٰٓؤُاْ ٱلۡكَٰفِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَٰلٍ

Magsasabi ang mga tanod ng Impiyerno bilang tugon sa mga tagatangging sumampalataya: "Hindi ba dati nagdadala sa inyo ang mga sugo ninyo ng mga patotoo at mga patunay na maliwanag?" Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Oo; sila dati ay nagdadala sa amin ng mga patotoo at mga patunay na maliwanag." Magsasabi ang mga tanod bilang pang-uuyam sa kanila: "Kaya dumalangin kayo mismo, ngunit kami ay hindi namamagitan para sa mga tagatangging sumampalataya." Walang [kahahantungan] ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi sa isang kawalang-saysay at isang pagkasayang dahil sa hindi pagtanggap nito mula sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. info
التفاسير:

external-link copy
51 : 40

إِنَّا لَنَنصُرُ رُسُلَنَا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَيَوۡمَ يَقُومُ ٱلۡأَشۡهَٰدُ

Tunay na Kami ay talagang nag-aadya sa mga sugo Namin at mga sumampalataya sa Amin at sa mga sugo sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapangibabaw sa katwiran nila at ng pag-alalay sa kanila laban sa mga kaaway nila, at mag-aadya sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanila sa Paraiso at sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga kaalitan nila sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapasok sa mga iyon sa Apoy matapos na sumaksi ang mga propeta, ang mga anghel, at ang mga mananampalataya sa pagkaganap ng pagpapaabot [ng mensahe] at pagpapasinungaling ng mga kalipunan [sa mensahe]. info
التفاسير:

external-link copy
52 : 40

يَوۡمَ لَا يَنفَعُ ٱلظَّٰلِمِينَ مَعۡذِرَتُهُمۡۖ وَلَهُمُ ٱللَّعۡنَةُ وَلَهُمۡ سُوٓءُ ٱلدَّارِ

[Iyon ay] sa Araw na hindi magpapakinabang sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ang pagdadahi-dahilan nila sa kawalang-katarungan nila. Ukol sa kanila sa Araw na iyon ang pagtataboy mula sa awa ni Allāh at ukol sa kanila ang kasagwaan ng tahanan sa Kabilang-buhay dahil sa daranasin nila na pagdurusang masakit. info
التفاسير:

external-link copy
53 : 40

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡهُدَىٰ وَأَوۡرَثۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱلۡكِتَٰبَ

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kaalamang napapatnubayan sa pamamagitan nito ang mga anak ni Israel tungo sa katotohanan. Ginawa Namin ang Torah bilang kasulatang minamana-mana sa mga anak ni Israel, na minamana ng isang salinlahi matapos ng isang salinlahi info
التفاسير:

external-link copy
54 : 40

هُدٗى وَذِكۡرَىٰ لِأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ

bilang kapatnubayan tungo sa daan ng katotohanan at bilang pagpapaalaala para sa mga may matinong pag-iisip. info
التفاسير:

external-link copy
55 : 40

فَٱصۡبِرۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لِذَنۢبِكَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ بِٱلۡعَشِيِّ وَٱلۡإِبۡكَٰرِ

Kaya magtiis ka, O Sugo, sa dinaranas mo na pagpapasinungaling ng mga kalipi mo at pananakit nila; tunay na ang pangako ni Allāh sa iyo ng pag-aadya at pag-alalay ay totoong walang mapag-aalinlanganan dito. Humiling ka ng kapatawaran sa pagkakasala mo at magluwalhati ka kalakip ng pagpupuri sa Panginoon mo sa simula ng maghapon at wakas nito. info
التفاسير:

external-link copy
56 : 40

إِنَّ ٱلَّذِينَ يُجَٰدِلُونَ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ بِغَيۡرِ سُلۡطَٰنٍ أَتَىٰهُمۡ إِن فِي صُدُورِهِمۡ إِلَّا كِبۡرٞ مَّا هُم بِبَٰلِغِيهِۚ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ

Tunay na ang mga nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh dala ng pagsisikap para sa pagpapabula sa mga ito nang walang isang katwiran ni isang patotoo na dumating sa kanila mula sa ganang kay Allāh ay walang nag-uudyok sa kanila roon kundi ang pagnanais ng pagmamataas at pagpapakamalaki laban sa katotohanan. Hindi sila aabot sa ninanais nila na pagmamataas laban doon. Kaya magpasanggalang ka, O Sugo, kay Allāh; tunay na Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga ginagawa nila: walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
info
التفاسير:

external-link copy
57 : 40

لَخَلۡقُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ أَكۡبَرُ مِنۡ خَلۡقِ ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

Talagang ang pagkakalikha sa mga langit at lupa, dahil sa kalakihan ng mga ito at pagkalawak ng mga ito, ay higit na mabigat kaysa sa pagkalikha sa mga tao. Kaya ang lumikha sa mga ito sa kabila ng laki ng mga ito ay nakakakaya sa pagpapabangon sa mga patay mula sa mga libingan nila bilang mga buhay upang tumuos sa kanila at gumanti sa kanila, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam kaya hindi sila nagsasaalang-alang dito at hindi gumagawa rito bilang patunay sa pagkabuhay na muli sa kabila ng kaliwanagan nito. info
التفاسير:

external-link copy
58 : 40

وَمَا يَسۡتَوِي ٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡبَصِيرُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَلَا ٱلۡمُسِيٓءُۚ قَلِيلٗا مَّا تَتَذَكَّرُونَ

Hindi nagkakapantay ang hindi nakakikita at ang nakakikita. Hindi nagkakapantay ang mga sumampalataya kay Allāh, nagpatotoo sa mga sugo Niya, at nagpaganda ng mga gawa nila at ang nagpapasagwa ng gawa nila dahil sa paniniwalang tiwali at mga pagsuway. Hindi kayo nagsasaalaala kundi nang kaunti yayamang kung sakaling nagsaalaala kayo ay talaga sanang nalaman ninyo ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang pangkat upang magsikap kayo na kayo ay maging kabilang sa mga sumampalataya at gumawa ng mga gawang maayos dala ng pagkaibig sa kaluguran ni Allāh. info
التفاسير:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• نصر الله لرسله وللمؤمنين سُنَّة إلهية ثابتة.
Ang pag-aadya ni Allāh sa mga sugo Niya at mga mananampalataya ay isang kalakarang pandiyos na matatag. info

• اعتذار الظالم يوم القيامة لا ينفعه.
Ang pagdadahi-dahilan ng tagalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon ay hindi magpapakinabang sa kanya. info

• أهمية الصبر في مواجهة الباطل.
Ang kahalagahan ng pagtitiis sa pagharap sa kabulaanan. info

• دلالة خلق السماوات والأرض على البعث؛ لأن من خلق ما هو عظيم قادر على إعادة الحياة إلى ما دونه.
Ang pahiwatig ng pagkakalikha sa mga langit at lupa sa pagbubuhay na muli dahil sa ang lumikha sa isang dakilang bagay ay nakakakaya sa pagpapanumbalik ng buhay sa isang mababa pa roon. info