Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
31 : 22

حُنَفَآءَ لِلَّهِ غَيۡرَ مُشۡرِكِينَ بِهِۦۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَكَأَنَّمَا خَرَّ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَتَخۡطَفُهُ ٱلطَّيۡرُ أَوۡ تَهۡوِي بِهِ ٱلرِّيحُ فِي مَكَانٖ سَحِيقٖ

Umiwas kayo roon bilang mga nakakiling palayo sa bawat relihiyon maliban pa sa relihiyon niyang kinalulugdan sa ganang Panginoon niya, na hindi mga tagapagtambal sa Kanya ng isa man sa pagsamba. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay para bang lumagpak siya mula sa langit kaya maaari na dumagit ang mga ibon sa laman niya at buto niya o maghagis sa kanya ang hangin sa isang pook na malayo. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 22

ذَٰلِكَۖ وَمَن يُعَظِّمۡ شَعَٰٓئِرَ ٱللَّهِ فَإِنَّهَا مِن تَقۡوَى ٱلۡقُلُوبِ

Iyon ay ang ipinag-utos ni Allāh na paniniwala sa kaisahan Niya, pagpapakawagas sa Kanya, at pagwaksi sa mga diyus-diyusan at sa pagsabi ng kabulaanan. Ang sinumang dumadakila sa mga tanda ng relihiyon – kabilang sa mga ito ang alay at ang mga gawain sa ḥajj – tunay na ang paggalang sa mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso sa Panginoon ng mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
33 : 22

لَكُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى ثُمَّ مَحِلُّهَآ إِلَى ٱلۡبَيۡتِ ٱلۡعَتِيقِ

Ukol sa inyo sa mga alay na kakatayin ninyo sa Bahay ay mga pakinabang tulad ng pagsakay, mga lana, mga anak ng hayop, at gatas hanggang sa isang yugtong tinakdaan ng oras ng pagkakatay sa mga ito sa tabi ng kalapitan mula sa Bahay ni Allāh, na pinalaya Niya mula sa pangingibabaw ng mga manlulupig. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 22

وَلِكُلِّ أُمَّةٖ جَعَلۡنَا مَنسَكٗا لِّيَذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُم مِّنۢ بَهِيمَةِ ٱلۡأَنۡعَٰمِۗ فَإِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ فَلَهُۥٓ أَسۡلِمُواْۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُخۡبِتِينَ

Para sa bawat kalipunang nagdaan ay nagtalaga ng isang pamamaraan ng pagpapadanak ng mga dugo bilang handog para kay Allāh. [Ito ay] sa pag-asang bumanggit sila ng pangalan ni Allāh sa kinakatay nila mula sa mga handog na iyon sa sandali ng pagkakatay bilang pasasalamat kay Allāh sa itinustos Niya sa kanila na mga kamelyo, mga baka, at mga tupa. Ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan, o mga tao, ay nag-iisang sinasamba: walang katambal sa Kanya, kaya sa Kanya lamang kayo magpaakay sa pamamagitan ng pagpapasailalim at pagtalima. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga tagapagpakumbabang nagpapakawagas sa magpapatuwa sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
35 : 22

ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ ٱللَّهُ وَجِلَتۡ قُلُوبُهُمۡ وَٱلصَّٰبِرِينَ عَلَىٰ مَآ أَصَابَهُمۡ وَٱلۡمُقِيمِي ٱلصَّلَوٰةِ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ

na kapag binaggit si Allāh ay nangangamba sila sa parusa Niya kaya lumalayo sila sa pagsalungat sa utos Niya, nagtitiis sila kung may tumama sa kanila na isang pagsubok, nagsasagawa sila ng pagdarasal nang lubusan, at gumugugol sila sa mga uri ng pagpapakabuti mula sa itinustos sa kanila ni Allāh.
info
التفاسير:

external-link copy
36 : 22

وَٱلۡبُدۡنَ جَعَلۡنَٰهَا لَكُم مِّن شَعَٰٓئِرِ ٱللَّهِ لَكُمۡ فِيهَا خَيۡرٞۖ فَٱذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَيۡهَا صَوَآفَّۖ فَإِذَا وَجَبَتۡ جُنُوبُهَا فَكُلُواْ مِنۡهَا وَأَطۡعِمُواْ ٱلۡقَانِعَ وَٱلۡمُعۡتَرَّۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرۡنَٰهَا لَكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Ang mga kamelyo at ang mga baka na inaalay doon sa Bahay [ni Allāh] ay ginawa para sa inyo bilang kabilang sa mga sagisag ng Relihiyon at mga tanda nito. Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na pangrelihiyon at pangmundo. Kaya magsabi kayo ng Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh) sa sandali ng pagkakatay sa mga ito matapos na humanay ang mga pata ng mga ito. Ito ay pata na iginapos nga ang isa sa mga kamay ng hayop upang hindi gumala-gala ito. Kaya kapag bumagsak ito sa tagiliran nito matapos ng pagkatay ay kumain kayo, O mga tagapag-alay, mula rito at magbigay kayo mula rito sa maralitang nangingimi sa panghihingi at maralitang humaharang upang bigyan mula rito. Kung paanong pinaamo ang mga ito para sa inyo upang magpapasan kayo sa mga ito at sumakay kayo sa mga ito, pinaamo rin ang mga ito para sa inyo para magpaakay tungo sa kung saan kakatay kayo ng mga ito bilang pagpapakalapit kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa biyaya ng pagpapaamo sa mga ito para sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 22

لَن يَنَالَ ٱللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَآؤُهَا وَلَٰكِن يَنَالُهُ ٱلتَّقۡوَىٰ مِنكُمۡۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرَهَا لَكُمۡ لِتُكَبِّرُواْ ٱللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَىٰكُمۡۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Hindi aabot kay Allāh ang mga laman ng inihahain ninyo na mga alay ni ang mga dugo ng mga ito at hindi maiaangat tungo sa Kanya. Subalit naiaangat tungo kay Allāh ang pangingilag ninyo na magkasala sa Kanya sa mga ito sa pamamagitan ng pagpapakawagas ninyo sa Kanya sa pagsunod ninyo sa pagpapakalapit sa Kanya sa pamamagitan ng mga alay. Gayon nagpaamo sa mga ito si Allāh para sa inyo upang dumakila kayo kay Allāh habang mga nagpapasalamat sa Kanya sa pagtuon Niya sa inyo sa katotohanan. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga tagagawa ng maganda sa pagsamba nila sa Panginoon nila at sa pakikitungo nila sa nilikha Niya, ng magpapatuwa sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
38 : 22

۞ إِنَّ ٱللَّهَ يُدَٰفِعُ عَنِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ خَوَّانٖ كَفُورٍ

Tunay na si Allāh ay nagtutulak palayo sa mga sumampalataya ng kasamaan ng mga kaaway nila. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat palataksil sa pagtitiwala sa kanya, na mapagkaila sa utang na loob sa mga biyaya ni Allāh kaya naman hindi siya nagpapasalamat kay Allāh sa mga ito bagkus ay nasusuklam pa. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• ضَرْب المثل لتقريب الصور المعنوية بجعلها في ثوب حسي، مقصد تربوي عظيم.
Ang paggawa ng paghahalimbawa para sa pagpapalapit sa pang-unawa ng paglalarawang espirituwal sa pamamagitan ng paglalagay rito sa isang pisikal na kasuutan ay isang dakilang layuning pang-edukasyon. info

• فضل التواضع.
Ang kainaman ng pagpapakumbaba. info

• الإحسان سبب للسعادة.
Ang paggawa ng maganda ay isang kadahilanan ng kaligayahan. info

• الإيمان سبب لدفاع الله عن العبد ورعايته له.
Ang pananampalataya ay isang kadahilanan ng pagtatanggol ni Allāh sa tao at pangangalaga Niya rito. info