আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
71 : 36

أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا خَلَقۡنَا لَهُم مِّمَّا عَمِلَتۡ أَيۡدِينَآ أَنۡعَٰمٗا فَهُمۡ لَهَا مَٰلِكُونَ

Hindi ba sila nakaalam na Kami ay lumikha para sa kanila ng mga hayupan kaya sila para sa nauukol sa mga hayupang iyon ay mga tagapagmay-ari, na nakapagpapaganap sila sa mga iyon ng anumang hinihiling ng mga kapakanan nila? info
التفاسير:

external-link copy
72 : 36

وَذَلَّلۡنَٰهَا لَهُمۡ فَمِنۡهَا رَكُوبُهُمۡ وَمِنۡهَا يَأۡكُلُونَ

Pinagsilbi Namin ang mga ito para sa kanila at gumawa Kami sa mga ito bilang mga naaakay para sa kanila, kaya sa ibabaw ng mga likod ng ilan sa mga ito ay sumasakay sila at nagkakarga sila ng mga pasanin nila at mula sa mga karne ng ilan sa mga ito ay kumakain sila. info
التفاسير:

external-link copy
73 : 36

وَلَهُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ وَمَشَارِبُۚ أَفَلَا يَشۡكُرُونَ

Para sa kanila sa mga ito ay mga pakinabang na iba pa sa pagsakay sa mga likod ng mga ito at pagkain ng mga karne ng mga ito, tulad ng mga lana ng mga ito, mga balahibo ng mga ito, mga buhok ng mga ito, at mga halaga ng mga ito, sapagkat mula sa mga ito ay yumayari sila ng mga karpet at mga kasuutan. Para sa kanila sa mga ito ay mga inumin yayamang umiinom sila mula sa mga gatas ng mga ito. Kaya hindi ba sila magpapasalamat kay Allāh na nagmagandang-loob sa kanila ng mga biyayang ito at ng iba pa sa mga ito? info
التفاسير:

external-link copy
74 : 36

وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةٗ لَّعَلَّهُمۡ يُنصَرُونَ

Gumawa ang mga tagapagtambal sa bukod pa kay Allāh ng mga diyos na sinasamba nila, sa pag-asang mag-adya ang mga ito sa kanila para sumagip ang mga ito sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
75 : 36

لَا يَسۡتَطِيعُونَ نَصۡرَهُمۡ وَهُمۡ لَهُمۡ جُندٞ مُّحۡضَرُونَ

Ang mga diyos na iyon na ginawa nila ay hindi nakakakaya ng pag-aadya sa mga sarili ng mga ito ni sa pag-aadya sa mga sumasamba sa mga ito bukod pa kay Allāh. Sila at ang mga anito nila ay magkasamang padadaluhin sa pagdurusa habang nagpapawalang-kaugnayan ang bawat isa sa kanila sa iba. info
التفاسير:

external-link copy
76 : 36

فَلَا يَحۡزُنكَ قَوۡلُهُمۡۘ إِنَّا نَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَ

Kaya huwag magpalungkot sa iyo, O Sugo, ang sabi nilang tunay na ikaw ay hindi isinugo o tunay na ikaw ay manunula, at iba pa roon kabilang sa paninirang-puri nila. Tunay na Kami ay nakaaalam sa anumang ikinukubli nila mula roon at anumang inilalantad nila. Walang nakakukubli sa Amin mula roon na anuman at gaganti Kami sa kanila roon. info
التفاسير:

external-link copy
77 : 36

أَوَلَمۡ يَرَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَٰهُ مِن نُّطۡفَةٖ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٞ مُّبِينٞ

Hindi ba nag-iisip ang taong nagkakaila sa pagkabuhay na muli matapos ng kamatayan na Kami ay lumikha sa kanya mula sa punlay? Pagkatapos dumaan siya sa mga yugto hanggang sa ipinanganak at inaruga. Pagkatapos siya ay naging madalas sa pakikipag-alitan at pakikipagtalo. Hindi ba siya nakaalam niyon upang makapaghinuha siya sa pamamagitan nito sa posibilidad ng pagkaganap ng pagkabuhay na muli? info
التفاسير:

external-link copy
78 : 36

وَضَرَبَ لَنَا مَثَلٗا وَنَسِيَ خَلۡقَهُۥۖ قَالَ مَن يُحۡيِ ٱلۡعِظَٰمَ وَهِيَ رَمِيمٞ

Nalingat ang tagatangging sumampalataya na ito at nagpakamangmang siya nang ipinampatunay niya ang mga butong bulok sa kaimposiblehan ng pagkabuhay na muli sapagkat nagsabi siya: "Sino ang magpapanumbalik dito?" Nalingid sa kanya ang pagkalikha sa kanya mismo mula sa kawalan. info
التفاسير:

external-link copy
79 : 36

قُلۡ يُحۡيِيهَا ٱلَّذِيٓ أَنشَأَهَآ أَوَّلَ مَرَّةٖۖ وَهُوَ بِكُلِّ خَلۡقٍ عَلِيمٌ

Sabihin mo, O Muḥammad, habang sumasagot sa kanya: "Magbibigay-buhay sa mga butong bulok na ito ang lumikha rito sa unang pagkakataon sapagkat ang lumikha ng mga ito sa unang pagkakataon ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagpapanumbalik ng buhay ng mga ito. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa bawat nilikha ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman." info
التفاسير:

external-link copy
80 : 36

ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلشَّجَرِ ٱلۡأَخۡضَرِ نَارٗا فَإِذَآ أَنتُم مِّنۡهُ تُوقِدُونَ

[Siya] ang gumawa para sa inyo, O mga tao, mula sa mga luntiang punong-kahoy na mahalumigmig ng isang apoy na hinahango ninyo mula sa mga ito, saka biglang kayo ay nagpapaningas mula sa mga ito ng isang apoy. Ang sinumang nagsama sa dalawang magkasalungat, sa pagkabasa ng tubig ng mga punong-kahoy na luntian at sa apoy na naglalagablab sa mga ito, ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay. info
التفاسير:

external-link copy
81 : 36

أَوَلَيۡسَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يَخۡلُقَ مِثۡلَهُمۚ بَلَىٰ وَهُوَ ٱلۡخَلَّٰقُ ٱلۡعَلِيمُ

Hindi ba ang lumikha ng mga langit at lupa sa kabila ng kasukdulang nasa mga ito ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay matapos ng pagbibigay-kamatayan sa kanila? Oo; tunay na Siya ay talagang nakakakaya niyon. Siya ay ang Palalikha na lumikha sa lahat ng mga nilikha, ang Maalam sa mga ito: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
82 : 36

إِنَّمَآ أَمۡرُهُۥٓ إِذَآ أَرَادَ شَيۡـًٔا أَن يَقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ

Tanging ang utos ni Allāh at gawi Niya – kaluwalhatian sa Kanya – kapag nagnais Siya ng pagpapairal ng isang bagay ay na magsabi roon: "Mangyari," saka mangyayari ang bagay na iyon na ninanais Niya. Kabilang doon ang ninanais Niya na pagbibigay-buhay, pagbibigay-kamatayan, pagkabuhay na muli, at iba pa sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
83 : 36

فَسُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي بِيَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيۡءٖ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

Kaya nagpakawalang-kapintasan si Allāh at nagpakabanal Siya palayo sa anumang inuugnay sa Kanya ng mga tagapagtambal na kawalang-kakayahan sapagkat Siya ay ang nagtataglay ng pagmamay-ari sa mga bagay sa kabuuan ng mga ito. Nakapagpapaganap Siya sa mga ito ng anumang niloloob Niya. Nasa kamay Niya ang mga susi ng bawat bagay. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• من فضل الله ونعمته على الناس تذليل الأنعام لهم، وتسخيرها لمنافعهم المختلفة.
Bahagi ng kabutihang-loob ni Allāh at biyaya Niya sa mga tao ay ang pagpapaamo ng mga hayupan para sa kanila at ang pagpapasilbi sa mga ito para sa mga napakikinabangan nilang magkakaiba. info

• وفرة الأدلة العقلية على يوم القيامة وإعراض المشركين عنها.
Ang kasaganaan ng mga patunay na pangkaisipan ukol sa Araw ng Pagbangon at ang pag-ayaw ng mga tagapagtambal sa mga iyon. info

• من صفات الله تعالى أن علمه تعالى محيط بجميع مخلوقاته في جميع أحوالها، في جميع الأوقات، ويعلم ما تنقص الأرض من أجساد الأموات وما يبقى، ويعلم الغيب والشهادة.
Bahagi ng mga katangian ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ay na ang kaalaman Niya – pagkataas-taas Siya – ay sumasaklaw sa lahat ng mga nilikha Niya sa lahat ng mga kalagayan nila sa lahat ng mga oras. Nakaaalam Siya sa anumang ibinabawas ng lupa na mga katawan ng mga patay at anumang natitira. Nakaaalam Siya sa Lingid at Nasasaksihan. info