Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga tanda Niya. Ang mga iyon, aabot sa kanila ang bahagi nila mula sa talaan; hanggang sa nang dumating sa kanila ang mga sugo Namin[5] habang magpapapanaw sa kanila ay magsasabi ang mga ito: “Nasaan ang dati ninyong dinadalanginan bukod pa kay Allāh?” Magsasabi naman sila: “Nawala sila sa amin.” Sasaksi sila laban sa mga sarili nila na sila ay noon mga tagatangging sumampalataya.