Prijevod značenja časnog Kur'ana - Filipinski prijevod (Tagalog jezik) sažetog tefsira Plemenitog Kur'ana

Broj stranice:close

external-link copy
6 : 13

وَيَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلسَّيِّئَةِ قَبۡلَ ٱلۡحَسَنَةِ وَقَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِمُ ٱلۡمَثُلَٰتُۗ وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغۡفِرَةٖ لِّلنَّاسِ عَلَىٰ ظُلۡمِهِمۡۖ وَإِنَّ رَبَّكَ لَشَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

Nagmamadali sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal ng kaparusahan at nagmamabagal sila ng pagbaba nito sa kanila bago ng pagkabuo ng mga biyayang itinakda ni Allāh para sa kanila. Nagdaan na bago pa nila ang mga kaparusahan sa mga tulad nila kabilang sa mga kalipunang tagapagpasinungaling, kaya hindi ba sila nagsasaalang-alang sa mga ito? Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang may pagpapalampas [sa sala] ng mga tao sa kabila ng paglabag nila sa katarungan sapagkat hindi Niya minamadali ang parusa sa kanila upang magbalik-loob sila kay Allāh. Tunay na Siya ay talagang malakas ang parusa para sa mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila kung hindi sila nagbalik-loob. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 13

وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ ءَايَةٞ مِّن رَّبِّهِۦٓۗ إِنَّمَآ أَنتَ مُنذِرٞۖ وَلِكُلِّ قَوۡمٍ هَادٍ

Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh bilang pagpapalabis sa pagbalakid at pagmamatigas: "Bakit nga ba walang pinababa kay Muḥammad na isang tanda mula sa Panginoon niya tulad ng pinababa kina Moises at Jesus?" Ikaw, O Sugo, ay isang tagapagbabala lamang. Nagpapangamba ka sa mga tao laban sa pagdurusa mula kay Allāh at wala kang anumang mga tanda kundi ang ibinigay sa iyo ni Allāh. Para sa bawat [pangkat ng] mga tao ay may propeta na gumagabay sa kanila tungo sa daan ng katotohanan at nagtuturo sa kanila roon. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 13

ٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تَحۡمِلُ كُلُّ أُنثَىٰ وَمَا تَغِيضُ ٱلۡأَرۡحَامُ وَمَا تَزۡدَادُۚ وَكُلُّ شَيۡءٍ عِندَهُۥ بِمِقۡدَارٍ

Si Allāh ay nakaaalam sa anumang dinadala ng bawat babae sa tiyan nito, nakaaalam sa bawat bagay tungkol doon, nakaaalam sa anumang nangyayari sa mga sinapupunan na kakulangan at karagdagan, at kalusugan at kapansanan. Bawat bagay sa ganang Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ay tinakdaan ng sukat: hindi nakadaragdag dito at hindi nakababawas dito. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 13

عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ ٱلۡكَبِيرُ ٱلۡمُتَعَالِ

[Ito ay] dahil Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Nakaaalam sa bawat nalingid sa mga pandama ng nilikha Niya at Nakaaalam sa bawat natatalos ng mga pandama nila; ang Dakila sa mga katangian Niya, mga pangalan Niya, at mga gawa Niya; ang Kataas-taasan sa bawat nilikha kabilang sa mga nilikha Niya – sa sarili Niya at mga katangian Niya. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 13

سَوَآءٞ مِّنكُم مَّنۡ أَسَرَّ ٱلۡقَوۡلَ وَمَن جَهَرَ بِهِۦ وَمَنۡ هُوَ مُسۡتَخۡفِۭ بِٱلَّيۡلِ وَسَارِبُۢ بِٱلنَّهَارِ

Nakaaalam Siya sa lihim at higit na kubli. Nagkakapantay sa kaalaman Niya ang sinumang nagkubli kabilang sa inyo, O mga tao, ng sinabi at ang sinumang nagpahayag nito. Nagkakapantay sa kaalaman Niya, gayon din, ang sinumang nagpapatago sa kadiliman ng gabi palayo sa mga mata ng mga tao at ang sinumang naghahayag sa mga gawain niya sa kaliwanagan ng maghapon. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 13

لَهُۥ مُعَقِّبَٰتٞ مِّنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦ يَحۡفَظُونَهُۥ مِنۡ أَمۡرِ ٱللَّهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُغَيِّرُ مَا بِقَوۡمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُواْ مَا بِأَنفُسِهِمۡۗ وَإِذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِقَوۡمٖ سُوٓءٗا فَلَا مَرَدَّ لَهُۥۚ وَمَا لَهُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَالٍ

Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay may mga anghel na sumusunod ang isa't isa sa kanila sa tao sapagkat pumupunta ang iba sa kanila sa gabi at ang iba sa kanila sa maghapon. Nangangalaga sila sa tao ayon sa utos ni Allāh laban sa kabuuan ng mga pagtatakda na itinakda ni Allāh para sa tao na pigilin [na mangyari] ang mga ito sa tao. Nagsusulat sila ng mga sinabi nito at mga ginawa nito. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapaiba sa anumang nasa mga tao, mula sa isang kalagayang kaaya-aya tungo sa kalagayang iba pa na hindi nagpapagalak sa kanila, hanggang sa magpaiba sila sa nasa mga sarili nila gaya ng kalagayan ng pagpapasalamat. Kapag nagnais si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga tao ng isang kapahamakan ay walang tagapigil sa ninais Niya. Walang ukol sa inyo, O mga tao, bukod pa kay Allāh, na anumang tagatangkilik na tatangkilik sa mga nauukol sa inyo para dulugan ninyo para maitulak ang dumapo sa inyo na pagsubok. info
التفاسير:

external-link copy
12 : 13

هُوَ ٱلَّذِي يُرِيكُمُ ٱلۡبَرۡقَ خَوۡفٗا وَطَمَعٗا وَيُنشِئُ ٱلسَّحَابَ ٱلثِّقَالَ

Siya ang nagpapakita sa inyo, O mga tao, ng kidlat at nagsasama para sa inyo rito ng pangamba sa mga lintik at paghahangad sa ulan. Siya ang nagpapairal sa mga ulap na namimigat sa tubig ng ulang masagana. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 13

وَيُسَبِّحُ ٱلرَّعۡدُ بِحَمۡدِهِۦ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ مِنۡ خِيفَتِهِۦ وَيُرۡسِلُ ٱلصَّوَٰعِقَ فَيُصِيبُ بِهَا مَن يَشَآءُ وَهُمۡ يُجَٰدِلُونَ فِي ٱللَّهِ وَهُوَ شَدِيدُ ٱلۡمِحَالِ

Nagluluwalhati ang kulog sa Panginoon nito ayon sa pagluluwalhating nalalakipan ng pagpupuri sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – at nagluluwalhati ang mga anghel sa Panginoon nila dala ng pangamba sa Kanya, dala ng pagpipitagan, at dala ng pagdakila sa Kanya. Nagpapadala Siya ng mga lintik na nanununog sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga nilikha Niya para magpahamak Siya rito habang ang mga tagatangging sumampalataya ay nakikipaghidwaan hinggil sa kaisahan Niya samantalang Siya ay matindi ang pagpapagalaw at ang lakas sapagkat wala Siyang ninanais na anuman malibang nagagawa Niya.
info
التفاسير:
Poruke i pouke ajeta na ovoj stranici:
• عظيم مغفرة الله وحلمه عن خطايا بني آدم، فهم يستكبرون ويَتَحَدَّوْنَ رسله وأنبياءه، ومع هذا يرزقهم ويعافيهم ويحلم عنهم.
Ang kadakilaan ng kapatawaran ni Allāh at pagtitimpi Niya sa mga pagkakamali ng mga anak ni Adan sapagkat sila ay nagmamalaki at naghahamon sa mga sugo Niya at mga propeta Niya. Sa kabila nito ay nagtutustos Siya sa kanila, nagpapagaling Siya sa kanila, at nagtitimpi Siya sa kanila. info

• سعة علم الله تعالى بما في ظلمة الرحم، فهو يعلم أمر النطفة الواقعة في الرحم، وصَيْرُورتها إلى تخليق ذكر أو أنثى، وصحته واعتلاله، ورزقه وأجله، وشقي أو سعيد، فعلمه بها عام شامل.
Ang lawak ng kaalaman ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa anumang nasa kadiliman ng sinapupunan sapagkat Siya ay nakaaalam sa nauukol sa punlay na bumabagsak sa sinapupunan, sa pagbabagong-anyo nito tungo sa pagbuo ng isang lalaki o isang babae, sa kalusugan nito at kapansanan nito, sa pagtutustos dito at taning nito, at sa pagiging malumbay o maligaya nito. Ang kaalaman Niya sa mga ito ay panlahat at masaklaw. info

• عظيم عناية الله ببني آدم، وإثبات وجود الملائكة التي تحرسه وتصونه وغيرهم مثل الحَفَظَة.
Ang kadakilaan ng pagmamalasakit ni Allāh sa mga anak ni Adan, ang pagpapatunay sa kairalan ng mga anghel na nagtatanod sa kanila at nangangalaga sa kanila, at ng iba pa sa kanila tulad ng mga tagapag-ingat. info

• أن الله تعالى يغير حال العبد إلى الأفضل متى ما رأى منه اتباعًا لأسباب الهداية، فهداية التوفيق منوطة باتباع هداية البيان.
Na Si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagpapaiba sa kalagayan ng tao tungo sa pinakamainam kapag hindi Siya nakakita rito ng isang pagsunod sa mga kadahilanan ng kapatnubayan sapagkat ang kapatnubayan sa pagtutuon [sa tama] ay nakasalalay sa pagsunod sa kapatnubayan ng paglilinaw. info