Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Saba’

Purposes of the Surah:
بيان أحوال الناس مع النعم، وسنة الله في تغييرها.
Ang paglilinaw sa mga kalagayan ng mga tao sa mga biyaya at ang kalakaran ni Allāh sa pagpapaiba sa mga iyon. info

external-link copy
1 : 34

ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَهُ ٱلۡحَمۡدُ فِي ٱلۡأٓخِرَةِۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡخَبِيرُ

Ang papuri ay ukol kay Allāh na sa Kanya ang lahat ng nasa mga langit at ang lahat ng nasa lupa sa paglikha, paghahari, at pangangasiwa, at ukol sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ang pagbubunyi sa Kabilang-buhay. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya, ang Mapagbatid sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• سعة علم الله سبحانه المحيط بكل شيء.
Ang lawak ng kaalaman ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na sumasaklaw sa bawat bagay. info

• فضل أهل العلم.
Ang kalamangan ng mga may kaalaman. info

• إنكار المشركين لبعث الأجساد تَنَكُّر لقدرة الله الذي خلقهم.
Ang pagtutol ng mga tagapagtambal sa pagkabuhay na muli ng mga katawan ay isang pagkakaila sa kakayahan ni Allāh na lumikha sa kanila. info