Gayon Kami sumubok sa ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba pa kaya ginawa Namin sila na mga nagkakaibahan sa mga kapalarang pangmundo. Sumubok Kami sa kanila ng ganoon upang magsabi ang mga mayamang tagatangging sumampalataya sa mga maralita ng mga mananampalataya: "Ang mga maralitang ito ba ay nagmagandang-loob si Allāh sa kanila sa pamamagitan ng kapatnubayan sa gitna namin? Kung sakaling ang pananampalataya ay mabuti, hindi sana nila kami naunahan doon sapagkat kami ay ang mga may pangunguna." Hindi ba si Allāh ay higit na nakaaalam sa mga tagapagpasalamat sa mga biyaya Niya para magtuon Siya sa kanila sa pananampalataya at higit na nakaaalam sa mga tagatangging kumilala sa mga ito para magtatwa Siya sa kanila sapagkat hindi sila sumasampalataya? Oo nga; tunay na si Allāh ay higit na maalam sa kanila.
Kapag dumating sa iyo, O Sugo, ang mga sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh na sumasaksi sa katapatan ng inihatid mo ay gumanti ka sa kanila ng pagbati ng kapayapaan bilang pagpaparangal sa kanila. Magbalita ka sa kanila ng nakalulugod na lawak ng awa ni Allāh sapagkat nagsatungkulin Siya sa sarili Niya ng pagkaawa bilang pagsasatungkulin ng pagmamabuting-loob. Ang sinumang nakagawa kabilang sa inyo ng isang pagsuway sa sandali ng kamangmangan at kahunghangan, pagkatapos nagbalik-loob nang matapos ng pagkagawa niya nito at nagsaayos ng gawain niya, tunay na si Allāh ay magpapatawad sa kanya sa nagawa niya sapagkat si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Kung paanong naglinaw Kami para sa iyo ng nabanggit, naglilinaw Kami ng mga patunay Namin at mga katwiran Namin laban sa mga alagad ng kabulaanan at para sa pagpapaliwanag sa daan ng mga salarin at pamamaraan nila para makaiwas dito at makapag-ingat laban dito.
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay sinaway ni Allāh sa pagsamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh." Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako sumusunod sa mga pithaya ninyo sa pagsamba sa iba pa kay Allāh sapagkat ako, kung sumunod sa mga pithaya ninyo roon, ay magiging isang naliligaw palayo sa daan ng katotohanan, na hindi napapatnubayan tungo roon." Ito ang lagay ng bawat sumunod sa pithaya nang walang patotoo mula kay Allāh.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Tunay na ako ay nasa isang maliwanag na patotoo mula sa Panginoon ko, hindi nasa isang pithaya, samantalang kayo ay nagpasinungaling sa patotoong ito. Wala sa ganang akin ang minamadali ninyo na pagdurusa at mga tandang mahimala na hiniling ninyo. Iyon ay nasa mga kamay ni Allāh lamang sapagkat ang paghahatol – at bahagi ng kabuuan nito ang hiniling ninyo – ay ukol kay Allāh lamang. Nagsasabi Siya ng katotohanan at humahatol Siya nito. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay pinakamainam na naglinaw at nagbukod sa tagapagtotoo mula sa tagapagpabula."
Sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Kung sakaling nasa ganang akin at nasa hawak ko ang minamadali ninyo na pagdurusa ay talaga sanang nagpababa ako nito sa inyo. Sa sandaling iyon ay pagpapasyahan ang usaping nasa pagitan ko at ninyo. Si Allāh ay higit na maalam sa mga tagalabag sa katarungan kung gaano katagal Siya magpapalugit sa kanila at kung kailan Siya magpaparusa sa kanila."
Nasa kay Allāh lamang ang mga imbakan ng Lingid; hindi nakaaalam sa mga iyon ang iba pa sa Kanya. Nakaaalam Siya sa lahat ng nasa katihan na mga nilikha na hayop, halaman, at walang-buhay na bagay. Nakaaalam Siya sa anumang nasa dagat na hayop, halaman, walang-buhay na bagay, at anumang nalalaglag na dahon sa alinmang pook. Walang natatagpuang isang butil na nakatago sa lupa, walang natatagpuang isang mahalumigmig, at walang natatagpuang isang tuyot malibang ito ay pinagtibay sa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinag-iingatan.
التفاسير:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• الله تعالى يجعل العباد بعضهم فتنة لبعض، فتتفاوت درجاتهم في الرزق وفي الكفر والإيمان، والكفر والإيمان ليس منوطًا بسعة الرزق وضيقه.
Si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay gumagawa sa mga tao na ang ilan sa kanila ay isang tukso para sa iba pa kaya nagkakaibahan ang mga antas nila sa panustos at sa kawalang-pananampalataya at pananampalataya. Ang kawalang-pananampalataya at ang pananampalataya ay hindi nakasalalay sa lawak ng panustos o sikip nito.
Kabilang sa mga kaasalan ng tagapag-anyaya sa Islām ang kaaliwalasan ng mukha, ang pagbibigay ng pagbati, ang pakikisalamuha, at ang pagkagalak sa mga kasamahan niya.
• على الداعية اجتناب الأهواء في عقيدته ومنهجه وسلوكه.
Kailangan sa tagapag-anyaya sa Islām ang pag-iwas sa mga pithaya sa paniniwala niya, pamamaraan niya, at pag-uugali niya.
• إثبات تفرد الله عز وجل بعلم الغيب وحده لا شريك له، وسعة علمه في ذلك، وأنه لا يفوته شيء ولا يعزب عنه من مخلوقاته شيء إلا وهو مثبت مدوَّن عنده سبحانه بأدق تفاصيله.
Ang pagpapatibay sa pamumukod-tangi ni Allāh lamang nang walang katambal sa Kanya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan Siya – sa kaalaman sa Lingid, at lawak ng kaalaman Niya hinggil doon, at na walang nakaaalpas sa Kanya na anuman ni nakalulusot sa Kanya na anuman kabilang sa mga nilikha Niya malibang ito ay napagtibay na naitala sa ganang Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pinakatumpak na mga detalye nito.