Tunay na kayo ay nakaaalam sa pamamagitan ng pagkasaksi na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig ng ulan, saka nagpapasok nito sa mga bukal at mga daluyan; pagkatapos ay nagpapalabas Siya sa pamamagitan ng tubig na ito ng pananim na nagkakaiba-iba ang mga kulay; pagkatapos ay natutuyo ang pananim, saka nakikita mo ito, o nakasasaksi, na naninilaw ang kulay matapos na ito dati ay luntian; pagkatapos ay gumagawa Siya rito, matapos ng pagkatuyo, na nagkapira-piraso na nagkadurug-durog. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may isang pagpapaalaala para sa mga may pusong buhay.
التفاسير:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• إخلاص العبادة لله شرط في قبولها.
Ang pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh ay isang kundisyon sa pagkakatanggap nito.
• المعاصي من أسباب عذاب الله وغضبه.
Ang mga pagsuway ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagdurusang dulot ni Allāh at galit Niya.
• هداية التوفيق إلى الإيمان بيد الله، وليست بيد الرسول صلى الله عليه وسلم.
Ang kapatnubayan sa pagkakatuon sa pananampalataya ay nasa kamay ni Allāh at hindi nasa kamay ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.