Kung nagdiborsiyo kayo sa kanila bago pa kayo sumaling[64] sa kanila at nagsatungkulin na kayo para sa kanila ng isang tungkulin, ang kalahati ng isinatungkulin ninyo [ang ibibigay] maliban na magpaubaya sila [na mga babae] o magpaubaya ang [lalaki na] nasa kamay niya ang kasunduan ng kasal. Ang magpaubaya kayo ay higit na malapit sa pangingilag magkasala. Huwag kayong lumimot sa kabutihang-loob sa pagitan ninyo. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.