Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
75 : 23

۞ وَلَوۡ رَحِمۡنَٰهُمۡ وَكَشَفۡنَا مَا بِهِم مِّن ضُرّٖ لَّلَجُّواْ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ

Kahit pa naawa Kami sa kanila at pumawi Kami sa kanila ng dinaranas nilang tagtuyot at pagkagutom ay talagang magpapatuloy sila sa pagkaligaw nila palayo sa katotohanan, na nag-aatubili at nangangapa. info
التفاسير:

external-link copy
76 : 23

وَلَقَدۡ أَخَذۡنَٰهُم بِٱلۡعَذَابِ فَمَا ٱسۡتَكَانُواْ لِرَبِّهِمۡ وَمَا يَتَضَرَّعُونَ

Talaga ngang sumulit Kami sa kanila sa pamamagitan ng mga uri ng mga kapahamakan ngunit hindi sila nagpakaaba sa Panginoon nila, hindi sila nagpasakop sa Kanya, at hindi sila dumalangin sa Kanya habang mga nagpapakumbaba upang pawiin Niya sa kanila ang mga kapahamakan sa sandali ng pagbaba ng mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
77 : 23

حَتَّىٰٓ إِذَا فَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَابٗا ذَا عَذَابٖ شَدِيدٍ إِذَا هُمۡ فِيهِ مُبۡلِسُونَ

Hanggang sa nang nagbukas Kami sa kanila ng isang pintuan ng pagdurusang matindi, biglang sila roon ay mga nawawalan ng pag-asa sa bawat kaluwagan at kabutihan. info
التفاسير:

external-link copy
78 : 23

وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ

Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang lumikha para sa inyo, O mga tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli, ng pandinig upang ipandinig ninyo, mga paningin upang ipantingin ninyo, at mga puso upang ipantalos ninyo. Sa kabila niyon ay hindi kayo nagpapasalamat sa mga biyayang ito malibang kaunti. info
التفاسير:

external-link copy
79 : 23

وَهُوَ ٱلَّذِي ذَرَأَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَإِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ

Siya ay ang lumikha sa inyo, O mga tao, sa lupa. Tungo sa Kanya lamang sa Araw ng Pagbangon ay kakalapin kayo para sa pagtutuos at pagganti. info
التفاسير:

external-link copy
80 : 23

وَهُوَ ٱلَّذِي يُحۡيِۦ وَيُمِيتُ وَلَهُ ٱخۡتِلَٰفُ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ

Siya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagbibigay-buhay sapagkat walang tagapagbigay-buhay na iba pa sa Kanya. Siya lamang ay ang nagbibigay-kamatayan sapagkat walang tagapagbigay-kamatayan bukod pa sa Kanya. Sa Kanya ang pagtatakda sa pagsasalitan ng gabi at maghapon sa dilim at pagliliwanag, at sa haba at ikli. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa sa kakayahan Niya at pamumukod-tangi Niya sa paglikha at pangangasiwa? info
التفاسير:

external-link copy
81 : 23

بَلۡ قَالُواْ مِثۡلَ مَا قَالَ ٱلۡأَوَّلُونَ

Bagkus nagsabi sila ng tulad sa sinabi ng mga magulang nila at mga ninuno nila sa kawalang-pananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
82 : 23

قَالُوٓاْ أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ

Nagsabi sila nang may pagtuturing ng kaimposiblehan at pagkakaila: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga butong durog, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin bilang mga buhay para sa pagtutuos?" info
التفاسير:

external-link copy
83 : 23

لَقَدۡ وُعِدۡنَا نَحۡنُ وَءَابَآؤُنَا هَٰذَا مِن قَبۡلُ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ

Talaga ngang pinangakuan Kami ng pangakong ito – ang pagkabuhay na muli matapos ng kamatayan – at pinangakuan ang mga ninuno namin bago pa niyan nang gayon at hindi namin nakita ang pangakong iyon na nagkakatotoo. Walang iba ito kundi mga kabulaanan ng mga nauna at mga kasinungalingan nila. info
التفاسير:

external-link copy
84 : 23

قُل لِّمَنِ ٱلۡأَرۡضُ وَمَن فِيهَآ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatangging sumampalataya na ito na mga tagapagkaila ng pagkabuhay na muli: "Kanino ang lupang ito at ang sinumang nasa ibabaw nito kung nagkaroon kayo ng kaalaman?" info
التفاسير:

external-link copy
85 : 23

سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ

Magsasabi sila: " Ang lupa at ang sinumang nasa ibabaw nito ay sa kay Allāh." Kaya sabihin mo sa kanila: "Hindi ba kayo magsasaalaala na ang sinumang sa Kanya ang lupa at ang sinumang nasa ibabaw nito ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa inyo matapos ng kamatayan ninyo?" info
التفاسير:

external-link copy
86 : 23

قُلۡ مَن رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلسَّبۡعِ وَرَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ

Sabihin mo sa kanila: "Sino ang Panginoon ng pitong langit? Sino ang Panginoon ng tronong dakila, na walang umiiral na nilikhang higit na dakila kaysa roon?" info
التفاسير:

external-link copy
87 : 23

سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ أَفَلَا تَتَّقُونَ

Magsasabi sila: "Ang pitong langit at ang tronong dakila ay pagmamay-ari ni Allāh." Kaya sabihin mo sa kanila: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya upang maligtas kayo mula sa pagdurusang dulot Niya?" info
التفاسير:

external-link copy
88 : 23

قُلۡ مَنۢ بِيَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيۡءٖ وَهُوَ يُجِيرُ وَلَا يُجَارُ عَلَيۡهِ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

Sabihin mo sa kanila: "Sino ang nasa kamay Niya ang paghahari sa bawat bagay, na walang nakabubukod sa paghahari Niya na anuman habang Siya ay nagsasaklolo sa sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at walang isang nakapipigil sa sinumang nagnais Siya rito ng isang masagwa para magsanggalang dito laban sa pagdurusa, kung nagkaroon kayo ng kaalaman?" info
التفاسير:

external-link copy
89 : 23

سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ فَأَنَّىٰ تُسۡحَرُونَ

Magsasabi sila: "Ang paghahari sa bawat bagay ay nasa kamay Niya – kaluwalhatian sa Kanya." Kaya sabihin mo sa kanila: "Kaya papaanong nawawala ang mga isip ninyo at sumasamba kayo sa iba pa sa Kanya kasabay ng pagkilala ninyo niyon?" info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• عدم اعتبار الكفار بالنعم أو النقم التي تقع عليهم دليل على فساد فطرهم.
Ang kawalan ng pagsasaalang-alang ng mga tagatangging sumampalataya sa mga biyaya o mga salot na nagaganap sa kanila ay isang patunay sa katiwalian ng kalikasan nila. info

• كفران النعم صفة من صفات الكفار.
Ang pagtangging magpasalamat sa mga biyaya ay isa sa mga katangian ng tagatangging sumampalataya. info

• التمسك بالتقليد الأعمى يمنع من الوصول للحق.
Ang pagkapit sa bulag na paggaya-gaya ay humahadlang sa pagkarating tungo sa katotohanan. info

• الإقرار بالربوبية ما لم يصحبه إقرار بالألوهية لا ينجي صاحبه.
Ang pagkilala [ng tao] sa pagkapanginoon [ni Allāh] hanggat hindi nasasamahan ng pagkilala sa pagkadiyos [ni Allāh] ay hindi magliligtas sa taong ito. info