Kaya tumugon Kami sa kanya saka pumawi Kami sa anumang taglay niya na kapinsalaan. Nagbigay Kami sa kanya ng mag-anak niya at ng tulad nila kasama sa kanila bilang awa mula sa ganang Amin at bilang paalaala sa mga tagasamba.
[Banggitin]mo si Jonas] na may isda noong umalis siya habang may kinagagalitan saka nagpalagay siya na hindi Kami makakakaya sa kanya, ngunit nanawagan siya sa loob ng mga kadiliman, na [nagsasabi]: “Walang Diyos kundi Ikaw. Kaluwalhatian sa Iyo! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.”
[Banggitin] si Zacarias noong nanawagan siya sa Panginoon niya: “Panginoon ko, huwag Mo akong hayaang mag-isa. Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagmana.”
Kaya tumugon Kami sa kanya. Ipinagkaloob Namin sa kanya si Juan at isinaayos Namin para sa kanya ang maybahay niya. Tunay na sila[6] noon ay nakikipagmabilisan sa mga kabutihan at dumadalangin sa Amin sa pagmimithi at sa pangingilabot. Sila noon sa Amin ay mga nagtataimtim.
[6] Ibig sabihin: sina Zacarias at ang mag-anak niya.