Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog jezik) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana

Broj stranice:close

external-link copy
74 : 43

إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي عَذَابِ جَهَنَّمَ خَٰلِدُونَ

Tunay na ang mga salarin dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, sa pagdurusa sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon, ay mga mamamalagi roon magpakailanman. info
التفاسير:

external-link copy
75 : 43

لَا يُفَتَّرُ عَنۡهُمۡ وَهُمۡ فِيهِ مُبۡلِسُونَ

Hindi pagagaanin para sa kanila ang pagdurusa, habang sila roon ay mga nawawalan ng pag-asa sa awa ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
76 : 43

وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن كَانُواْ هُمُ ٱلظَّٰلِمِينَ

Hindi Kami lumabag sa katarungan sa kanila kapag magpapasok Kami sa kanila sa Apoy, subalit sila dati ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
77 : 43

وَنَادَوۡاْ يَٰمَٰلِكُ لِيَقۡضِ عَلَيۡنَا رَبُّكَۖ قَالَ إِنَّكُم مَّٰكِثُونَ

Mananawagan sila sa tagatanod ng Apoy, kay Anghel Mālik, na mga nagsasabi: "O Mālik, magbigay-kamatayan sa amin ang Panginoon mo para makapagpahinga kami sa pagdurusa." Kaya sasagot sa kanila si Mālik sa pamamagitan ng sabi niya: "Tunay na kayo ay mga mamamalagi sa pagdurusa palagi, habang hindi mamamatay at hindi napuputol sa inyo ang pagdurusa." info
التفاسير:

external-link copy
78 : 43

لَقَدۡ جِئۡنَٰكُم بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَكُمۡ لِلۡحَقِّ كَٰرِهُونَ

Talaga ngang naghatid Kami sa inyo sa Mundo ng katotohanang walang mapag-aalinlanganan doon, subalit ang karamihan sa inyo sa katotohanan ay mga nasusuklam. info
التفاسير:

external-link copy
79 : 43

أَمۡ أَبۡرَمُوٓاْ أَمۡرٗا فَإِنَّا مُبۡرِمُونَ

Ngunit kung nanlansi sila sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at naghanda sila para sa kanya ng isang pakana, tunay na Kami ay tagapatatag para sa kanila ng isang panukalang hihigit sa pakana nila. info
التفاسير:

external-link copy
80 : 43

أَمۡ يَحۡسَبُونَ أَنَّا لَا نَسۡمَعُ سِرَّهُمۡ وَنَجۡوَىٰهُمۚ بَلَىٰ وَرُسُلُنَا لَدَيۡهِمۡ يَكۡتُبُونَ

O nagpapalagay sila na tunay na Kami ay hindi nakaririnig ng lihim nila na ikinukubli nila sa mga puso nila o ng lihim nilang nagtatalakayan sila hinggil dito nang pakubli. Bagkus tunay na Kami ay nakaririnig niyon sa kabuuan niyon, at ang mga anghel sa piling nila ay nagtatala ng bawat ginagawa nila. info
التفاسير:

external-link copy
81 : 43

قُلۡ إِن كَانَ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٞ فَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلۡعَٰبِدِينَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga nag-uugnay ng mga babaing anak kay Allāh – pagkataas-taas ni Allāh sa sabi nila ayon sa kataasang malaki: "Hindi nagkaroon si Allāh ng anak. Nagpakawalang-kaugnayan Siya roon at nagpakabanal, saka ako ay ang una sa mga tagasamba kay Allāh – pagkataas-taas Siya – na mga nawawalang-kaugnayan [niyon] sa Kanya."
info
التفاسير:

external-link copy
82 : 43

سُبۡحَٰنَ رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ رَبِّ ٱلۡعَرۡشِ عَمَّا يَصِفُونَ

Nagpawalang-kaugnayan ang Panginoon ng mga langit at lupa at ang Panginoon ng Trono tungkol sa sinasabi ng mga tagapagtambal na ito na pag-uugnay ng katambal, asawa, at anak sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
83 : 43

فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ

Kaya iwan mo sila, O Sugo, na mag-usap hinggil sa taglay nila na kabulaanan at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang ipinangangako sa kanila, ang Araw ng Pagbangon. info
التفاسير:

external-link copy
84 : 43

وَهُوَ ٱلَّذِي فِي ٱلسَّمَآءِ إِلَٰهٞ وَفِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَٰهٞۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ

Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang sinasamba sa langit ayon sa karapatan at Siya ay ang sinasamba sa lupa ayon sa karapatan. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya; ang Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga iyon na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
85 : 43

وَتَبَارَكَ ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

Nagkadagdagan ang kabutihan ni Allāh at ang pagpapala Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na ukol sa Kanya lamang ang paghahari sa mga langit, ang paghahari sa lupa, at ang paghahari sa anumang nasa pagitan ng mga ito. Nasa Kanya lamang ang kaalaman sa Huling Sandali kung kailan sasapit ang Pagbangon, na walang nakaaalam dito na iba pa sa Kanya. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay para sa pagtutuos at pagganti. info
التفاسير:

external-link copy
86 : 43

وَلَا يَمۡلِكُ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَن شَهِدَ بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ

Hindi nakapagdudulot ang mga sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh ng pamamagitan sa piling ni Allāh maliban sa mga sumaksi na walang Diyos kundi si Allāh samantalang siya ay nakaaalam sa sinaksihan niya, tulad ni Jesus, ni Ezra, at ng mga anghel. info
التفاسير:

external-link copy
87 : 43

وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَهُمۡ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ

Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga sila: "Lumikha sa amin si Allāh." Kaya papaanong nalilihis sila sa pagsamba sa Kanya matapos ng pag-aming ito? info
التفاسير:

external-link copy
88 : 43

وَقِيلِهِۦ يَٰرَبِّ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمٞ لَّا يُؤۡمِنُونَ

Nasa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ang kaalaman sa hinaing ng Sugo Niya na pagpapasinungaling ng mga kababayan niya. Ang sabi niya hinggil doon: "O Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay mga taong hindi sumasampalataya sa ipinasugo Mo sa akin sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
89 : 43

فَٱصۡفَحۡ عَنۡهُمۡ وَقُلۡ سَلَٰمٞۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ

Kaya umayaw ka sa kanila at magsabi ka sa kanila ng magtutulak sa kasamaan nila – ito noon ay sa Makkah – sapagkat malalaman nila ang daranasin nila na parusa. info
التفاسير:
Poruke i pouke ajeta na ovoj stranici:
• كراهة الحق خطر عظيم.
Ang pagkasuklam sa katotohanan ay isang panganib na mabigat. info

• مكر الكافرين يعود عليهم ولو بعد حين.
Ang panlalansi ng mga tagatangging sumampalataya ay nanunumbalik sa kanila, kahit pa man matapos ng isang panahon. info

• كلما ازداد علم العبد بربه، ازداد ثقة بربه وتسليمًا لشرعه.
Sa tuwing nadaragdagan ang kaalaman ng tao hinggil sa Panginoon niya, nadaragdagan siya ng tiwala sa Panginoon niya at pagpapasakop sa batas Niya. info

• اختصاص الله بعلم وقت الساعة.
Ang pamumukod ni Allāh hinggil sa kaalaman sa oras ng Huling Sandali. info