আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ

পৃষ্ঠা নং:close

external-link copy
55 : 36

إِنَّ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ ٱلۡيَوۡمَ فِي شُغُلٖ فَٰكِهُونَ

Tunay na ang mga maninirahan sa Paraiso, sa Araw ng Pagbangon, ay mga abala sa pag-iisip sa iba pa sa kanila dahil nakasaksi sila ng kaginhawahang mananatili at pagtamong sukdulan kaya sila ay magbibiro hinggil doon habang mga pinagagalak. info
التفاسير:

external-link copy
56 : 36

هُمۡ وَأَزۡوَٰجُهُمۡ فِي ظِلَٰلٍ عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ مُتَّكِـُٔونَ

Sila at ang mga asawa nila ay magiginhawahan sa mga supa sa ilalim ng lilim ng harding namumukadkad. info
التفاسير:

external-link copy
57 : 36

لَهُمۡ فِيهَا فَٰكِهَةٞ وَلَهُم مَّا يَدَّعُونَ

Magkakaroon sila sa paraisong ito ng mga uri ng mga bungang-kahoy na kaaya-aya gaya ng ubas, igos, at granada; at magkakaroon sila ng bawat hihilingin nila na minamasarap at mga uri ng ginhawa sapagkat ang anumang hiniling nila mula roon ay mangyayari para sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
58 : 36

سَلَٰمٞ قَوۡلٗا مِّن رَّبّٖ رَّحِيمٖ

Magkakaroon sila higit sa kaginhawahang ito ng kapayapaang mangyayari sa kanila, bilang sabi mula sa Panginoong Maawain sa kanila. Kapag bumati Siya ng kapayapaan sa kanila ay mangyayari sa kanila ang kaligtasan mula sa lahat ng mga anyo [ng kapahamakan] at mangyayari sa kanila ang pagbating walang pagbating higit na mataas kaysa roon. info
التفاسير:

external-link copy
59 : 36

وَٱمۡتَٰزُواْ ٱلۡيَوۡمَ أَيُّهَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ

Sasabihin sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon: "Magpakabukod kayo sa mga mananampalataya sapagkat hindi naaangkop sa kanila na sila ay maging kasama sa inyo dahil sa pagkakaibahan ng ganti sa inyo sa ganti sa kanila at ng mga katangian ninyo sa mga katangian nila. info
التفاسير:

external-link copy
60 : 36

۞ أَلَمۡ أَعۡهَدۡ إِلَيۡكُمۡ يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ أَن لَّا تَعۡبُدُواْ ٱلشَّيۡطَٰنَۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ

Hindi ba nagtagubilin Ako sa inyo at nag-utos Ako sa inyo ayon sa mga dila ng mga sugo Ko, at nagsabi Ako sa inyo, O mga anak ni Adan, na huwag kayong tumalima sa demonyo sa pamamagitan ng paggawa ng mga uri ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway? Tunay na ang demonyo para sa inyo ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway. Kaya papaano para sa isang nakapag-iisip na tumalima sa kaaway niya na nagpapakita sa kanya ng pangangaway nito? info
التفاسير:

external-link copy
61 : 36

وَأَنِ ٱعۡبُدُونِيۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ

Nag-utos Ako sa inyo, O mga anak ni Adan, na sumamba kayo sa Akin lamang at huwag kayong magtambal sa Akin ng anuman sapagkat ang pagsamba sa Akin lamang at ang pagtalima sa Akin ay isang daang tuwid na nagpapahantong sa pagkalugod Ko at pagpasok sa paraiso, subalit kayo ay hindi sumunod sa itinagubilin Ko sa inyo at ipinag-utos Ko sa inyo.
info
التفاسير:

external-link copy
62 : 36

وَلَقَدۡ أَضَلَّ مِنكُمۡ جِبِلّٗا كَثِيرًاۖ أَفَلَمۡ تَكُونُواْ تَعۡقِلُونَ

Talaga ngang nagligaw and demonyo mula sa inyo ng nilikhang marami. Kaya hindi ba nangyaring mayroon kayong mga isip na nag-uutos sa inyo ng pagtalima sa Panginoon ninyo at pagsamba sa Kanya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – at nagbabala sa inyo laban sa pagtalima sa demonyo na isang kaaway na maliwanag ang pangangaway sa inyo? info
التفاسير:

external-link copy
63 : 36

هَٰذِهِۦ جَهَنَّمُ ٱلَّتِي كُنتُمۡ تُوعَدُونَ

Ito ay ang Impiyerno na dati kayong pinangangakuan nito sa Mundo dahil sa kawalang-pananampalataya ninyo at dati itong nakalingid sa inyo. Ngayong Araw naman, heto kayo: nakikita ninyo ito ng pagkakita ng mata. info
التفاسير:

external-link copy
64 : 36

ٱصۡلَوۡهَا ٱلۡيَوۡمَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ

Pumasok kayo rito ngayong araw at tumingin kayo ng init nito dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh sa buhay ninyong pangmundo." info
التفاسير:

external-link copy
65 : 36

ٱلۡيَوۡمَ نَخۡتِمُ عَلَىٰٓ أَفۡوَٰهِهِمۡ وَتُكَلِّمُنَآ أَيۡدِيهِمۡ وَتَشۡهَدُ أَرۡجُلُهُم بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

Sa Araw na iyon, magsasara Kami sa mga bibig nila kaya sila ay magiging mga pipi. Hindi sila makapagsasalita ng pagtutol sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Magsasalita sa Amin ang mga kamay nila hinggil sa ginawa ng mga ito sa Mundo. Sasaksi ang mga paa nila hinggil sa dati nilang ginagawa na mga pagsuway at nilalakad. info
التفاسير:

external-link copy
66 : 36

وَلَوۡ نَشَآءُ لَطَمَسۡنَا عَلَىٰٓ أَعۡيُنِهِمۡ فَٱسۡتَبَقُواْ ٱلصِّرَٰطَ فَأَنَّىٰ يُبۡصِرُونَ

Kung sakaling niloloob Namin ang pagpapaalis ng mga paningin nila ay talaga sanang nagpaalis Kami ng mga ito kaya hindi sila nakakita saka mag-uunahan sila tungo sa landasin upang makatawid mula roon patungo sa paraiso ngunit imposible na makatawid sila yayamang naalis nga ang mga paningin nila. info
التفاسير:

external-link copy
67 : 36

وَلَوۡ نَشَآءُ لَمَسَخۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ مَكَانَتِهِمۡ فَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ مُضِيّٗا وَلَا يَرۡجِعُونَ

Kung sakaling niloloob Namin ang pagpapaiba sa pagkakalikha sa kanila at pagpapaupo sa kanila sa mga paa nila ay talaga sanang nagpaiba Kami sa pagkakalikha sa kanila at nagpaupo Kami sa kanila sa mga paa nila, kaya hindi sila makakakaya na umalis sa lugar nila at hindi sila makakakaya ng isang pagpunta sa harapan ni ng isang pagbalik sa hulihan. info
التفاسير:

external-link copy
68 : 36

وَمَن نُّعَمِّرۡهُ نُنَكِّسۡهُ فِي ٱلۡخَلۡقِۚ أَفَلَا يَعۡقِلُونَ

Ang sinumang pinahaba Namin sa buhay niya kabilang sa mga tao sa pamamagitan ng pagpapahaba sa edad niya ay magpapabalik Kami sa kanya sa yugto ng kahinaan. Kaya hindi ba sila nag-iisip-isip gamit ng mga isip nila at nakatatalos na itong tahanan [sa Mundo] ay hindi tahanan ng pananatili ni kawalang-hanggan, at na ang tahanang mananatili ay ang tahanan sa Kabilang-buhay? info
التفاسير:

external-link copy
69 : 36

وَمَا عَلَّمۡنَٰهُ ٱلشِّعۡرَ وَمَا يَنۢبَغِي لَهُۥٓۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ وَقُرۡءَانٞ مُّبِينٞ

Hindi Kami nagturo kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ng tula. Hindi nararapat para sa kanya iyon dahil ito ay hindi bahagi ng kalikasan niya at hindi humihiling nito ang pagkalalang sa kanya, para tumumpak para sa inyo ang pagsasabing siya raw ay manunula. Walang iba ang itinuro Namin sa kanya kundi isang paalaala at isang Qur'ān na maliwanag para sa sinumang nagnilay-nilay nito. info
التفاسير:

external-link copy
70 : 36

لِّيُنذِرَ مَن كَانَ حَيّٗا وَيَحِقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ

[Ito ay] upang magbabala sa sinumang naging buhay ang puso, na natatanglawan ang pagkatalos, sapagkat siya ang makikinabang dito, at [upang] magindapat ang pagdurusa laban sa mga tagatangging sumampalataya dahil nakapaglahad sa kanila ng katwiran sa pamamagitan ng pagpapababa nito at pagkaabot ng paanyaya niya sa kanila. Kaya walang natira para sa kanila na dahi-dahilang ipinandadahi-dahilan nila. info
التفاسير:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• في يوم القيامة يتجلى لأهل الإيمان من رحمة ربهم ما لا يخطر على بالهم.
Sa Araw ng Pagbangon ay malalantad para sa mga alagad ng pananampalataya dahil sa awa ng Panginoon nila ang hindi sumagi sa isip nila. info

• أهل الجنة مسرورون بكل ما تهواه النفوس وتلذه العيون ويتمناه المتمنون.
Ang mga mamamayan ng Paraiso ay mga pagagalakin sa pamamagitan ng bawat pinipithaya ng mga kaluluwa, minamasarap ng mga mata, at minimithi ng mga nagmimithi. info

• ذو القلب هو الذي يزكو بالقرآن، ويزداد من العلم منه والعمل.
Ang may puso ay ang nadadalisay sa pamamagitan ng Qur'ān at nadaragdagan ng kaalaman mula rito at gawa. info

• أعضاء الإنسان تشهد عليه يوم القيامة.
Ang mga bahagi ng katawan ng tao ay sasaksi sa kanya sa Araw ng Pagbangon. info