Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
25 : 30

وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَن تَقُومَ ٱلسَّمَآءُ وَٱلۡأَرۡضُ بِأَمۡرِهِۦۚ ثُمَّ إِذَا دَعَاكُمۡ دَعۡوَةٗ مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ إِذَآ أَنتُمۡ تَخۡرُجُونَ

Kabilang sa mga dakilang tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang pananatili ng langit nang walang pagbagsak at ng lupa nang walang pagkaguho ayon sa utos Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Pagkatapos kapag tumawag Siya sa inyo – kaluwalhatian sa Kanya – sa isang pagtawag mula sa lupa sa pamamagitan ng pag-ihip ng anghel sa tambuli, biglang kayo ay lalabas mula sa mga libingan ninyo para sa pagtutuos at pagganti. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 30

وَلَهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ كُلّٞ لَّهُۥ قَٰنِتُونَ

Sa Kanya lamang ang sinumang nasa mga langit at sa Kanya ang sinumang nasa lupa sa paghahari, paglikha, at pagtatakda. Lahat ng nasa mga langit at lahat ng nasa lupa na mga nilikha Niya ay mga inaakay sa Kanya, na mga sumusuko sa utos Niya. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 30

وَهُوَ ٱلَّذِي يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَهُوَ أَهۡوَنُ عَلَيۡهِۚ وَلَهُ ٱلۡمَثَلُ ٱلۡأَعۡلَىٰ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagsisimula ng paglikha ayon sa walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos nagpapanumbalik nito matapos ng paglipol dito. Ang pagpapanumbalik ay higit na madali kaysa sa pagpapasimula. Kapwa ito madali sa Kanya dahil Siya, kapag nagnais ng anuman, ay nagsasabi rito ng: "Mangyari" saka nangyayari naman ito. Sa Kanya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – ang paglalarawang pinakamataas sa bawat ipinanlalarawan sa Kanya mula sa mga katangian ng kapitaganan at kalubusan. Siya ay ang Makapangyarihan na hindi napananaigan, ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 30

ضَرَبَ لَكُم مَّثَلٗا مِّنۡ أَنفُسِكُمۡۖ هَل لَّكُم مِّن مَّا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُم مِّن شُرَكَآءَ فِي مَا رَزَقۡنَٰكُمۡ فَأَنتُمۡ فِيهِ سَوَآءٞ تَخَافُونَهُمۡ كَخِيفَتِكُمۡ أَنفُسَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

Naglahad si Allāh para sa inyo, O mga tagapagtambal, ng isang paghahalintulad na kinuha mula sa mga sarili ninyo. Mayroon kaya kayo mula sa mga alipin ninyo at mga minamay-ari ninyo na isang katambal na nakikitambal sa inyo sa mga ari-arian ninyo nang magkapantay, na nangangamba kayo na makihati sila sa mga ari-arian ninyo kasama sa inyo gaya ng pangangamba ng iba sa inyo sa katambal niyang malaya na makihati kasama sa kanya sa ari-arian? Malulugod kaya kayo sa ganito para sa mga sarili ninyo mula sa mga alipin ninyo? Walang duda na kayo ay hindi malulugod sa ganoon. Kaya si Allāh ay higit na marapat na hindi Siya magkaroon ng isang katambal sa paghahari Niya sa mga nilikha Niya at mga alipin Niya. Sa pamamagitan ng tulad niyon na paglalahad ng mga paghahalintulad at iba pa roon, naglilinaw Kami ng mga katwiran at mga patotoo sa pamamagitan ng pagsasari-sari sa mga ito para sa mga taong nakapag-uunawa dahil sila ay ang mga makikinabang doon. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 30

بَلِ ٱتَّبَعَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ أَهۡوَآءَهُم بِغَيۡرِ عِلۡمٖۖ فَمَن يَهۡدِي مَنۡ أَضَلَّ ٱللَّهُۖ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ

Ang kadahilanan ng pagkaligaw nila ay hindi kakulangan sa mga patunay ni kawalan ng paglilinaw sa mga ito. Ito lamang ay ang pagsunod sa pithaya at ang paggaya-gaya sa mga magulang nila dala ng isang kamangmangan mula sa kanila sa karapatan ni Allāh. Kaya sino ang magtutuon sa kapatnubayan sa sinumang iniligaw ni Allāh? Walang isang makapagtutuon sa kanya. Walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya na magtutulak palayo sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh.
info
التفاسير:

external-link copy
30 : 30

فَأَقِمۡ وَجۡهَكَ لِلدِّينِ حَنِيفٗاۚ فِطۡرَتَ ٱللَّهِ ٱلَّتِي فَطَرَ ٱلنَّاسَ عَلَيۡهَاۚ لَا تَبۡدِيلَ لِخَلۡقِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ ٱلدِّينُ ٱلۡقَيِّمُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

Kaya humarap ka, O Sugo, ikaw at ang sinumang kasama sa iyo sa Relihiyon na nagpaharap sa iyo si Allāh doon, habang kumikiling palayo sa lahat ng mga relihiyon patungo roon, ang Relihiyong Islām na nilalang Niya ang mga tao ayon dito. Walang pagpapalit para sa pagkakalikha ni Allāh. Iyon ay ang Relihiyong tuwid na walang kabaluktutan doon, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam na ang Relihiyong totoo ay ang Relihiyong ito. info
التفاسير:

external-link copy
31 : 30

۞ مُنِيبِينَ إِلَيۡهِ وَٱتَّقُوهُ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَلَا تَكُونُواْ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ

Bumalik kayo sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pamamagitan ng pagbabalik-loob mula sa mga pagkakasala ninyo, mangilag kayong magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, lumubos kayo sa pagdarasal sa pinakaganap na paraan, at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagtambal na sumasalungat sa kalikasan ng pagkalalang saka nagtatambal kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya sa pagsamba nila. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 30

مِنَ ٱلَّذِينَ فَرَّقُواْ دِينَهُمۡ وَكَانُواْ شِيَعٗاۖ كُلُّ حِزۡبِۭ بِمَا لَدَيۡهِمۡ فَرِحُونَ

Huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagtambal na nagpalit ng relihiyon nila, sumampalataya sa bahagi nito, at tumangging sumampalataya sa ibang bahagi nito. Sila ay naging mga pangkatin at mga lapian. Bawat lapian kabilang sa kanila, sa taglay nilang kabulaanan, ay mga nagagalak. Nagtuturing sila na sila lamang ay nasa katotohanan at na ang iba pa sa kanila ay nasa kabulaanan. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• خضوع جميع الخلق لله سبحانه قهرًا واختيارًا.
Ang pagpapasailalim ng lahat ng nilikha kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – nang sapilitan at ayon sa pagpili. info

• دلالة النشأة الأولى على البعث واضحة المعالم.
Ang katunayan ng unang pagpapaluwal sa pagkabuhay na muli ay maliwanag ang mga palatandaan. info

• اتباع الهوى يضل ويطغي.
Ang pagsunod sa pithaya ay nagliligaw at nagpapamalabis. info

• دين الإسلام دين الفطرة السليمة.
Ang Relihiyong Islām ay Relihiyon ng maayos na kalikasan ng pagkalalang. info