Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center

Page Number:close

external-link copy
71 : 15

قَالَ هَٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِيٓ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ

Nagsabi siya: “Ang mga ito ay mga babaing anak ko [na mapakakasalan ninyo], kung kayo ay mga magsasagawa [ng pakikipagtalik].” info
التفاسير:

external-link copy
72 : 15

لَعَمۡرُكَ إِنَّهُمۡ لَفِي سَكۡرَتِهِمۡ يَعۡمَهُونَ

Sumpa man sa buhay mo, tunay na sila ay talagang nasa kalanguan nila habang nag-aapuhap sila. info
التفاسير:

external-link copy
73 : 15

فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُشۡرِقِينَ

Kaya dumaklot sa kanila ang sigaw nang sumisikat [sa kanila ang araw]. info
التفاسير:

external-link copy
74 : 15

فَجَعَلۡنَا عَٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن سِجِّيلٍ

Kaya gumawa Kami sa itaas ng mga [pamayanang] ito na maging ibaba ng [mga pamayanang] ito. Nagpaulan Kami sa kanila ng mga batong yari sa nanigas na luwad. info
التفاسير:

external-link copy
75 : 15

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡمُتَوَسِّمِينَ

Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga tagapaghinuha. info
التفاسير:

external-link copy
76 : 15

وَإِنَّهَا لَبِسَبِيلٖ مُّقِيمٍ

Tunay na [ang mga pamayanang] ito ay talagang nasa isang landas na nananatili. info
التفاسير:

external-link copy
77 : 15

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
78 : 15

وَإِن كَانَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ لَظَٰلِمِينَ

Tunay na noon ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan] ay talagang mga tagalabag sa katarungan. info
التفاسير:

external-link copy
79 : 15

فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ وَإِنَّهُمَا لَبِإِمَامٖ مُّبِينٖ

Kaya naghiganti Kami sa kanila. Tunay na ang dalawang [pamayanang] ito ay talagang nasa isang daanang malinaw. info
التفاسير:

external-link copy
80 : 15

وَلَقَدۡ كَذَّبَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡحِجۡرِ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

Talaga ngang nagpasinungaling ang mga mamamayan ng Batuhan sa mga isinugo. info
التفاسير:

external-link copy
81 : 15

وَءَاتَيۡنَٰهُمۡ ءَايَٰتِنَا فَكَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ

Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda Namin ngunit sila noon sa mga ito ay mga tagaayaw. info
التفاسير:

external-link copy
82 : 15

وَكَانُواْ يَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتًا ءَامِنِينَ

Sila noon ay lumililok mula sa mga bundok ng mga bahay bilang mga matiwasay. info
التفاسير:

external-link copy
83 : 15

فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُصۡبِحِينَ

Ngunit dumaklot sa kanila ang sigaw nang inumaga. info
التفاسير:

external-link copy
84 : 15

فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

Kaya walang naidulot para sa kanila ang anumang dating nakakamit nila. info
التفاسير:

external-link copy
85 : 15

وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَأٓتِيَةٞۖ فَٱصۡفَحِ ٱلصَّفۡحَ ٱلۡجَمِيلَ

Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan. Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating kaya magpalampas ka nang pagpapalampas na marilag. info
التفاسير:

external-link copy
86 : 15

إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلۡخَلَّٰقُ ٱلۡعَلِيمُ

Tunay na ang Panginoon mo ay ang Palalikha, ang Maalam. info
التفاسير:

external-link copy
87 : 15

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ سَبۡعٗا مِّنَ ٱلۡمَثَانِي وَٱلۡقُرۡءَانَ ٱلۡعَظِيمَ

Talaga ngang nagbigay Kami sa iyo ng pito mula mga inuulit-ulit at Dakilang Qur’ān. info
التفاسير:

external-link copy
88 : 15

لَا تَمُدَّنَّ عَيۡنَيۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّنۡهُمۡ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِلۡمُؤۡمِنِينَ

Huwag ka ngang magpatagal ng mga mata mo sa anumang ipinatamasa Namin na mga uri mula sa kanila, huwag kang malungkot sa kanila, magbaba ka ng loob mo para sa mga mananampalataya, info
التفاسير:

external-link copy
89 : 15

وَقُلۡ إِنِّيٓ أَنَا ٱلنَّذِيرُ ٱلۡمُبِينُ

magsabi ka: “Tunay na ako mismo ay ang mapagbabalang malinaw [ng pagdursa]” info
التفاسير:

external-link copy
90 : 15

كَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَى ٱلۡمُقۡتَسِمِينَ

gaya ng nagpababa Kami [ng kasulatan] sa mga nagkahati-hati, info
التفاسير: