Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

external-link copy
32 : 36

وَإِن كُلّٞ لَّمَّا جَمِيعٞ لَّدَيۡنَا مُحۡضَرُونَ

Walang iba ang lahat ng mga kalipunan, nang walang pagtatangi, kundi mga padadaluhin sa piling Namin sa Araw ng Pagbangon matapos ng pagbubuhay na muli sa kanila upang gumanti Kami sa kanila sa mga gawa nila. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• ما أهون الخلق على الله إذا عصوه، وما أكرمهم عليه إن أطاعوه.
Anong hamak ng mga nilikha kay Allāh kapag sumuway sila sa Kanya at anong dangal nila sa Kanya kung tumalima sila sa Kanya. info

• من الأدلة على البعث إحياء الأرض الهامدة بالنبات الأخضر، وإخراج الحَبِّ منه.
Kabilang sa mga patunay sa pagkabuhay na muli ay ang pagbibigay-buhay sa lupang napagkaitan ng halamang luntian at ang pagpapalabas ng mga butil mula rito. info

• من أدلة التوحيد: خلق المخلوقات في السماء والأرض وتسييرها بقدر.
Kabilang sa mga patunay ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh ang paglikha sa mga nilikha sa mga langit at lupa at pagpapagalaw sa mga ito ayon sa sukat. info