Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
10 : 92

فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلۡعُسۡرَىٰ

magpapagaan Kami sa kanya sa paggawa ng kasamaan at magpapahirap Kami sa kanya sa paggawa ng kabutihan. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 92

وَمَا يُغۡنِي عَنۡهُ مَالُهُۥٓ إِذَا تَرَدَّىٰٓ

Ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya na nagmaramot siya nito kapag napahamak siya at pumasok sa Apoy? info
التفاسير:

external-link copy
12 : 92

إِنَّ عَلَيۡنَا لَلۡهُدَىٰ

Tunay na nasa Amin na maglinaw Kami ng daan ng katotohanan mula sa kabulaanan. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 92

وَإِنَّ لَنَا لَلۡأٓخِرَةَ وَٱلۡأُولَىٰ

Tunay na sa Amin ay talagang ang buhay na pangkabilang-buhay at ang buhay na pangmundo: gumagawa Kami sa dalawang ito ng niloloob Namin, at hindi iyon ukol sa isang iba pa sa Amin. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 92

فَأَنذَرۡتُكُمۡ نَارٗا تَلَظَّىٰ

Kaya nagbigay-babala Ako sa inyo, O mga tao, laban sa apoy na nagniningas kung kayo ay sumuway sa Akin. info
التفاسير:

external-link copy
15 : 92

لَا يَصۡلَىٰهَآ إِلَّا ٱلۡأَشۡقَى

Walang magdurusa sa init ng apoy na ito kundi ang pinakamalumbay, ang tagatangging sumampalataya, info
التفاسير:

external-link copy
16 : 92

ٱلَّذِي كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ

na nagpasinungaling sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at umayaw sa pagsunod sa utos ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 92

وَسَيُجَنَّبُهَا ٱلۡأَتۡقَى

Palalayuin doon ang pinakatagapangilag magkasala sa mga tao, si Abū Bakr – malugod si Allāh sa kanya, info
التفاسير:

external-link copy
18 : 92

ٱلَّذِي يُؤۡتِي مَالَهُۥ يَتَزَكَّىٰ

na gumugugol ng yaman niya sa mga uri ng pagpapakabuti upang magpakadalisay mula sa mga pagkakasala info
التفاسير:

external-link copy
19 : 92

وَمَا لِأَحَدٍ عِندَهُۥ مِن نِّعۡمَةٖ تُجۡزَىٰٓ

at hindi siya nagkakaloob ng ipinagkakaloob niya mula sa yaman niya upang tumumbas sa isang biyayang ibiniyaya ng isa sa kanya, info
التفاسير:

external-link copy
20 : 92

إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ وَجۡهِ رَبِّهِ ٱلۡأَعۡلَىٰ

hindi siya nagnanais sa ipinagkakaloob niya mula sa yaman niya maliban sa [ikalulugod] ng Mukha ng Panginoon niya, ang Nakatataas sa nilikha. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 92

وَلَسَوۡفَ يَرۡضَىٰ

Talagang malulugod siya sa ibibigay sa kanya ni Allāh na masaganang ganti. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• منزلة النبي صلى الله عليه وسلم عند ربه لا تدانيها منزلة.
Ang kalagayan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa ganang Panginoon niya ay hindi napapantayan ng isang kalagayan. info

• شكر النعم حقّ لله على عبده.
Ang pagpapasalamat sa mga biyaya ay tungkulin para kay Allāh ng lingkod Niya. info

• وجوب الرحمة بالمستضعفين واللين لهم.
Ang pagkakailangan ng pagkaawa sa mga sinisiil at ang kabanayaran sa kanila. info