Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango.

Tonngoode hello ngoo:close

external-link copy
23 : 3

أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يُدۡعَوۡنَ إِلَىٰ كِتَٰبِ ٱللَّهِ لِيَحۡكُمَ بَيۡنَهُمۡ ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٞ مِّنۡهُمۡ وَهُم مُّعۡرِضُونَ

Hindi ka ba tumingin, O Propeta, sa kalagayan ng mga Hudyo na binigyan ni Allāh ng isang bahagi mula sa kaalaman sa pamamagitan ng Torah at ng nagpatunay sa pagkapropeta mo? Inanyayahan sila tungo sa pagbalik sa Kasulatan ni Allāh, ang Torah, upang magpasya Siya sa pagitan nila hinggil sa pinagkakaiba-iba nila, pagkatapos lumilisan ang isang pangkat kabilang sa mga maalam nila at mga pinuno nila habang sila ay mga umaayaw sa kahatulan Niya yayamang hindi umayon sa mga pithaya nila. Ang karapat-dapat sa kanila, yayamang sila ay nag-aangkin ng pagsunod nila sa Kanya, ay maging pinakamabilis sa mga tao sa pagpapahatol sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 3

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَالُواْ لَن تَمَسَّنَا ٱلنَّارُ إِلَّآ أَيَّامٗا مَّعۡدُودَٰتٖۖ وَغَرَّهُمۡ فِي دِينِهِم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ

Ang pagkalihis na iyon palayo sa katotohanan at ang pag-ayaw roon ay dahil sila noon ay nag-aangkin na ang Apoy ay hindi sasaling sa kanila sa Araw ng Pagbangon malibang sa kakaunting araw, pagkatapos papasok sila sa Paraiso. Kaya luminlang sa kanila ang palagay na ito na nilikha-likha nila mula sa mga kasinungalingan at mga kabulaanan kaya naglakas-loob sila laban kay Allāh at sa relihiyon Niya. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 3

فَكَيۡفَ إِذَا جَمَعۡنَٰهُمۡ لِيَوۡمٖ لَّا رَيۡبَ فِيهِ وَوُفِّيَتۡ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

Kaya papaano magiging ang kalagayan nila at ang pagsisisi nila? Magiging isang kalubus-lubusan sa kasagwaan ito kapag nagtipon Kami sa kanila para sa pagtutuos sa Araw na walang duda hinggil doon, ang Araw ng Pagbangon, at binigyan ang bawat kaluluwa ng ganti sa anumang ginawa nito ayon sa halaga na magiging karapat-dapat ito, nang walang paglabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa magandang gawa nito at pagdagdag sa masagwang nagawa nito. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 3

قُلِ ٱللَّهُمَّ مَٰلِكَ ٱلۡمُلۡكِ تُؤۡتِي ٱلۡمُلۡكَ مَن تَشَآءُ وَتَنزِعُ ٱلۡمُلۡكَ مِمَّن تَشَآءُ وَتُعِزُّ مَن تَشَآءُ وَتُذِلُّ مَن تَشَآءُۖ بِيَدِكَ ٱلۡخَيۡرُۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Sabihin mo, O Sugo, habang nagbubunyi sa Panginoon mo at nagdadakila sa Kanya: "O Allāh, Ikaw ang Tagapagmay-ari ng paghahari sa kabuuan nito sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagbibigay Ka ng paghahari sa sinumang niloloob Mo kabilang sa nilikha Mo at nag-aalis Ka ng paghahari mula sa sinuman niloloob Mo. Nagpaparangal Ka sa sinumang niloloob Mo kabilang sa kanila at nang-aaba Ka sa sinumang niloloob Mo. Lahat ng iyon ay ayon sa karunungan Mo at katarungan Mo. Nasa kamay Mo lamang ang kabutihan sa kabuuan nito. Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 3

تُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَتُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِۖ وَتُخۡرِجُ ٱلۡحَيَّ مِنَ ٱلۡمَيِّتِ وَتُخۡرِجُ ٱلۡمَيِّتَ مِنَ ٱلۡحَيِّۖ وَتَرۡزُقُ مَن تَشَآءُ بِغَيۡرِ حِسَابٖ

Bahagi ng mga paglalantad sa kapangyarihan Mo ay na Ikaw ay nagpapasok ng gabi sa maghapon kaya humahaba ang oras ng maghapon at nagpapasok ng maghapon sa gabi kaya humahaba ang oras ng gabi, nagpapalabas ng buhay mula sa patay gaya ng pagpapalabas ng mananampalataya mula sa tagatangging sumampalataya at ng pananim mula sa butil, nagpapalabas ng patay mula sa buhay gaya ng tagatangging sumampalataya mula sa mananampalataya at ng itlog mula sa manok, at nagtutustos sa sinumang niloloob Mo ng isang panustos na malawak nang walang pagtutuos at pagbibilang. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 3

لَّا يَتَّخِذِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ فَلَيۡسَ مِنَ ٱللَّهِ فِي شَيۡءٍ إِلَّآ أَن تَتَّقُواْ مِنۡهُمۡ تُقَىٰةٗۗ وَيُحَذِّرُكُمُ ٱللَّهُ نَفۡسَهُۥۗ وَإِلَى ٱللَّهِ ٱلۡمَصِيرُ

Huwag kayong gumawa, O mga mananampalataya, sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik na iibigin ninyo at iaadya ninyo bukod pa sa mga mananampalataya. Ang sinumang gagawa niyon ay nagpawalang-kaugnayan nga kay Allāh at nagpawalang-kaugnayan si Allāh sa kanya, maliban na kayo ay maging nasa ilalim ng kapamahalaan nila para mangamba kayo sa kanila para sa mga sarili ninyo, at wala namang pagkaasiwa na mangilag kayo sa pananakit nila sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabanayaran sa pananalita at kabaitan sa mga gawa kalakip ng pagkukubli ng pagkamuhi sa kanila. Nagbibigay-babala sa inyo si Allāh sa sarili Niya kaya mangamba kayo sa Kanya at huwag kayong lumantad sa galit Niya sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway. Tungo kay Allāh lamang ang pagbabalik ng mga tao sa Araw ng Pagbangon para sa pagganti sa kanila sa mga gawain nila. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 3

قُلۡ إِن تُخۡفُواْ مَا فِي صُدُورِكُمۡ أَوۡ تُبۡدُوهُ يَعۡلَمۡهُ ٱللَّهُۗ وَيَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Sabihin mo, O Propeta: "Kung magkukubli kayo ng anumang nasa mga dibdib ninyo kabilang sa sinaway sa inyo ni Allāh gaya ng pagtangkilik sa mga tagatangging sumampalataya o maglalantad kayo niyon, makaaalam niyon ni Allāh at walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman." info
التفاسير:
Ina jeyaa e nafoore aayeeje ɗee e ngol hello:
• أن التوفيق والهداية من الله تعالى، والعلم - وإن كثر وبلغ صاحبه أعلى المراتب - إن لم يصاحبه توفيق الله لم ينتفع به المرء.
Na ang pagtutuon at ang kapatnubayan ay mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Ang kaalaman – kahit pa dumami ito at umabot ang nagtataglay nito sa pinakamataas sa mga antas – kung hindi lumakip dito ang pagtutuon ni Allāh, hindi makikinabang dito ang tao. info

• أن الملك لله تعالى، فهو المعطي المانع، المعز المذل، بيده الخير كله، وإليه يرجع الأمر كله، فلا يُسأل أحد سواه.
Na ang paghahari ay sa kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sapagkat Siya ay ang Tagapagbigay, ang Tagapagkait, ang Tagapagparangal, at ang Tagapag-aba. Nasa kamay Niya ang kabutihan sa kabuuan nito at sa Kanya babalik ang usapin sa kabuuan nito kaya walang hihilingang isa mang iba sa Kanya. info

• خطورة تولي الكافرين، حيث توعَّد الله فاعله بالبراءة منه وبالحساب يوم القيامة.
Ang panganib ng pagpapatangkilik sa mga tagatangging sumampalataya yayamang nagbanta si Allāh sa gumagawa nito ng kawalang-kaugnayan sa Kanya at ng pagtutuos sa Araw ng Pagbangon. info