Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
137 : 26

إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا خُلُقُ ٱلۡأَوَّلِينَ

Walang iba ito kundi relihiyon ng mga sinauna, mga kinagawian nila, at mga kaasalan nila. info
التفاسير:

external-link copy
138 : 26

وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ

Hindi kami mga pagdurusahin." info
التفاسير:

external-link copy
139 : 26

فَكَذَّبُوهُ فَأَهۡلَكۡنَٰهُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ

Kaya nagpatuloy sila sa pagpapasinungaling sa propeta nilang si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya nagpahamak Kami sa kanila dahilan sa pagpapasinungaling nila sa hanging mapanira. Tunay na sa pagpapahamak na iyon ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga tagapagsaalang-alang. Ang karamihan sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
140 : 26

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Tunay na ang Panginoon mo, o Sugo, ay talagang Siya ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya, ang Maawain sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya. info
التفاسير:

external-link copy
141 : 26

كَذَّبَتۡ ثَمُودُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

Nagpasinungaling ang Thamūd sa mga isinugo sa pamamagitan ng pagpapasinungaling nila sa propeta nilang si Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – info
التفاسير:

external-link copy
142 : 26

إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ صَٰلِحٌ أَلَا تَتَّقُونَ

noong nagsabi sa kanila ang kapatid nila sa kaangkanan na si Ṣāliḥ: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya dala ng pangamba sa Kanya? info
التفاسير:

external-link copy
143 : 26

إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ

Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong isinugo ni Allāh sa inyo, na mapagkatitiwalaan sa anumang ipinaabot ko buhat sa Kanya: hindi ako nagdaragdag doon at hindi ako nagbabawas mula roon. info
التفاسير:

external-link copy
144 : 26

فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin sa anumang ipinag-utos ko sa inyo at sinaway ko sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
145 : 26

وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Hindi ako humihiling sa inyo ng isang gantimpala dahil sa nagpapaabot ako sa inyo mula sa Panginoon ko; walang gantimpala sa akin kundi nasa kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha, hindi nasa iba pa sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
146 : 26

أَتُتۡرَكُونَ فِي مَا هَٰهُنَآ ءَامِنِينَ

Nagmimithi ba kayo na iwanan kayo sa kalagayang kayo ay nasa mga kabutihan at mga biyaya habang mga natitiwasay na hindi nangangamba info
التفاسير:

external-link copy
147 : 26

فِي جَنَّٰتٖ وَعُيُونٖ

sa mga pataniman at mga bukal na dumadaloy, info
التفاسير:

external-link copy
148 : 26

وَزُرُوعٖ وَنَخۡلٖ طَلۡعُهَا هَضِيمٞ

at mga pananim at mga punong datiles na ang mga bunga ng mga ito ay malambot at hinog? info
التفاسير:

external-link copy
149 : 26

وَتَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتٗا فَٰرِهِينَ

Pumuputol kayo ng mga bundok upang yumari kayo ng mga bahay na tinitirahan ninyo habang kayo ay mga sanay sa pag-ukit ng mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
150 : 26

فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin sa anumang ipinag-utos ko sa inyo at sa anumang sinaway ko sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
151 : 26

وَلَا تُطِيعُوٓاْ أَمۡرَ ٱلۡمُسۡرِفِينَ

Huwag kayong magpaakay sa utos ng mga nagpapakalabis laban sa mga sarili nila dahil sa pagkagawa ng mga pagsuway, info
التفاسير:

external-link copy
152 : 26

ٱلَّذِينَ يُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا يُصۡلِحُونَ

na nanggugulo sa lupa sa pamamagitan ng ipinalalaganap nila na mga pagsuway at hindi nagsasaayos ng mga sarili nila sa pamamagitan ng pananatili sa pagtalima kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
153 : 26

قَالُوٓاْ إِنَّمَآ أَنتَ مِنَ ٱلۡمُسَحَّرِينَ

Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Ikaw lamang ay kabilang sa mga nagaway nang paulit-ulit hanggang sa nanaig ang panggagaway sa mga isip nila at nag-alis sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
154 : 26

مَآ أَنتَ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا فَأۡتِ بِـَٔايَةٍ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

Walang iba ka kundi isang taong tulad namin sapagkat walang kalamangan para sa iyo higit sa amin upang ikaw ay maging isang sugo. Kaya maglahad ka ng isang palatandaan na nagpapatunay na ikaw ay sugo kung ikaw ay tapat sa pinagsasabi mo na ikaw ay sugo." info
التفاسير:

external-link copy
155 : 26

قَالَ هَٰذِهِۦ نَاقَةٞ لَّهَا شِرۡبٞ وَلَكُمۡ شِرۡبُ يَوۡمٖ مَّعۡلُومٖ

Nagsabi sa kanila si Ṣaliḥ noong nagbigay sa kanya si Allāh ng isang palatandaan, ang dumalagang kamelyo na pinalabas ni Allāh mula sa bato: "Ito ay isang dumalagang kamelyo na nakikita at nasasalat. Ukol dito ay isang bahagi mula sa tubig at ukol sa inyo ay isang bahaging nalalaman. Hindi ito iinom sa araw na siyang bahagi ninyo at hindi naman kayo iinom sa araw na siyang bahagi nito. info
التفاسير:

external-link copy
156 : 26

وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوٓءٖ فَيَأۡخُذَكُمۡ عَذَابُ يَوۡمٍ عَظِيمٖ

Huwag kayong sumaling dito ng ikasasama nito gaya ng pagkatay at pagpalo para [walang] sumapit sa inyo dahilan doon na isang pagdurusa mula kay Allāh, na ipampapahamak Niya sa inyo sa isang araw na sukdulan dahil sa taglay niyon na pagsusulit na bababa sa inyo." info
التفاسير:

external-link copy
157 : 26

فَعَقَرُوهَا فَأَصۡبَحُواْ نَٰدِمِينَ

Ngunit nagkaisa sila sa pagkakatay rito kaya kinatay ito ng pinakasawi sa kanila kaya sila ay naging mga nagsisisi sa ipinangahas nila noong nalaman nila na ang pagdurusa ay bababa sa kanila nang walang pasubali, subalit ang pagsisisi sa sandali ng pagkakita sa pagdurusa ay hindi magpapakinabang. info
التفاسير:

external-link copy
158 : 26

فَأَخَذَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ

Kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusang ipinangako sa kanila, ang lindol at ang hiyaw. Tunay na sa nabanggit na iyon na kasaysayan ni Ṣāliḥ at ng mga kalipi niya ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga tagapagsaalang-alang. Ang karamihan sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
159 : 26

وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ

Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang Siya ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya, ang Maawain sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• توالي النعم مع الكفر استدراج للهلاك.
Ang pagsusunuran [ng pagdating] ng mga biyaya sa kabila ng kawalang-pananampalataya ay isang pagpapain para sa kapahamakan. info

• التذكير بالنعم يُرتجى منه الإيمان والعودة إلى الله من العبد.
Ang pagpapaalaala sa mga biyaya ay inaasahan mula rito ang pagsampalataya at ang pagbabalik kay Allāh ng tao. info

• المعاصي هي سبب الفساد في الأرض.
Ang mga pagsuway ay isang kadahilanan ng kaguluhan sa lupa. info