Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango.

Tonngoode hello ngoo:close

external-link copy
122 : 3

إِذۡ هَمَّت طَّآئِفَتَانِ مِنكُمۡ أَن تَفۡشَلَا وَٱللَّهُ وَلِيُّهُمَاۗ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ

Banggitin mo, O Propeta, ang naganap sa dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya mula sa liping Salimah at liping Ḥārithah nang nanghina sila at nagbalak sila ng pagbalik nang bumalik ang mga mapagpaimbabaw samantalang si Allāh ay Tagaadya ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapatatag sa kanila sa labanan at pagbaling sa kanila palayo sa binalak nila. Sa kay Allāh lamang ay umaasa ang mga mananampalataya sa lahat ng mga kalagayan nila. info
التفاسير:

external-link copy
123 : 3

وَلَقَدۡ نَصَرَكُمُ ٱللَّهُ بِبَدۡرٖ وَأَنتُمۡ أَذِلَّةٞۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh laban sa mga tagapagtambal sa labanan sa Badr habang kayo ay mga minamahina, at iyon ay dahil sa kakauntian ng bilang ninyo at mga kasangkapan ninyo; kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa mga biyaya Niya sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
124 : 3

إِذۡ تَقُولُ لِلۡمُؤۡمِنِينَ أَلَن يَكۡفِيَكُمۡ أَن يُمِدَّكُمۡ رَبُّكُم بِثَلَٰثَةِ ءَالَٰفٖ مِّنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ مُنزَلِينَ

Banggitin mo, O Propeta, nang nagsabi ka sa mga mananampalataya habang nagpapatatag sa kanila sa labanan sa Badr matapos na nakarinig sila ng ayudang darating sa mga tagapagtambal: "Hindi ba sasapat sa inyo na tumulong sa inyo ang Panginoon ninyo ng tatlong libong anghel, na mga pinabababa mula sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – para sa pagpapalakas sa inyo sa pakikipaglaban ninyo? info
التفاسير:

external-link copy
125 : 3

بَلَىٰٓۚ إِن تَصۡبِرُواْ وَتَتَّقُواْ وَيَأۡتُوكُم مِّن فَوۡرِهِمۡ هَٰذَا يُمۡدِدۡكُمۡ رَبُّكُم بِخَمۡسَةِ ءَالَٰفٖ مِّنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ مُسَوِّمِينَ

Oo; tunay na iyon ay sasapat sa inyo. Ukol sa inyo ay isang nakagagalak na balita hinggil sa iba pang tulong mula kay Allāh. Kung magtitiis kayo sa pakikipaglaban, mangingilag kayong magkasala kay Allāh, at darating ang ayuda sa mga kaaway ninyo nang daglian, na mga nagmamadali patungo sa inyo, kung mangyayari iyon, tunay na ang Panginoon ninyo ay tutulong sa inyo ng limang libong anghel na mga tinatakan ang mga sarili nila at ang mga kabayo nila ng mga tandang nakalitaw. info
التفاسير:

external-link copy
126 : 3

وَمَا جَعَلَهُ ٱللَّهُ إِلَّا بُشۡرَىٰ لَكُمۡ وَلِتَطۡمَئِنَّ قُلُوبُكُم بِهِۦۗ وَمَا ٱلنَّصۡرُ إِلَّا مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ

Hindi gumawa si Allāh ng tulong na ito at pag-ayudang ito sa pamamagitan ng mga anghel malibang bilang isang balitang nakatutuwa para sa inyo, na mapapanatag ang mga puso ninyo dahil dito. Kung hindi, tunay na ang pagwawagi, sa katotohanan, ay hindi mangyayari dahil sa payak na mga kadahilanang hayag na ito. Ang pagwawagi lamang, sa totoo, ay mula sa ganang kay Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa pagtatakda Niya at pagbabatas Niya, info
التفاسير:

external-link copy
127 : 3

لِيَقۡطَعَ طَرَفٗا مِّنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَوۡ يَكۡبِتَهُمۡ فَيَنقَلِبُواْ خَآئِبِينَ

Ang pagwawaging ito na naisakatuparan para sa inyo sa paglusob sa Badr ay ninais ni Allāh sa pamamagitan nito na lumipol Siya ng isang pangkat mula sa mga tumangging sumampalataya sa pamamagitan ng pagpatay, manghiya Siya ng isa pang pangkat, at magpangitngit Siya sa kanila dahil sa pagkatalo nila para bumalik sila sa kabiguan at kahamakan. info
التفاسير:

external-link copy
128 : 3

لَيۡسَ لَكَ مِنَ ٱلۡأَمۡرِ شَيۡءٌ أَوۡ يَتُوبَ عَلَيۡهِمۡ أَوۡ يُعَذِّبَهُمۡ فَإِنَّهُمۡ ظَٰلِمُونَ

Noong dumalangin ang Sugo laban sa mga pinuno ng mga tagapagtambal ng kapahamakan matapos ng naganap sa kanila sa Uḥud ay nagsabi si Allāh sa kanya: "Walang ukol sa iyo mula sa pagpapasya nila na anuman." Bagkus ang usapin ay ukol kay Allāh, kaya magtiis ka hanggang sa humatol si Allāh sa pagitan ninyo o magtuon Siya sa kanila sa pagbabalik-loob para yumakap sila sa Islām, o magpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila kaya pagdurusahin Niya sila sapagkat tunay na sila ay mga tagalabag sa katarungan, na mga karapat-dapat sa pagdurusa. info
التفاسير:

external-link copy
129 : 3

وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ يَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa, sa paglikha at pangangasiwa. Nagpapatawad Siya sa mga pagkakasala para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya dahil sa awa Niya at nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya dahil sa katarungan Niya. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
130 : 3

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَأۡكُلُواْ ٱلرِّبَوٰٓاْ أَضۡعَٰفٗا مُّضَٰعَفَةٗۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, umiwas kayo sa pagkuha ng patubo bilang karagdagang pinag-ibayo sa mga puhunan ninyo na ipinautang ninyo gaya ng ginagawa ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng hinihiling ninyong kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay. info
التفاسير:

external-link copy
131 : 3

وَٱتَّقُواْ ٱلنَّارَ ٱلَّتِيٓ أُعِدَّتۡ لِلۡكَٰفِرِينَ

Maglagay kayo ng isang pananggalang sa pagitan ninyo at ng Apoy na inihanda ni Allāh para sa mga tagatangging sumasampalataya. Iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga maayos at pag-iwan sa mga ipinagbabawal. info
التفاسير:

external-link copy
132 : 3

وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَٱلرَّسُولَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ

Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga sinasaway, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng awa sa Mundo at Kabilang-buhay. info
التفاسير:
Ina jeyaa e nafoore aayeeje ɗee e ngol hello:
• مشروعية التذكير بالنعم والنقم التي تنزل بالناس حتى يعتبر بها المرء.
Ang pagkaisinasabatas ng pagpapaalaala sa mga pagpapala at mga pagkainis [ni Allāh] na bumababa sa mga tao upang magsaalang-alang sa mga ito ang tao. info

• من أعظم أسباب تَنَزُّل نصر الله على عباده ورحمته ولطفه بهم: التزامُ التقوى، والصبر على شدائد القتال.
Kabilang sa pinakamabigat sa mga kadahilanan ng pagbabaan ng pag-aadya ni Allāh sa mga lingkod Niya, awa Niya, at kabaitan Niya sa kanila ay ang pananatili sa pangingilag sa pagkakasala at ang pagtitiis sa mga pasakit ng pakikipaglaban. info

• الأمر كله لله تعالى، فيحكم بما يشاء، ويقضي بما أراد، والمؤمن الحق يُسَلم لله تعالى أمره، وينقاد لحكمه.
Ang pasya sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh – pagkataas-taas Siya – kaya humahatol Siya ng ayon sa niloloob Niya at humuhusga Siya ng ayon sa ninanais Niya. Ang mananampalatayang totoo ay nagpapasakop kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pasya Niya at nagpapaakay sa patakaran Niya. info

• الذنوب - ومنها الربا - من أعظم أسباب خِذلان العبد، ولا سيما في مواطن الشدائد والصعاب.
Ang mga pagkakasala – kabilang sa mga ito ang patubo – ay kabilang sa pinakamabigat na pagtatatwa sa tao lalo na sa mga kalagayan ng mga pasakit at mga pahirap. info

• مجيء النهي عن الربا بين آيات غزوة أُحد يشعر بشمول الإسلام في شرائعه وترابطها بحيث يشير إلى بعضها في وسط الحديث عن بعض.
Ang pagdating ng pagsaway laban sa patubo sa mga talata kaugnay sa pagsalakay sa Uḥud ay nagpaparamdam ng pagkamasaklaw ng Islām sa mga batas nito at pagkakaugnayan ng mga ito yayamang tumutukoy ito sa isang bahagi ng mga ito sa gitna ng pagtatalakay tungkol sa iba pang bahagi. info