Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
31 : 29

وَلَمَّا جَآءَتۡ رُسُلُنَآ إِبۡرَٰهِيمَ بِٱلۡبُشۡرَىٰ قَالُوٓاْ إِنَّا مُهۡلِكُوٓاْ أَهۡلِ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةِۖ إِنَّ أَهۡلَهَا كَانُواْ ظَٰلِمِينَ

Noong dumating ang mga anghel na ipinadala Namin upang magbalita ng nakagagalak kay Abraham hinggil kay Isaac at sa matapos nito na anak nitong si Jacob ay nagsabi sila: "Tunay na kami ay magpapahamak sa mga naninirahan sa pamayanan ng Sodom, na pamayanan ng mga kababayan ni Lot. Tunay na ang mga naninirahan diyan ay laging mga tagalabag sa katarungan dahil sa isinasagawa nila na paggawa ng mahalay." info
التفاسير:

external-link copy
32 : 29

قَالَ إِنَّ فِيهَا لُوطٗاۚ قَالُواْ نَحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَن فِيهَاۖ لَنُنَجِّيَنَّهُۥ وَأَهۡلَهُۥٓ إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ كَانَتۡ مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ

Nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga anghel: "Tunay na si Lot ay nasa pamayanang iyan na ninanais ninyong pasawiin ang mga naninirahan. Siya ay hindi kabilang sa mga tagalabag sa katarungan." Nagsabi ang mga anghel: "Kami ay higit na maalam sa sinumang nariyan. Talagang sasagip nga kami sa kanya at sa mag-anak niya – mula sa kapahamakang ipabababa sa mga naninirahan sa pamayanan – maliban sa maybahay niya; ito noon ay kabilang sa mga maiiwang mapapahamak sapagkat magpapahamak kami rito kasama sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
33 : 29

وَلَمَّآ أَن جَآءَتۡ رُسُلُنَا لُوطٗا سِيٓءَ بِهِمۡ وَضَاقَ بِهِمۡ ذَرۡعٗاۖ وَقَالُواْ لَا تَخَفۡ وَلَا تَحۡزَنۡ إِنَّا مُنَجُّوكَ وَأَهۡلَكَ إِلَّا ٱمۡرَأَتَكَ كَانَتۡ مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ

Noong pumunta ang mga anghel na ipinadala Namin kay Lot para magpahamak sa mga kababayan ni Lot ay nagpahapis sa kanya at nagpalungkot sa kanya ang pagdating nila dala ng pangamba para sa kanila mula sa kabuktutan ng mga kababayan niya sapagkat dumating ang mga anghel sa anyo ng mga lalaki at ang mga kababayan niya ay gumagawa [ng sodomiya] sa mga lalaki dala ng pagnanasa bukod pa sa mga babae. Nagsabi sa kanya ang mga anghel: "Huwag kang mangamba sapagkat hindi makapagpaparating sa iyo ng kasagwaan ang mga kababayan mo. Huwag kang malungkot sa ipinabatid Namin sa iyo na pagpapahamak sa kanila. Tunay na kami ay mga sasagip sa iyo at sa mag-anak mo laban sa pagkapahamak maliban sa maybahay mo; ito ay kabilang sa mga maiiwang mapapahamak sapagkat magpapahamak kami rito kasama sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 29

إِنَّا مُنزِلُونَ عَلَىٰٓ أَهۡلِ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةِ رِجۡزٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ

Tunay na kami ay mga magpapababa sa mga naninirahan sa pamayanang iyan, na dati nang gumagawa ng mga karima-rimarim, ng isang pagdurusa mula sa langit, na mga batong yari sa tuyong luwad, bilang parusa para sa kanila sa paglabas nila sa pagtalima kay Allāh dahil sa ginagawa nila na mahalay na pangit, ang paggawa [ng sodomiya] sa mga lalaki dala ng pagnanasa bukod pa sa mga babae. info
التفاسير:

external-link copy
35 : 29

وَلَقَد تَّرَكۡنَا مِنۡهَآ ءَايَةَۢ بَيِّنَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

Talaga ngang nag-iwan Kami mula sa pamayanang iyan na ipinahamak Namin ng isang tandang maliwanag para sa mga taong nakapag-uunawa dahil sila ay ang mga nagsasaalang-alang sa mga tanda. info
التفاسير:

external-link copy
36 : 29

وَإِلَىٰ مَدۡيَنَ أَخَاهُمۡ شُعَيۡبٗا فَقَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱرۡجُواْ ٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ

Nagsugo Kami sa Madyan ng kapatid nila sa kaangkanan na si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang mag-asam kayo sa pagsamba ninyo sa Kanya ng ganti sa Huling Araw, at huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at pagpapalaganap ng mga ito." info
التفاسير:

external-link copy
37 : 29

فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلرَّجۡفَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دَارِهِمۡ جَٰثِمِينَ

Ngunit nagpasinungaling sa kanya ang mga kalipi niya kaya tumama sa kanila ang lindol saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga bumagsak sa mga mukha nila, na dumikit nga ang mga mukha nila sa alabok nang walang pagkilos sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
38 : 29

وَعَادٗا وَثَمُودَاْ وَقَد تَّبَيَّنَ لَكُم مِّن مَّسَٰكِنِهِمۡۖ وَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَصَدَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَكَانُواْ مُسۡتَبۡصِرِينَ

Nagpahamak Kami nang gayon sa [liping] `Ād, ang mga kalipi ni Hūd, at sa [liping] Thamūd, ang mga kalipi ni Ṣāliḥ. Luminaw nga para sa inyo, O mga naninirahan sa Makkah, mula sa mga tirahan nila sa Shijr ng Ḥaḍramawt [sa Yemen] at Ḥijr ang nagpapatunay sa inyo sa pagpapahamak sa kanila sapagkat ang mga tirahan nilang walang laman ay sumasaksi roon. Pinaganda para sa kanila ng demonyo ang mga gawain nila na sila noon ay nasa mga iyon gaya ng kawalang-pananampalataya at iba pa rito na mga pagsuway. Nagpalihis siya sa kanila palayo sa landasing tuwid habang sila noon ay mga may pagkakita sa katotohanan, pagkaligaw, pagkagabay, at pagkalisya dahil sa itinuro sa kanila ng mga sugo nila, subalit pinili nila ang pagsunod sa pithaya sa halip ng pagsunod sa patnubay.
info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• قوله تعالى:﴿ وَقَد تَّبَيَّنَ..﴾ تدل على معرفة العرب بمساكنهم وأخبارهم.
Ang sabi Niya – pagkataas-taas Siya: "at luminaw ito..." ay nagpapatunay sa pagkakaalam ng mga Arabe sa mga tirahan nila at mga ulat sa kanila. info

• العلائق البشرية لا تنفع إلا مع الإيمان.
Ang mga kaugnayang pantao ay hindi nagpapakinabang malibang kasama ng pananampalataya. info

• الحرص على أمن الضيوف وسلامتهم من الاعتداء عليهم.
Ang sigasig sa katiwasayan ng mga panauhin at kaligtasan nila laban sa pangangaway sa kanila. info

• منازل المُهْلَكين بالعذاب عبرة للمعتبرين.
Ang mga antas ng mga ipinahamak sa pagdurusa ay isang maisasaalang-alang para sa mga nagsasaalang-alang. info

• العلم بالحق لا ينفع مع اتباع الهوى وإيثاره على الهدى.
Ang kaalaman sa katotohanan ay hindi nagpapakinabang kasama ng pagsunod sa pithaya at pagtatangi rito higit sa patnubay. info