Ang mga sumampalataya at hindi naghalo sa pananampalataya nila ng isang kawalang-katarungan [ng pagtatambal], ang mga iyon ay ukol sa kanila ang katiwasayan at sila ay mga napapatnubayan.
Iyon ay ang katwiran Namin; nagbigay Kami nito kay Abraham laban sa mga kalipi niya. Nag-aangat Kami ng mga antas ng sinumang niloloob Namin. Tunay na ang Panginoon mo ay Marunong, Maalam.
Nagkaloob Kami sa kanya kina Isaac at Jacob, na sa bawat isa ay nagpatnubay Kami. Kay Noe ay nagpatnubay Kami bago pa niyan at sa kabilang sa mga supling niyang sina David, Solomon, Job, Jose, Moises, at Aaron. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
[Nagpatnubay Kami] sa kabilang sa mga ama nila, mga supling nila, at mga kapatid nila. Humirang Kami sa kanila at nagpatnubay Kami sa kanila tungo sa isang landasing tuwid.
Iyon ay patnubay ni Allāh; nagpapatnubay Siya sa pamamagitan niyon sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kung sakaling nagtambal sila ay talaga sanang nawalang-kabuluhan para sa kanila ang dati nilang ginagawa.
Ang mga iyon ay ang mga binigyan Namin ng Kasulatan, dunong, at pagkapropeta; ngunit kung tatangging sumampalataya sa mga iyan ang mga ito, naipagkatiwala na Namin ang mga iyan sa mga tao[5] na sa mga iyan ay hindi mga tagatangging sumampalataya.
[5] Ang mga taong ito ay ang mga Kasamahan ng Propeta na taga-Makkah na lumikas sa Madīnah, na tinawag na Muhājirūn, at ang mga Kasamahan niya na taga-Madīnah, na tinawag na Anṣār, na nag-adya sa mga lumikas.
Ang mga iyon ay ang mga pinatnubayan ni Allāh [sa Islām], kaya sa patnubay nila ay tumulad ka. Sabihin mo: “Hindi ako nanghihingi sa inyo dahil dito ng isang pabuya; walang iba ito kundi isang pagpapaalaala para sa mga nilalang.”