Walang maisisisi sa kanila kaugnay sa [hindi pagbebelo sa] mga ama nila,[12] ni mga lalaking anak nila, ni mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, ni mga [kapwa] babae nila, ni mga babaing minay-ari ng mga kanang kamay nila.[13] Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Saksi.
[12] o mga tiyuhin nila sa ama o mga tiyuhin nila sa ina [13] sa tamang paraang ayon sa batas.