Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, nagsaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin mula sa Kanya ng isang awa? Kaya sino ang mag-aadya sa akin laban kay Allāh kung sumuway ako sa Kanya? Kaya hindi kayo nakadaragdag sa akin ng iba pa sa isang pagpapalugi.
O mga kalipi ko, ito ay dumalagang kamelyo ni Allāh; para sa inyo ay isang tanda. Kaya hayaan ninyo ito na kumain sa lupain ni Allāh at huwag ninyong salingin ito ng isang kasagwaan dahil dadaklutin kayo ng isang pagdurusang malapit.
Ngunit kinatay nila ito, kaya nagsabi siya: “Magpakatamasa kayo sa tahanan ninyo nang tatlong araw. Iyon ay isang pangakong hindi mapasisinungalingan.”
Kaya noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay Ṣāliḥ at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin at [nagligtas Kami] mula sa kahihiyan sa araw na iyon. Tunay na ang Panginoon mo ay ang Malakas, ang Makapangyarihan.
Para bang hindi sila namuhay roon. Pansinin, tunay na ang [liping] Thamūd ay tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] Thamūd.
Talaga ngang naghatid ang mga [anghel na] sugo Namin kay Abraham ng balitang nakagagalak. Nagsabi sila: “Kapayapaan!” Nagsabi siya: “Kapayapaan.” Kaya hindi naglaon na naghatid siya ng isang guyang inihaw.
Ngunit noong nakita niya ang mga kamay nila na hindi umaabot doon [sa inihaw], naghinala siya sa kanila at nakadama siya mula sa kanila ng isang pangangamba. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba; tunay na kami ay isinugo sa mga tao ni Lot.”