Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

external-link copy
30 : 28

فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِيَ مِن شَٰطِيِٕ ٱلۡوَادِ ٱلۡأَيۡمَنِ فِي ٱلۡبُقۡعَةِ ٱلۡمُبَٰرَكَةِ مِنَ ٱلشَّجَرَةِ أَن يَٰمُوسَىٰٓ إِنِّيٓ أَنَا ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Kaya noong dumating si Moises sa apoy na nakita niya, tumawag sa kanya ang Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – mula sa kanang gilid ng lambak, sa kinaroroonang pinagpala ni Allāh dahil sa pakikipag-usap Niya kay Moises mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: "O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• الوفاء بالعقود شأن المؤمنين.
Ang pagtupad sa mga kasunduan ay gawi ng mga mananampalataya. info

• تكليم الله لموسى عليه السلام ثابت على الحقيقة.
Ang pakikipag-usap ni Allāh kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay nakabatay sa reyalidad. info

• حاجة الداعي إلى الله إلى من يؤازره.
Ang pangangailangan ng nag-aanyaya tungo kay Allāh sa sinumang makatutuwang sa kanya. info

• أهمية الفصاحة بالنسبة للدعاة.
Ang kahalagahan ng katatasan sa panig sa mga tagapag-aanyaya sa Islām. info