Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
11 : 24

إِنَّ ٱلَّذِينَ جَآءُو بِٱلۡإِفۡكِ عُصۡبَةٞ مِّنكُمۡۚ لَا تَحۡسَبُوهُ شَرّٗا لَّكُمۖ بَلۡ هُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۚ لِكُلِّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُم مَّا ٱكۡتَسَبَ مِنَ ٱلۡإِثۡمِۚ وَٱلَّذِي تَوَلَّىٰ كِبۡرَهُۥ مِنۡهُمۡ لَهُۥ عَذَابٌ عَظِيمٞ

Tunay na ang mga naghatid ng paninirang-puri (ang pagparatang ng kahalayan sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah – malugod si Allāh sa kanya) ay isang pangkat na nauugnay sa inyo, O mga mananampalataya. Huwag kayong magpalagay na ang ginawa-gawa nila ay masama para sa inyo, bagkus ito ay mabuti para sa inyo dahil sa dulot nito na paggantimpala at pagsubok para sa mga mananampalataya at dahil sa nakaaalinsabay nito na pagpapawalang-sala sa Ina ng mga Mananampalataya. Ukol sa bawat isang lumahok sa pagpaparatang sa kanya ng mahalay ay ganti sa kinamit niya na kasalanan dahil sa pagsasalita niya ng kabulaanan. Ang pumasan ng karamihan niyon dahil sa pagpapasimula niyon, ukol sa kanya ay isang pagdurusang mabigat. Ang tinutukoy rito ay ang ulo ng mga mapagpaimbabaw na si `Abdullāh bin Ubayy bin Salūl. info
التفاسير:

external-link copy
12 : 24

لَّوۡلَآ إِذۡ سَمِعۡتُمُوهُ ظَنَّ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ بِأَنفُسِهِمۡ خَيۡرٗا وَقَالُواْ هَٰذَآ إِفۡكٞ مُّبِينٞ

Bakit nga kaya, noong narinig ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya ang mabigat na kabulaanang ito, hindi sila nag-isip ng kalinisan ng pinaratangan niyon kabilang sa mga kapatid nilang mga mananampalataya at nagsabing ito ay isang kasinungalingang maliwanag? info
التفاسير:

external-link copy
13 : 24

لَّوۡلَا جَآءُو عَلَيۡهِ بِأَرۡبَعَةِ شُهَدَآءَۚ فَإِذۡ لَمۡ يَأۡتُواْ بِٱلشُّهَدَآءِ فَأُوْلَٰٓئِكَ عِندَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلۡكَٰذِبُونَ

Bakit nga ba ang mga gumawa-gawa sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah – malugod si Allāh sa kanya – ay hindi naglahad para sa paratang nilang mabigat ng apat na saksing sasaksi sa katumpakan ng iniugnay nila sa kanya? Kaya kung hindi sila naglahad ng apat na saksi para roon – at hindi sila maglalahad ng mga [saksing] ito magpakailanman – sila ay mga sinungaling ayon sa kahatulan ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 24

وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ لَمَسَّكُمۡ فِي مَآ أَفَضۡتُمۡ فِيهِ عَذَابٌ عَظِيمٌ

Kung hindi dahil sa pagmamabuting-loob ni Allāh sa inyo, O mga mananampalataya, at awa Niya sa inyo yayamang hindi Siya nagmadali sa inyo sa kaparusahan at tumanggap Siya ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa inyo, talaga sanang tinamaan kayo ng isang pagdurusang mabigat dahilan sa tinalakay ninyo na kasinungalingan at pagpaparatang sa Ina ng mga Mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
15 : 24

إِذۡ تَلَقَّوۡنَهُۥ بِأَلۡسِنَتِكُمۡ وَتَقُولُونَ بِأَفۡوَاهِكُم مَّا لَيۡسَ لَكُم بِهِۦ عِلۡمٞ وَتَحۡسَبُونَهُۥ هَيِّنٗا وَهُوَ عِندَ ٱللَّهِ عَظِيمٞ

Noong nagsasalaysay niyon ang ilan sa inyo buhat sa iba pa at nagpapalipat-lipat kayo niyon sa pamamagitan ng mga bibig ninyo sa kabila ng kabulaanan niyon sapagkat wala naman kayong kaalaman hinggil doon, at nagpapalagay kayo na iyon ay madali at magaan samantalang iyon sa ganang kay Allāh ay mabigat dahil sa taglay niyon na kasinungalingan at pagpaparatang sa isang inosente. info
التفاسير:

external-link copy
16 : 24

وَلَوۡلَآ إِذۡ سَمِعۡتُمُوهُ قُلۡتُم مَّا يَكُونُ لَنَآ أَن نَّتَكَلَّمَ بِهَٰذَا سُبۡحَٰنَكَ هَٰذَا بُهۡتَٰنٌ عَظِيمٞ

Bakit nga kaya, noong narinig ninyo ang kabulaanang ito, hindi kayo nagsabi: "Hindi naaangkop para sa amin na magsalita kami hinggil sa bagay na karumal-dumal na ito, bilang pagpapawalang-kapintasan sa Iyo, Panginoon namin. Itong ipinaratang nila sa Ina ng mga Mananampalataya ay isang kasinungalingang mabigat." info
التفاسير:

external-link copy
17 : 24

يَعِظُكُمُ ٱللَّهُ أَن تَعُودُواْ لِمِثۡلِهِۦٓ أَبَدًا إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ

Nagpapaalaala sa inyo si Allāh at nagpapayo Siya sa inyo na [huwag] kayong manumbalik sa tulad ng kabulaanang ito para [huwag] kayong magparatang ng mahalay sa isang inosente, kung kayo ay mga mananampalataya kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 24

وَيُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ

Nagpapaliwanag si Allāh sa inyo ng mga talatang naglalaman ng mga kahatulan Niya at mga pangaral Niya. Si Allāh ay Maalam sa mga gawain ninyo: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti sa inyo sa mga ito, at Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 24

إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحِبُّونَ أَن تَشِيعَ ٱلۡفَٰحِشَةُ فِي ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

Tunay na ang mga umiibig na lumaganap ang mga nakasasama – kabilang sa mga ito ang paninirang-puri ng pangangalunya – sa mga mananampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapatupad sa kanila ng takdang parusa sa paninirang-puri at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay pagdurusa sa Apoy. Si Allāh ay nakaaalam sa kasinungalingan nila at anumang kinauuwian ng lagay ng mga lingkod Niya at nakaaalam sa mga kapakanan nila samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 24

وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ وَأَنَّ ٱللَّهَ رَءُوفٞ رَّحِيمٞ

Kung hindi dahil sa pagmamabuting-loob ni Allāh sa inyo, O mga nasasadlak sa kabulaanan, at awa Niya sa inyo, at kung hindi dahil si Allāh ay Mahabagin, Maawain sa inyo, talaga sanang nagmadali Siya sa inyo sa kaparusahan. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• تركيز المنافقين على هدم مراكز الثقة في المجتمع المسلم بإشاعة الاتهامات الباطلة.
Ang pagtutuon ng mga mapagpaimbabaw sa pagwasak sa mga sentro ng tiwala sa lipunang Muslim sa pamamagitan ng pagkakalat ng mga bulaang paratang. info

• المنافقون قد يستدرجون بعض المؤمنين لمشاركتهم في أعمالهم.
Ang mga mapagpaimbabaw ay maaaring magpain sa ilan sa mga mananampalataya para makilahok sa kanila sa mga gawain nila. info

• تكريم أم المؤمنين عائشة رضي الله عنها بتبرئتها من فوق سبع سماوات.
Ang pagpaparangal sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah – malugod si Allāh sa kanya – sa pamamagitan ng pagpapawalang-sala sa kanya mula sa ibabaw ng Pitong Langit. info

• ضرورة التثبت تجاه الشائعات.
Ang pangangailangan sa pagtitiyak kaugnay sa mga sabi-sabi. info