Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
80 : 4

مَّن يُطِعِ ٱلرَّسُولَ فَقَدۡ أَطَاعَ ٱللَّهَۖ وَمَن تَوَلَّىٰ فَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ عَلَيۡهِمۡ حَفِيظٗا

Ang sinumang tumatalima sa Sugo sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos niya at pag-iwas sa sinaway niya ay tumugon nga sa utos ni Allāh. Ang sinumang umayaw sa pagtalima sa iyo, O Sugo, ay huwag kang malungkot sa kanya sapagkat hindi nagsugo sa iyo bilang tagamasid sa kanya, na nag-iingat ka sa mga gawain niya. Si Allāh lamang ang magbibilang sa gawain niya at tutuos sa kanya. info
التفاسير:

external-link copy
81 : 4

وَيَقُولُونَ طَاعَةٞ فَإِذَا بَرَزُواْ مِنۡ عِندِكَ بَيَّتَ طَآئِفَةٞ مِّنۡهُمۡ غَيۡرَ ٱلَّذِي تَقُولُۖ وَٱللَّهُ يَكۡتُبُ مَا يُبَيِّتُونَۖ فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلًا

Nagsasabi sa iyo ang mga mapagpaimbabaw sa pamamagitan ng mga dila nila: "Tumatalima kami sa utos mo at sumusunod kami rito." Ngunit kapag lumisan sila mula sa piling mo ay may nagpapanukala na isang lipon kabilang sa kanila sa paraang pakubli, bilang kasalungatan sa inilantad nila sa iyo. Si Allāh ay nakaaalam sa ipinanunukala nila. Gaganti Siya sa kanila sa pakana nilang ito kaya huwag mo silang pansinin sapagkat hindi sila makapipinsala sa iyo ng anuman. Magpaubaya ka ng nauukol sa iyo kay Allāh at umasa ka sa Kanya. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligang maaasahan mo. info
التفاسير:

external-link copy
82 : 4

أَفَلَا يَتَدَبَّرُونَ ٱلۡقُرۡءَانَۚ وَلَوۡ كَانَ مِنۡ عِندِ غَيۡرِ ٱللَّهِ لَوَجَدُواْ فِيهِ ٱخۡتِلَٰفٗا كَثِيرٗا

Bakit hindi nagninilay-nilay ang mga ito sa Qur'ān at nag-aaral nito hanggang sa mapagtibay sa kanila na walang natatagpuan ditong pagkakaiba-iba ni kalituhan at hanggang sa malaman nila ang katapatan ng inihatid mo? Kung sakaling ito ay mula sa ganang iba pa kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ay talaga sanang nakatagpo sila rito ng kalituhan sa mga patakaran nito at pagkakaiba-ibang marami sa mga kahulugan nito. info
التفاسير:

external-link copy
83 : 4

وَإِذَا جَآءَهُمۡ أَمۡرٞ مِّنَ ٱلۡأَمۡنِ أَوِ ٱلۡخَوۡفِ أَذَاعُواْ بِهِۦۖ وَلَوۡ رَدُّوهُ إِلَى ٱلرَّسُولِ وَإِلَىٰٓ أُوْلِي ٱلۡأَمۡرِ مِنۡهُمۡ لَعَلِمَهُ ٱلَّذِينَ يَسۡتَنۢبِطُونَهُۥ مِنۡهُمۡۗ وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ لَٱتَّبَعۡتُمُ ٱلشَّيۡطَٰنَ إِلَّا قَلِيلٗا

Kapag may dumating sa mga mapagpaimbabaw na ito na isang usaping kabilang sa may nauukol sa katiwasayan ng mga Muslim at kagalakan nila o pangangamba nila o kalungkutan nila ay nagkakalat sila nito at nagpapalaganap sila nito. Kung sakaling naghinay-hinay sila at nagpasangguni sila ng usapin sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa mga may [tamang] pananaw, kaalaman, at pagpapayo, talaga sanang nakatalos ang mga may [tamang] pananaw at paghuhulo ng nararapat na gawin hinggil sa pumapatungkol dito na pagpapalaganap o paglilihim. Kung hindi sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo dahil sa Islām at awa Niya sa inyo dahil sa Qur'ān, O mga mananampalataya, kaya naman nangalaga Siya sa inyo laban sa dumapo sa mga mapagpaimbabaw na ito, talaga sanang sumunod kayo sa mga sulsol ng demonyo maliban sa kakaunti mula sa inyo.
info
التفاسير:

external-link copy
84 : 4

فَقَٰتِلۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ لَا تُكَلَّفُ إِلَّا نَفۡسَكَۚ وَحَرِّضِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَكُفَّ بَأۡسَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ وَٱللَّهُ أَشَدُّ بَأۡسٗا وَأَشَدُّ تَنكِيلٗا

Kaya makipaglaban ka, O Sugo, ayon sa landas ni Allāh para sa pagtataas ng Salita Niya. Hindi ka tatanungin tungkol sa iba pa sa iyo at hindi ka oobligahin dahil doon dahil ikaw ay hindi inaatangan maliban ng pag-udyok sa sarili mo sa pakikipaglaban. Magpaibig ka sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban at manghimok ka sa kanila rito, harinawang si Allāh ay tumulak sa lakas ng mga tagatangging sumampalataya. Si Allāh ay higit na matindi sa lakas at higit na matindi sa pagpaparusa. info
التفاسير:

external-link copy
85 : 4

مَّن يَشۡفَعۡ شَفَٰعَةً حَسَنَةٗ يَكُن لَّهُۥ نَصِيبٞ مِّنۡهَاۖ وَمَن يَشۡفَعۡ شَفَٰعَةٗ سَيِّئَةٗ يَكُن لَّهُۥ كِفۡلٞ مِّنۡهَاۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ مُّقِيتٗا

Ang sinumang nagsisikap para magdulot ng kabutihan sa iba ay magkakaroon siya ng isang bahagi sa gantimpala. Ang sinumang nagsisikap para sa paghatak ng kasamaan para sa iba ay magkakaroon siya ng isang bahagi mula sa kasalanan. Laging si Allāh, sa bawat ginagawa ng tao, ay Saksi. Gaganti Siya sa kanya roon. Kaya ang sinumang kabilang sa inyo na naging isang kadahilanan sa pagtamo ng isang kabutihan, magkakaroon siya mula rito ng isang bahagi at isang parte. Ang sinumang naging isang kadahilanan sa pagtamo ng isang kasamaan, tunay na siya magkamit mula rito ng isang bahagi. info
التفاسير:

external-link copy
86 : 4

وَإِذَا حُيِّيتُم بِتَحِيَّةٖ فَحَيُّواْ بِأَحۡسَنَ مِنۡهَآ أَوۡ رُدُّوهَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٍ حَسِيبًا

Kapag may isang bumati sa inyo ay tumugon kayo ng pagbati sa kanya ng higit na mainam kaysa sa ipinambati niya sa inyo o tumugon kayo sa kanya ng tulad sa sinabi niya. Ang pagtugon ng higit na maganda ay higit na mainam. Tunay na si Allāh, sa bawat ginagawa ninyo, ay laging Mapag-ingat. Gaganti Siya sa bawat isa dahil sa gawa nito. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• تدبر القرآن الكريم يورث اليقين بأنه تنزيل من الله؛ لسلامته من الاضطراب، ويظهر عظيم ما تضمنه من الأحكام.
Ang pagninilay-nilay sa Marangal na Qur'ān ay nagdudulot ng katiyakan na ito ay isang pagbababa mula kay Allāh dahil sa kawalan nito ng kalituhan at nagpapakita ng dakila sa nilalaman nito na mga patakaran. info

• لا يجوز نشر الأخبار التي تنشأ عنها زعزعة أمن المؤمنين، أو دبُّ الرعب بين صفوفهم.
Hindi pinapayagan ang pagpapakalat ng mga ulat na mamumutawi buhat sa mga ito ang pagkabulabog ng katiwasayan ng mga mananampalataya o ang paggapang ng hilakbot sa pagitan ng mga hanay nila. info

• التحدث بقضايا المسلمين والشؤون العامة المتصلة بهم يجب أن يصدر من أهل العلم وأولي الأمر منهم.
Ang pagsasalita hinggil sa mga usapin ng mga Muslim at mga pangkalahatang kapakanang nauugnay sa kanila ay kinakailangan na magmula sa mga may kaalaman at mga may kapamahalaan kabilang sa kanila. info

• مشروعية الشفاعة الحسنة التي لا إثم فيها ولا اعتداء على حقوق الناس، وتحريم كل شفاعة فيها إثم أو اعتداء.
Ang pagkaisinasabatas ng magandang pamamagitan na walang kasalanan dito ni paglabag sa mga karapatan ng mga tao at ang pagbabawal sa bawat pamamagitan na may kasalanan at paglabag. info