Translation of the Meanings of the Noble Qur'an - Persian Filipino (Tagalog) translation of Al-Mukhtsar in interpretation of the Noble Quran

Page Number:close

external-link copy
84 : 18

إِنَّا مَكَّنَّا لَهُۥ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَءَاتَيۡنَٰهُ مِن كُلِّ شَيۡءٖ سَبَبٗا

Tunay na Kami ay nagbigay-kapangyarihan para sa kanya sa lupain at nagbigay sa kanya mula sa bawat bagay na nakasalalay rito ang hinihiling niya ng isang daang umaabot siya sa pamamagitan nito sa ninanais niya. info
التفاسير:

external-link copy
85 : 18

فَأَتۡبَعَ سَبَبًا

Kaya tumanggap siya sa ibinigay Namin sa kanya na mga kaparaanan at mga paraan para makaabot sa hinihiling niya saka dumako siya sa kanluran. info
التفاسير:

external-link copy
86 : 18

حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ مَغۡرِبَ ٱلشَّمۡسِ وَجَدَهَا تَغۡرُبُ فِي عَيۡنٍ حَمِئَةٖ وَوَجَدَ عِندَهَا قَوۡمٗاۖ قُلۡنَا يَٰذَا ٱلۡقَرۡنَيۡنِ إِمَّآ أَن تُعَذِّبَ وَإِمَّآ أَن تَتَّخِذَ فِيهِمۡ حُسۡنٗا

Naglakbay siya sa lupain, na hanggang sa nang makarating siya sa wakas ng lupain sa dako ng kanluran ng araw sa abot ng nakikita ng mata ay nakita niya ito na para bang ito ay lumulubog sa isang mainit na bukal na may putik na itim at nakatagpo siya sa malapit sa kanluran ng araw ng mga taong tagatangging sumampalataya. Nagsabi Kami sa kanya bilang paraan ng pagpapapili: O Dhul Qarnayn, maaari na magparusa ka sa mga ito sa pamamagitan ng pagpatay o sa pamamagitan ng iba pa at maaari na gumawa ka ng maganda sa kanila."
info
التفاسير:

external-link copy
87 : 18

قَالَ أَمَّا مَن ظَلَمَ فَسَوۡفَ نُعَذِّبُهُۥ ثُمَّ يُرَدُّ إِلَىٰ رَبِّهِۦ فَيُعَذِّبُهُۥ عَذَابٗا نُّكۡرٗا

Nagsabi si Dhulqarnayn: "Hinggil sa sinumang nagtambal kay Allāh at nagpumilit niyon matapos ng paanyaya namin dito tungo sa pagsamba kay Allāh, magpaparusa kami rito sa pamamagitan ng pagpatay sa Mundo. Pagkatapos pababalikin ito sa Panginoon nito sa Araw ng Pagbangon saka pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang karumal-dumal. info
التفاسير:

external-link copy
88 : 18

وَأَمَّا مَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَلَهُۥ جَزَآءً ٱلۡحُسۡنَىٰۖ وَسَنَقُولُ لَهُۥ مِنۡ أَمۡرِنَا يُسۡرٗا

Hinggil sa sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at gumawa ng gawang maayos, ukol dito ang Paraiso bilang ganti mula sa Panginoon nito dahil sa pananampalataya nito at gawa nitong maayos. Magsasabi kami rito mula sa utos namin nang may kabaitan at pagkabanayad." info
التفاسير:

external-link copy
89 : 18

ثُمَّ أَتۡبَعَ سَبَبًا

Pagkatapos sumunod siya sa isang daan na hindi ang daan niyang una habang dumadako sa dako ng sinisikatan ng araw. info
التفاسير:

external-link copy
90 : 18

حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ مَطۡلِعَ ٱلشَّمۡسِ وَجَدَهَا تَطۡلُعُ عَلَىٰ قَوۡمٖ لَّمۡ نَجۡعَل لَّهُم مِّن دُونِهَا سِتۡرٗا

Naglakbay siya, na hanggang sa nang nakarating siya sa lugar na nililitawan ng araw sa abot ng nakikita ng mata ay nakatagpo siya sa araw na lumilitaw sa mga taong hindi Kami gumawa para sa kanila laban sa araw ng anumang magsasanggalang sa kanila gaya ng mga bahay at gaya ng mga lilim ng mga punong-kahoy.
info
التفاسير:

external-link copy
91 : 18

كَذَٰلِكَۖ وَقَدۡ أَحَطۡنَا بِمَا لَدَيۡهِ خُبۡرٗا

Gayon ang lagay ng may dalawang sungay at pumaligid nga ang kaalaman Namin sa mga detalye ng taglay niya na lakas at kapamahalaan. info
التفاسير:

external-link copy
92 : 18

ثُمَّ أَتۡبَعَ سَبَبًا

Pagkatapos sumunod siya sa isang daang hindi ang unang dalawang daan, na nakapahalang sa pagitan ng silangan at kanluran. info
التفاسير:

external-link copy
93 : 18

حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ بَيۡنَ ٱلسَّدَّيۡنِ وَجَدَ مِن دُونِهِمَا قَوۡمٗا لَّا يَكَادُونَ يَفۡقَهُونَ قَوۡلٗا

Naglakbay siya hanggang sa nang nakarating siya sa bukana sa pagitan ng dalawang bundok saka nakatagpo siya sa bahagi ng dalawang ito ng mga taong hindi halos nakaiintindi ng pananalita ng iba pa sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
94 : 18

قَالُواْ يَٰذَا ٱلۡقَرۡنَيۡنِ إِنَّ يَأۡجُوجَ وَمَأۡجُوجَ مُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَهَلۡ نَجۡعَلُ لَكَ خَرۡجًا عَلَىٰٓ أَن تَجۡعَلَ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَهُمۡ سَدّٗا

Nagsabi sila: "O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog (tumutukoy sila sa dalawang kalipunang malaki kabilang sa mga anak ni Adan) ay mga tagagulo sa lupain dahil sa isinasagawa nila na pagpatay at iba pa. Kaya magtatalaga kaya kami para sa iyo ng yaman para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang pangharang?" info
التفاسير:

external-link copy
95 : 18

قَالَ مَا مَكَّنِّي فِيهِ رَبِّي خَيۡرٞ فَأَعِينُونِي بِقُوَّةٍ أَجۡعَلۡ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُمۡ رَدۡمًا

Nasabi si Dhulqarnayn: "Ang anumang itinustos sa akin ng Panginoon ko na paghahari at kapamahalaan ay higit na mabuti para sa akin kaysa sa ibibigay ninyo sa akin na yaman; ngunit tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng mga kalalakihan at mga kagamitan, gagawa ako sa pagitan ninyo at nila ng isang pangharang. info
التفاسير:

external-link copy
96 : 18

ءَاتُونِي زُبَرَ ٱلۡحَدِيدِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا سَاوَىٰ بَيۡنَ ٱلصَّدَفَيۡنِ قَالَ ٱنفُخُواْۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَعَلَهُۥ نَارٗا قَالَ ءَاتُونِيٓ أُفۡرِغۡ عَلَيۡهِ قِطۡرٗا

Maghatid kayo ng mga piraso ng bakal." Kaya naghatid sila ng mga ito saka nagsimula siya na nagpapatayo sa pamamagitan ng mga ito sa pagitan ng dalawang bundok hanggang sa nang nagpantay siya sa dalawang ito sa pamamagitan ng pagpapatayo niya. Nagsabi siya sa mga manggagawa: "Magpaliyab kayo ng apoy sa mga pirasong ito." Hanggang sa nang namula ang mga piraso ng bakal ay nagsabi siya: "Maghatid kayo sa akin ng tanso, magbubuhos ako nito roon." info
التفاسير:

external-link copy
97 : 18

فَمَا ٱسۡطَٰعُوٓاْ أَن يَظۡهَرُوهُ وَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ لَهُۥ نَقۡبٗا

Kaya hindi nakakaya ang Gog at ang Magog na pumaitaas doon dahil sa taas niyon at hindi sila nakakaya na bumutas roon mula sa ilalim niyon dahil sa katigasan niyon. info
التفاسير:
Benefits of the verses in this page:
• أن ذا القرنين أحد الملوك المؤمنين الذين ملكوا الدنيا وسيطروا على أهلها، فقد آتاه الله ملكًا واسعًا، ومنحه حكمة وهيبة وعلمًا نافعًا.
Na si Dhulqarnayn ay isa sa mga haring mananampalatayang naghari sa Mundo at nangibabaw sa mga naninirahan dito sapagkat nagbigay nga si Allāh sa kanya ng isang malawak na paghahari at nagkaloob ng isang karunungang taal at isang kaalamang napakikinabangan. info

• من واجب الملك أو الحاكم أن يقوم بحماية الخلق في حفظ ديارهم، وإصلاح ثغورهم من أموالهم.
Kabilang sa tungkulin ng hari o tagapamahala na magsagawa ng pagtatanggol sa mga nilikha sa pangangalaga sa mga tahanan nila at pagsasaayos ng mga hangganan nila mula sa mga yaman nila. info

• أهل الصلاح والإخلاص يحرصون على إنجاز الأعمال ابتغاء وجه الله.
Ang mga alagad ng kaayusan at pagpapakawagas ay nagsisigasig sa pagsasakatuparan sa mga gawain sa paghahangad ng kaluguran ng mukha ni Allāh. info