Noong may dumating sa kanila na isang Sugo[16] mula sa ganang kay Allāh, na tagapagpatotoo para sa taglay nila, ay itinatapon ng isang pangkat [ng mga Hudyo na] kabilang sa mga binigyan ng Kasulatan[17] ang Aklat ni Allāh sa likuran ng mga likod nila na para bang sila ay hindi nakaaalam.
[16] Ang Sugo na may malaking titik na S ay tumutukoy kay Propeta Muḥammad at gayon din ang Propeta na may malaking P. [17] Ang “mga binigyan ng Kasulatan” ay ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano, na tinatawg ding “mga May Kasulatan.”