Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

external-link copy
160 : 37

إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ

maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh sapagkat tunay na sila ay hindi naglalarawan kay Allāh malibang naaangkop sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na mga katangian ng kapitaganan at pagkaganap. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• سُنَّة الله نصر المرسلين وورثتهم بالحجة والغلبة، وفي الآيات بشارة عظيمة؛ لمن اتصف بأنه من جند الله، أنه غالب منصور.
Kalakaran (sunnah) ni Allāh ang pag-aadya sa mga isinugo at mga tagapagmana nila sa pamamagitan ng katwiran at pananaig. Sa mga talata ng Qur'ān ay may isang dakilang balitang nakagagalak para sa sinumang nailarawang siya ay kabilang sa mga kawal ni Allāh, na siya ay mananaig na iaadya. info

• في الآيات دليل على بيان عجز المشركين وعجز آلهتهم عن إضلال أحد، وبشارة لعباد الله المخلصين بأن الله بقدرته ينجيهم من إضلال الضالين المضلين.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may patunay sa paglilinaw sa kawalang-kakayahan ng mga tagapagtambal at kawalang-kakayahan ng mga diyos nila sa pagliligaw sa isa man at may balitang nakagagalak para sa mga itinanging lingkod ni Allāh, na si Allāh, sa pamamagitan ng kakayahan Niya, ay magliligtas sa kanila mula sa pagliligaw ng mga naliligaw na tagapagligaw. info